Introduction

28 1 0
                                    

I N T R O D U C T I O N / /

"Hannah? Tara na.", may tumatawag sa pangalan ko pero di ko nilingon kung sino. Wala ako sa panahon para maglakwatsa kung saan-saan.

"Hello? Hannah? May tao po ba?".

*SNAP!*

"O-oo..oo. Ano yun Alia?", natauhan ako dahil biglang nag snap ng fingers si Alia sa harap ko.

"Sabi ko tara na. Nasa malayo na naman ang isip mo. Nakatingin ka na naman sa mga ulap.", nakacrossed-arms siya ngayon. "Siya na naman ang iniisip mo."

"Alam mo namang hindi ganun kadali yun beshie di ba (_ _)? Alam mo naman mahirap para sa akin ang---", di ko na natuloy ang sasabihin ko. Nag-uunahan na kasi sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko. Hanggang kailan ba ako magiging gan'to? Hanggang kailan ko ba papahirapan ang sarili ko? Hindi ko siya kayang patayin sa isipan ko lalong-lalo na sa PUSO ko. Mahal ko pa siya hanggang ngayon.

"Alam ko naman yun beshie eh. Kaya lang, matagal na siyang wala kaya patayin mo na  rin siya sa puso mo.", hinahagod ni Alia ang likod ko. Di kalaunan niyakap na niya ako. Di pa rin kasi tumitigil sa pagragasa itong mga luha sa mata ko. Kung ganun lang sana kadali patayin lahat ng ala-ala.

"Tahan ka na beshie. Tignan mo ohh.", biglang nilabas ni Alia ang salamin niya. "Tignan mo nga itsura mo. Para kang losyang na nanay na nanganak ng isang katirbang ANAK."

"Anla. Beshie ah.. Grabe naman. Di pa nga ako natikim eh. Virgin pa ako noh :))"

"Ohh. Ayan! Tumawa ka na rin. Tara na nga sa baba. Naghihintay na sila sa baba."

"Beshie?! Sa tingin mo babalik pa kaya siya?"

"Kung matitiis ka niya, malamang babalik yun."

"Sa tingin mo matitiis niya ako?"

"Sa tingin ko HINDI!", diniinan niya talaga ang HINDI ah. Nalungkot na naman ulit ako.

"Ba't mo naman nasabi?", maiiyak na ako. MALAPIT na.

"Kasi sa itsura mong yan, wala nang lalaking babalik. Diba sabi ko kanina para kang losyang na nanay? E kung ako ang lalaki di na ako babalik sayo. LUGI naman ako noh. HAHAHAHAHAHAHAHA.", muntik na talaga akong maiyak nun. Buti nalang nabawi ni BESHIE. HAHAHA. Natatawa ako sa sinabi niya. Tumuloy na sa pagbagsak ang mga luha ko pero di sa lungkot kung hindi sa kakatawa dahil sa sinabi ni Alia--my bestest friend.

"GAGA ka talaga kahit kelan.HAHA :D", binatukan ko siya.

"ARAY! Namamatuk? Iba ka talaga pag tumatawa e. Nagiging AMAZONA ka."

Buti nalang andyan pa si BESHIE. Kundi lugi na ako nito. HEHEHE. Pero babalik pa kaya siya sa lahat ng kagagahang nagawa ko sa kanya? Kung di ko lang sana ginawa yun malamang andito pa siya sa tabi ko. Masaya sana kami ngayon.

Asan ka na ba? Bumalik ka na please.

~*~*~*~*~

Author's Note:

Medyo mahaba po ba ang intro? Sori po :) Hehehehe. Alam ko na SAD yung prologue ko pero di whole story ko sad ah. This is not your fairytale lovestory. This is a story that portraits reality. Naisipan ko lang kasi bigla. Hehehe. Sana po support my FIRST EVER STORY here in WATTPAD. Ito po talaga yung pinakaunang story ko. Support support din pag may time. May time ka ba? Support na.

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon