Part Four

9 1 0
                                    

F O U R / /

[ Brylle POV -- He was the one narrating the story ]

Matagal na panahon na rin ang nakalipas. Matagal na panahon para tuluyan na siyang makalimot sa nakaraan. Matagal na panahon para gumaling na ang kanyang sugat. Malaki ang kasalanan ko sa kanya pero hindi na bale yun. Alam ko namang pagkatapos ng lahat ng nangyari hindi na niya ako matatanggap. Alam kong di na ulit mangyayari ang nangyari sa nakaraan. Mas gugustuhin ko pang mabaon na lamang ako sa limot. Kilala ko siya. Kilalang-kilala.

Maaga akong nagising ngayon kaya maaga rin akong pumasok. Dumating ako sa school mga 6:47AM. Wala pa masyadong tao. Umupo ako sa isang bench na malalim sa puno. First day of school ngayon pero parang hindi ata ako nae-excite. Noon kasi kapag first day of school excited na excited akong pumasok. Pero iwan ko lang ngayon. Marahil isa sa dahilan ay ang pagkawala niya. Isa sa dahilan ang matagal ko ng paglimot at pag-iwas ko sa nakaraan. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakalimot. Nakalimot na kaya siya?

"BEESHIIIIEEEEE HANNAAAAAAAAAAAAH >____<!!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Tinigil ko ang pagbabasa ng libro at saka tumingin sa babaeng nakalunok ata ng SPEAKER.

"BESSSSHIIIIIIIIIIE ALIIIIIIIAAAAAAAA!! :))))))" Sumigaw din yung isa pa. Magkaibigan ata sila. Ay mali.  Matalik na magkaibigan ata sila. Nagyakapan silang dalawa at nagbeso. Tama nga ang hinala ko. Bestfrinds nga sila. Di ko siya namukaan kasi nakatalikod siya.

"Namiss kita. SOBRAAAA!!. *mwaaa* ^O^"

Ano ba yan? Ang lapit lapit na nila sa isa't isa sumisigaw parin yung isa. Hayy. Mga babae talaga. Ibinaling ko na uli ang sarili ko sa libro at nagbasang muli. Hindi lang ito basta libro. Isa itong libro na nagbibigay ng inspirasyon. Isang libro na puno ng pag-ibig at pagmamahal. Dito ko nalang tinutuon ang sarili para makalimutan ko siya. Isang taon at kalahati na ang nakalipas pero wala parin. Siya pa rin.

*RIIIIIIIIIING! RIIIIIING!*

Isinara ko na ang libro ko at saka tumayo para pumunta na sa classroom ko. Naglalakad ako sa hallway nung time na yun. Diretso diresto lang ako sa lakad ng biglang...

*BLAG!*

Natumba yung babae. Nagkabanggan sila ni Michael. Siya yung kasama ko sa basketball team ng school na to. Magaling siyang maglaro pero mas magaling ako. Nagkakaintindihan kami kapag nasa loob na kami ng court. Di siya matakaw sa puntos. Basta manalo lang ang team okay na sa kanya yun.

"ARAY!! ANO BA? DI KA BA TUMITINGIN SA DINADA...a..nan....mo..?" Sumigaw yung babae. Pero kumalma din kalaunan dahil siguro nakita niya ang GWAPONG mukha ni Michael. 

Lumuhod si Michael para tulungan yung babaeng natumba. Di ko kilala yung babae dahil nakatalikod siya. Nanatiling nakatayo yung isang babaeng kasama niya.

"Ay. Sorry Miss. Are you hurt?" Yun yung huling narinig kong sinabi ni Michael. Tumuloy na ako papuntang classroom namin. Di naman ako chismoso para pakinggan pa yung pinag-usapan nila noh.

Marami ng estudyante sa classroom. Tumingin lang sila saglit sakin tapos tinuloy nila ulit ang ginagawa nila. Yung iba narinig ko pang nagbulungan. Ganito talaga sila. Sana'y na ako sa ganyan. Sana'y na ako sa mga mapanghusgang nilalang nato.

"Bakit may scar yung face niya? Ang panget naman."

"Malamang nabugbog yan ng mga siga."

"O baka naman ganyan na talaga siya."

Narinig ko pa silang tumawa. Hindi na ako magtataka sa kanila. Nabiyayaan sila ng magandang itsura. Pero sana di nila iyon ginagamit para manlait ng kapwa. Pasalamat nga sila maganda parin ang mukha nila. Di tulad ko na may malaking peklat sa mukha na naging malaking minus sa pogi points ko.

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon