Part Five

14 0 0
                                    

F I V E / /

[ Brylle's POV ]

Hindi ko na talaga siya makakalimutan nito. Bakit ba classmate pa kami? Buti pa siya nakalimutan na niya ako. Buti pa siya hindi na iniisip kung paano makakamove-on. Buti pa siya walang nararamdamang sakit. Samantalang heto ako, nagtitiis sa sobrang sakit na dulot ng nangyari isang taon na ang nakakalipas. Okay na ako nun eh. Ba't ba kasi dumating pa siya ulit? Naguiguilty tuloy ako. ARRGGGGHHHH! HINDI AKO MAKATULOG. LECHE PLAN na buhay ito oh.

Tumagilid ako. Tumihaya. Lumuhod. Dumapa. Hindi pa rin ako makatulog. Ayan na naman kasi siya. Inaatake na naman ang utak ko. Tumatakbo na naman siya dito.

Dahil hindi ako makatulog lumabas ako ng bahay. Dinala ko ang aking pinakamamahal na gitara. Naglakad-lakad sa labas. Hindi ko na alam kung san man patungo itong mga paa ko. Anong oras na ba? Medyo madilim na ang paligid. Di karamihan ang taong nandito. Nilibot ko ng akong paningin ang buong paligid. Ang liwanag na nasa lampshade nalang ang nagbibigay ng linawag na sa buong paligid. Andito ako sa park ngayon. Nasa subdivision lang namin tong park na to. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Umupo ako sa swing habang nakatingala sa mga bituin sa langit.

***FLASHBACK***

"Ang ganda ng langit babe noh?" Nakatingala siya sa himpapawid. Nakangiti.

"Ano ka ba babe? Hindi langit yan noh?" Nakatingin ako sa kanya. Sa maamo niyang mukha.

"E ano yan? Diba langit ang tawag diyan?"  Tinuro pa niya.

"Hanggang dyan lang ang abot ng ating paningin. Iba kaya ang langit. Di ba sabi ni sister, yung langit may mga anghel, Santo, at andun din si Mama Mary. Di ka kasi nakikinig sa religion class natin eh."

"Sige na. Ikaw na magaling sa Religion. Ikaw na mabait." Sabi niya tabay hug sa akin at kiss sa pisngi.

"I love you babe."

"I love you too babe always." Niyakap niya uli ako.

***END OF FLASHBACK***


Kinuha ko ang aking gitara at magsimulang tumugtog ng isang awiting nagpapasagot sa kanya nuon. Natatawa nalang ako habang naalala ko ang panahong mga yun. Hindi siya basta bastang babae. Pinipili niya ng maigi ang lalaking sasagutin niya. Kaya nga mahal na mahal ko yun.

NOW PLAYING: 

Wag Mo Na Sana by Parokya ni Edgar.

Naiinis na ako sa iyo

Bakit mo ba ako ginaganito

Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo

Ano pa bang dapat na gawin pa 

Sa 'king pananamit at pananalita

Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghahanga at pagtingin

Sa iyo

Wag mo na sana akong pahirapan pa 
Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na 
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita

Ano pa bang dapat na gawin ko
Upang malaman mo ang nadarama ko 
Upang iyong mapagbigyang pansin 
Aking paghahanga at pagtingin 
Sa iyo 

Wag mo na sana akong pahirapan pa 
Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na 
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon