KABANATA 70

23.2K 439 23
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

WARNING: NOT SUITABLE FOR YOUNG READER'S.. 


-Anthon's POV-


"Oh pare, san ka na naman?" Si Kelvin ng maabutan ako nitong nagliligpit ng gamit sakin opisina. Lintek hindi ko nga sinasabi sa kanila lahat ng mga nangyayari sakin dahil ayokong pati sila ay madamay dito pero dumating naman ang bakulaw na'to.

"MGA PAREKOY I MISS YOU!!!" Mas lalo akong napamura ng Makita ko si Rafael sa pintuan ng aking opisina at sinundan pa ni Cyrus na may bitbit na isang kahon ng alak.

"Busy'ng busy ah. Chilax ka naman Pard's aba'y ilang linggo ka namin di nakikita." Si Cyrus ng linapag sa mesa ang mga alak. Isa isa iyong binuksan ni Rafael.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-aayos. Nasan ba kasi si Reste at di man lang ako sinabihan na parating ang mga Kutong lupa na mga ito. Eh di sana di na ako dito tumuloy.

Kailangan kong makauwi agad para makapaghanda, bago sumapit ang gabi ay aalis na kami patungong La Union. Hindi ako pwedeng uminom ng alak sa ganito kainit na sitwasyon.

"Mga Ugok, pasensya na hindi ako pwedeng uminom, meron akong mahalagang inaasikaso eh."

"Ouch naman Pare, nakakahurt ka naman parang sinabi mo nalang din na di kami importante sayo. Wag ganun men, wag ganun."

"Oo nga Pare, ngayon ka lang namin nakita, Kung hindi ka pa namin dinalaw dito eh di ka naming makikita. Miss na miss na kaya kita, pakiss nga." Si Kelvin at lumapit ito sakin para halikan ako pero binato ko na agad ng Ballpen sa ulo.

"Sira ulo..." Natigil ako sa pagsasalita ng Mag ring ang aking cellphone. Pare pareho kaming napatingin sa caller ID.

Si Frederico

"Yes Dad." Sinenyasan ko sila na wag maingay lahat.

"Anthon nagpadala ako ng extrang tao na sasama sa inyo mamaya. Kilala ko ang mga ito at tauhan ito ng aking Kompadre."

"Sige ho Dad, pakiforward nalang ho ng mga pangalan para maibigay ko kaagad kay General Luna." Lingid sakin sarili ay sinasabi ko rin sa pamilya ni Joy ang plano kong pagligtas rito. Nangako kasi ako sa kanila na magbibigay ako ng balita tuwing meron sa kanila.

Mapilit si Frederico at katulad ko'y gusto namin mailigtas ang kanyang anak kaya gumagawa rin siya ng sariling paraan para makatulong.

"Mag-iingat ka Anthon and please, ibalik mo ang anak ko." Mahinahon at punong puno ng emosyon sabi sakin ni Frederico.

"Yes Dad, iuuwi ko ng buhay ang aking asawa." Sabi ko pa rito. Saglit akong natigilan ng matapos ang tawag. Naalala kong hindi lang pala ako ang nasa loob ng opisina.

"Buhay si Joy.." Si Cyrus at nagpalitan sila ng tingin nila Rafael. Nag-iwas ako ng mga mata. Hangga't maari ay gusto kong maging pribado ang impormasyon nalaman ko tungkol sakin asawa. Ayokong dumating sa punto na putaktehin ako ng Medya kakatanong tungkol dito.

"Pare, ba't di mo naman sinabi samin." Nang hindi ako umiimik sa kanilang mga tanong. Ito na nga ba ang ayaw ko na mangyari. Ang sabihin sa kanila ang kalagayan ni Joy. Dahil alam ko, hindi sila magdadalawang isip na iwanan ang ginagawa para tulungan ako.

Ngayon naiintindihan ko na si Nilo kung bakit niya kami di sinama nung sinugod niyang mag-isa si Harvey para iligtas ang kapatid. Kasi mahalaga kami sa kanya at ayaw niyang may mangyari samin masama.

MARRYING THE TYCOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon