Part Three

20 1 0
                                    

T H R E E / /

Nagising ako sa sinag ng araw. Anong oras na kaya? Tumingin ako sa Wall clock namin. Medyo malabo. Kinusot ko ang mata ko para maaninag kong mabuti. 7:25am na pala. Teka! ANOOOO!? 7:25AM!? LATE NA AKO.

WAAAAAAA! Dali dali akong bumaba. Kinuha ko muna yung tuwalya at saka ako natatarantang bumababa ng hangdan namin. Ayy. PAKSSHEEET. Bakit hindi ako ginising ni Mama!? Bilisan mo pa Hannah. Bilis pa.

*KREEEK!*

Binuksan ko yung pintuan ng banyo namin. Halos 15 minutes lang yung ligo ko. Parang lalaki na ako nito. Tae na. Akyat na naman sa taas para magbihis. Takbo ako ng takbo kahit nasa loob lang ako ng bahay. PATAY! 7:50 na. Pagkatapos magbihis baba na naman para kumain. Takbo na naman ulit. Kamuntikan na nga akong madulas.

"Wag na lang akong kumain. Bahala na to. Sa school nalang."

Pumara ako ng taxi. Bahala na to. Wala na akong pakialam kong aksaya na sa pamasahe. 8:01am na. Nacross yung fingers ko sabay sabing KUNTING BILIS PA MANONG. KUNTING BILIS PA. May turbo ba tong taxing to!?

"Turbo mo na manong." Natataranta na talaga ako ngayon. Natawa nalang yung driver sa sinabi ko.

Agad agad akong bumaba ng taxi. Dirediretso na ako papumta sa classroom ko. Pinagtitinginan na ako ng mga ibang estudyante. Di pa pala ako nakapagsuklay. Mukha na akong mangkukulam nito. Takbo na Hannah. Takbo na. Kunting kunti nalang. Malapit na. Ilang dipa lang ang layo ng biglang...

*BLAG!*

"ARAY!. Ang sakit ng pwet ko." May nakabangga ako.

Dali dali akong tumayo. Di ko na tinignan kung sino man yung nakabangga ko. Nakakahiya na. Alam kong kasalanan ko yun.

"Sorry. Sorry." Sigaw ko habang lumalakad ng mabilis. Malapit na ako sa classroom. Isang hakbang nalang. Sa WAKAS.

"Good Morning Ma'am. Good Morning classmates. I'm sorry I came late. May I come in?" Nakayuko ko pang sabi.

Teka! Ano yung sinabi ko?Pang elementary yun. TANGA MO NAMAN HANNAH. Bahala na. Palpak na kung palpak. Ako na ang Reyna ng Sablay sa araw na ito.  

Walang nagsalita pagkasabi ko nun. Alam kong nagulat sila. Di ko man sila tinitignan pero alam kong gulat na gulat sila. Nakayuko pa rin ako. Wala akong planong itaas ang mukha ko. Nakakahiya. Kahit walang nag-utos sa akin, kusa nalang akong pumasok at dirediretso sa upuan ko. Naupo ako dun. Inayos ayos ko yung buhok ko. Sinusuklay ko gamit ang mga daliri ko. Ayan. Ready na akong humarap sa klase. Tinaas ko na ang mukha ko ng ...

"Excuse me miss. You've entered a wrong class."

O___O  

Owww. Sht. Sht. WAAAAAAAAAAAA! O///O Nakakahiya.

Kinuha ko yung bag ko sabay alis agad. Tae. Asan ba yung classroom ko? Pagkalabas ko tinignan ko yung sign board na nasa taas ng pintuan. IV-Mercury.   Tama naman yung pinasukan kong classroom ah. Tinignan ko ulit. IV-Mercury. Kinurap kurap ko pa yung mata ko. Baka namamalikmata lang ako. Tinignan ko ulit. IV-Mercuy talaga e. Ano ba to?  

*KRUUUUUUUU!*

Awts. Nagugutom na yung mga alaga ko. Di pa pala ako kumain. Taengna to. Wala na ako sa pag-iisip ko. Tarantang-taranta na talaga ako. Kinuha ko yung CP ko. Dinial ko agad number ni Alia.    

*Riiing! Riiing! Riiing! Riiing!"

Please Alia. Sagutin mo. Please.  

*Click!*

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon