PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..
-JOY'S POV-
Naging mabilis ang pangyayari. Tinago ako sa likod ni Anthon para protektahan at ang sunod sunod na pagputok ng baril ang aming naririnig.
"Anthon..." Takot kong sabi habang nakasiksik sa kanyang balikat.
"Stay with me Heart, nothings gonna happen." Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya at ang sigawan ng mga tao sa loob ang siyang nangingibabaw.
Ilang minuto ang putukan hanggang sa nakarinig kami ng sigawan mula sa kapatid ni Nilo at ang nakakabinging harurot ng mga sasakyan.
Maya maya lang ay may pumasok sa kwartong kinaroroonan namin.
"Sir..."
Nag-angat kami ng tingin ni Anthon at nakita namin ang mga body guard namin kasama.
"What happen?" Aniya ng aking asawa.
"Nagkaron ho ng barilan sa loob. Hindi pa naiidentify ang mga suspect pero nabaril ho ang asawa ni Mr. Buenaventura."
"Shit..."
Magkasabay kaming lumabas ni Anthon sa loob ng kwarto at naabutan pa namin nagkakagulo ang lahat.
Sumalubong samin ang ilang duguan mga biktima at nahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Tina'ng tila wala nang buhay habang kinakarga ni Nilo palabas ng Hall.
"Anthon...." Humigpit ang kapit niya sakin. Nagtungo kami kala Rafael.
"That was fast Pare, hindi namin namukhaan ang mga suspect dahil mabilis ang mga nangyari."
"How's Tina.."
"Pare kami rin ay di namin alam kung buhay pa ito...."
"Si Nelvie.... Ang anak ko Neal...Si Nelvie.." Rinig namin iyak ng ina ni Nilo. Don lang din namin nalaman na dinala ito ng mga taong nanggulo sa loob ng Party.
"BAKIT NAKALUSOT ANG MGA GAGONG YUN SA LOOB!! MGA WALA KAYONG KWENTA!!" Sigaw ni Don Neal sa mga security na gulat din sa mga nangyayari.
"May mga katawan din ng mga tao sa stock room at wala ng mga buhay ang mga ito. Ilan lamang sila sa mga tauhan ng Santibanez Corporation...."
Hinila ako ni Anthon para tunguhin ang isang officer na kausap ng chief commander ng Security.
"My name is Anthon Santibanez, anong nangyari sa mga tao ko?"
Umiling ito at tiningnan ang kasamang yumuko.
"Wala pa kaming sapat na impormasyon pero base sa nalaman namin, nagpanggap na mga empleyado ng Santibanez Corporation ang mga taong nanloob." Malakas ang mura ni Anthon.
"Wag ho kayong mag-alala Sir, everything is under control."
Hindi namin namalayan ang pagkawala ng aming kausap. Sinapo ni Anthon ang kanyang ulo at pagkatapos ay hinila na naman ako nito pabalik sa pamilya ni Tina na ngayon ay umiiyak.
"Susunod kami Pare sa Ospital, iuuwi ko muna ang mag-ina ko." Si Cyrus. May mga security agad itong kasama at nagbabantay. Ganundin sa pamilya ni Tricia.
"Heart, umuwi muna tayo. Wag kang lalabas ng bahay. Tatawag din ako sa Daddy mo para malaman nila ang mga nangyari. Magpapadagdag ako ng security and please do as I told okay." Sunod sunod ang ginawa kong pagtango pagkatapos ay sinundan ko si Anthon palabas ng Hall para umuwi.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE TYCOON
عاطفيةGalit at puno ng hinanakit si Joy nang malaman niyang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang estrangherong lalaki. Hindi niya maunawaan ang dahilan ng kanyang pamilya at pilit siyang pinagkakanulo sa lalaking iyon. Dahilan kaya pinili niyang magla...