Chapter 18

32 2 0
                                    

"The one and only" sabi ni Crizza.

"Bat ka nandito?" tanong ko. Pinanlalihan naman ako ng mata ni Dane.

"Ah kase pinapunta ako ni Dane may sasabihin daw sya kaa nandito ako. Ikaw bat ka nandito?" sabi niya.

"Pinapunta din ako ni Dane dapat nga hindi ako pupunta kaso pinilit nya ko. Ako daw kase yung kukumpleto dito. Tsaka sayang naman din kase sabi nya pag hindi ako pumunta masasayang lahat ng effort nya" may confidence sa sariling sabi ko. Dapat di ako patalo no! Well nag confess na sakin si Dane kanina kaya dapat ipagmalaki ko yun.

"What? So Dane pinapunta mo ako dito para maging audience?" mataray at naiinis na sabi niya.

"H-huh? Hindi ganun" nalilitong sabi ni Dane. Ano daw? Ang guloo!

"Kung kailangan mo ng back up para sa kagaguhang to wag ako yung gingulo mo! May sarili akong party at papauntahin mo ako para dito?" inis at parang nasasaktang sabi niya.

"Crizza sorry. Diko alam na pinapunta ka din ni Dane dito para magkaroon kame ng kasama. Tsaka kung gusto mo bumalik kana sa party mo kayana namin ni Dane to" sabi ko at ngumiti.

"Dane! Lagi nalang ba?! Kala ko ba mahal moko? Niligawan moko eh! Tapos ano to? Si Audi pala yung gusto mo! Wala akong ginawang masama sayo! Dane hindi porket matapang ako hindi na ako nasasaktan! Dane bakit? Bakit?" umiiyak na sabi ni Crizza. Gusto ko syang yakapin pero may pumipigil sakin. Naawa ako sakanya kase alam ko yung pakiramdam na ganun.

"Alam mo ang buong akala ko kaya mo ako pinapunta dito kase yayayain mo akong maging girlfriend mo! Ako naman si uto uto pumayag! Tumakas ako sa party ko para dito na sana hindi ko na ginawa! Dane hindi ko maintindihan!" napaluhod na si Crizza kakaiyak. Lumapit naman si Dane sakanya tapos pilit syang niyayakap pero tinutulak sya neto.

"Cri-crizza hindi ganun. Crizza ikaw, ikaw yung mahal ko para sayo lahat ng to. Please maniwala ka sakin" parang gumuho yung mundo ko sa sinabi niya. Hindi pinapagaan nya lang yung loob nya.

"Dane tama na! Ayoko na! Nasaktan mo na ako! Magsama kayo ni Audi! At wag na wag kang magpapakita sakin" yun lang at tumakbo na sya palabas.

Naiwan akong nakatulala parin at hindi makapg salita habang si Dane naman ay nakaupo sa sahig at umiiyak. Hindi ko maintindihan yung nangyayari parang lumabas yung kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Da-Dane. Ano yun? Bakit ganun?" Nanginginig na tanong ko. Tumayo sya at humarap sakin.

"Put*ngina! Ako dapat magtanong sayo nyan!Ano yun?! Bakit ganun?! Kala ko ba tutulungan moko?! Eh ikaw pa mismo yung sumira ng plano ko eh!!" galit na sigaw nya sakin. Natatakot ako sakanya pero alam ko na hindi nya ako sasaktan.

"Hi-hindi kita maintindihan. Wa-wala akong maintindihan. Tsa-tsaka diba nandito naman ako? Sabi mo ako yung mag papa success ng plano mo? Tsa-tsaka successful naman eh" pagpapaliwanag ko. Kailangan ko magpakatapang para saming dalawa. Siguro di pa sya handang sabihin kay Crizza kaya nagagalit sya ngayon kase sinabi ko agad.

"Alam mo ba yung sinasabi mo? Alam mo ba?!" sigaw nya tapos hinawakan yung braso ko. Tuluyan na akong umiyak dahil super higpit ng hawak nya.

"Da-Dane nasasaktan ako" umiiyak na  daing ko.

"Pano naging successful? Eh put*ngina sinira mo nga! Dapat di kana pumunta dito" sabi niya at binitawan yung braso ko tapos tumalikod pero hinawakan ko yung kamay nya.

"Da-Dane success naman eh. Diba nga nagpunta ako nasabi mo sakin yung mga gusto mong sabihin. Nalaman ko na gusto mo din ako, na mahal mo din ako. Dane sorry kung nasabi ko kay Crizza yun----" naputol yung sasabihin ko kase tinulak nya ako. Shit ansakit ng balakang ko.

"Audi umalis kana baka kung ano pa magawa ko sayo" matalim na sabi niya.

"Pe-pero diba sabi mo mahal moko? Bakit moko ginaganito?!" humahagulgol na sabi ko. Nagsabay sabay yung sakit!

"Audi hindi.kita.mahal. Hindi kita minahal!! Lahat nang to? Para kay Crizza hindi para sayo! Yung mga sinabi ko? Para kay Crizza din yun! Hindi ikaw yung tinutukoy ko!" WOW. Nanlumo ako sa nalaman ko. Pinilit kong tumayo at lapitan sya.

"A-ano?" yun lang yung nasabi ko. Hinang hina ako. Hindi ko alam yubg dapat kong maging reaction. Ang hirap iabsorb.

"Narinig mo naman siguro diba? Kailangan ko pang ulitin. Audi sabi mo tutulungan mo ako pero wala ka namang natulong sinira mo pa" matalim na sabi niya.

"Nakakaloko ka naman Dane hahaha. Alam moba yun? Huh?! Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon?! Sobrang sakit! Hindi mo manlang ba kayang isipin na babae ako? Nasasaktan ako! Dane napakamanhid mo naman kung hindi mo alam na mahal kita. Mahal na mahal!" umiiyak na sabi ko.

"Dane t*ngina lang! Papapuntahin mo ako dito para makita kung gano mo kamahal si Crizza? Ano bang tingin mo sakin?! Ganyan ka ba kamanhid?! Dane ansakit na eh! Ansakit sakit! Ayokong ipakita sayong nasasaktan moko pero Dane sobra na eh. Diko na kaya" iyak ako ng iyak habang nagsasalita. Lumambot naman yung expression ng mukha nya.

"Audi hindi ko alam---" pinutol ko na yung sasabihin niya

"Hindi mo alam? Sabagay pano mo nga naman nalalaman na may isang taong nagmamahal sayo eh hindi mo maalis yung tingin ko sakanya. Dane kala ko eto na. Eto na yung pinakahihintay ko eh pe--" hindi ko matuloy yung sasabihin ko kase nauubusan ako ng hininga kakaiyak.

"Pe-pero hindi pala. Dane kala ko nung mga nakaraang araw pag magkasama tayo kala ko may pag-asa na kala ko gusto mo na ako. Dane bakit ganto? Dapat nung umpisa palang nilayuan mona ako mas okay kung ganun yung ginawa mo hindi yung mas nilapit mo yung sarili mo sakin" hindi ko na halos makita yung piligid ko dahil sa mga luha ko.

"Audi sorry hindi ko alam" sabi niya at pinunasan yung mukha ko pero hinawi ko yung kamay nya.

"Dane pano mo malalaman?! Ni minsan ako yung laging nandyan pero kahit ngiti di mo ako binigyan! Dane sobra sobra na! Andami ko nang sinakripisyo para dayo peri kahit isang kapalit wala akong nakuha" umiiyak na sabi ko.

"Audi. Sorry. Kala ko yung mga pinapakita mo sakin pagmamahal bilang kapatid---"

"Kapatid?! Nang-gagago kaba?! Kala ko ba matalino ka?! Totoo pala talagang tanga yung mga matatalino. Dane halos lahat alam mahal kita! Panong hindi mo alam?! Ganun ba ako ka invisible sa paningin mo?!" sabi ko.

"Dapat nakinig nalang ako kay Adi. Wala akong napala sayo. Siguro nga dapat na kitang kalimutan. Thankyou sa lahat ng masasakit na memories" sabi ko. Halos wala nang luhang lumalabas sa mata ko. Ansakit lang.

"Sorry" yun lang yung sinabi niya sakin.
~~~~~~

Pagkalabas ko bumuhos ulit yung luha ko. Ano bang kasalanan ko?! Bakit ginaganito ako?! Nagmahal lang naman ako eh! Ang mali ko lang sinugal ko lahat kahit na walang kasiguraduhang mananalo ako.

May nakita akong anino. Pag lingon ko nakita ko sya. Yung taong pumigil sakin pero diko pinakinggan. Nakatayo lang sya habang pinagmamasdan ako. Walang expression yung mukha nya. Nakatingin lang sya sakin.

"A-adi" yun lang tapos nag blank na yung paligid.

At some point you will realize that you have done too much for someone, that the only possible step to do is to stop. Leave them alone. Its just that you have to distinguish determination from desperation.

Chasing His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon