PLEASE READ!!!
Ang buong kwentong ito ay malilipat sa Dreame. Ang Dreame ay isa ring writing platform wherein kikita ang writer. 5 Chapters are still available here. The complete parts will be available in Dreame. Gumawa lang ng account at mag-log in. Same lang ang username ko. Iamjaelopez. Ang ibang part naman doon ay may bayad. Mag-aupdate ako 5 times every week at 7:20 PM Philippine time. Please support me guys.
Posted: June 18, 2019 7:20 Pm
Chapter 1 will be posted on June 19, 2019 at 7:35 PM***
"Bye Casey! Bye Dionne!" Saad ko sa mga classmates slash bestfriends ko nang makarating kami sa parking lot ng school namin. Nandoon na kasi ang sundo ko't naghihintay.
"Bye Yuki! Kita na lang tayo bukas." Si Dionne.
"Babye Yukiness!" Si Casey.
Both of them are my classmates and best of friemds. I don't know, I'm more comfortble with girls than boys. Siguro dahil pusong babae rin ako. It has to do something about it.
I just smile and wave my hand at them before getting inside the car.
"Si Yuri, Kuya Arnold?" Tanong ko sa driver namin. Yuri is my sister. Dalawang taon ang agwat ko sa kanya. She's in her second year high school.
"Nasa bahay na siya. Pinauwi kasi ng teacher niya dahil nilalagnat daw."
Napailing ako. Sabi ko naman kasi kanina na huwag na lang pumasok dahil matamlay siya. Pero nagpupumilit pa rin dahil may long quiz daw sila.
Palibhasa kasi ay ayaw niyang makakuha ng mababang grado. Palagi kasing first honor simula elementary at takot na malamangan ng iba kaya ganoon na lang kasipag mag-aral.
Hindi katulad ko na isang tipikal na estudyante lamang. Papasok ng school at mag-aaral. Makikinig, magsusulat at gagawa ng mga assignments at activities. Mag-aaral lang kapag may mga pagsusulit at hindi rin masyadong nag-e-excel. In short, average student.
"Eh sina Yackie at Yannie?"
Bago pa man makasagot si Kuya Arnold, bumukas na ang pinto sa likod at pumasok ang dalawang bata.
"Hello kuya Yuki! Hello kuya Arnold!" Halos magkasabay nilang bati. Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Napangiti na lang ako dahil sa dalawa. They're so sweet kahit na ang hahyper at kukulit nila.
Yackie and Yannie are nine year old fraternal twins. Mga bunso namin na sumunod kay Yuri. Mayroon pa kaming ibang mga kapatid. Actually, siyam kaming lahat.
Iyong pinakapanganay namin ay si Kuya Yara. He's already twenty eight years old. He's in the states right now and currently working as an animator. Dalawang taon naman ang tanda niya kay ate Yumi na nasa ibang bansa rin. She's in Korea working as a manager of a famous k-pop boy group and different artists.
Sumunod dito si Ate Yullie na nasa France at nagtatrabaho rin. At the age of twenty-four, she already made a name in fashion industry as a designer. Ikaapat si kuya Yue na nag-aaral pa lang ngayon. Siya lang ang kumuha ng related business course sa amin. Siya lang din ang may gustong hawakan ang kompanya. Ang mga eldest siblings kasi namin ay ang kanilang mga pangarap ang sinunod nila. Ang sumunod sa kanya ay si Ate Yura. Nineteen years old and a third year fine arts student. Tapos ako, sixteen. Then sina Yuri, Yackie at Yannie.
Ang sipag ng parents namin. Pero hindi naman sila nagkulang bilang mga magulang. Pantay-pantay ang pagmamahal na binigay nila sa amin. Pinag-aral kami sa magagandang paaralan. Kahit na mayaman kami, tiniruan pa rin nila kami ng mga mabubuting asal.
BINABASA MO ANG
Off Limits (Boyxboy) (Editing)
Teen Fiction[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao. Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging...