Posted in Dreame
June 22, 2019Yuki
Sinalubong ni Kuya Rio ang batang lalaki na nagtatakbo papunta sa kanya. Binuhat niya ito at ginulo ang buhok. Pinupog niya rin ito ng halik sa pisngi. The kid is about three to four years old."Papa Rio namiss po kita."
"Ako rin. Miss ko na si baby Andy." Ani Kuya Rio at muling ginulo ang buhok nito.
Hindi ako nakakilos para umupo. Nanatiling nakatayo at tila gulat pa rin sa nakita.
Hindi ko lubos akalain na may anak na si Kuya Rio. So ibig sabihin niyan, may asawa na siya?
No way!
"Nasaan ang mama mo?" Tanong ni Kuya Rio sa bata.
"Labas po." Magiliw naman na saad nito.
Bumukas ang pinto kung saan kami pumasok ni Kuya Rio kanina at iniluwa ang isang babae na nasa tingin ko'y labing siyam hanggang dalawampu ang edad. Maganda at mahaba ang buhok. She could be possibly Kuya Rio's wife.
"Mama!" Sigaw ng bata sa babae.
Totoo nga ang lahat ng nakikita ko. Ito na buong patunay na may asawa na si Kuya Rio. Na may pamilya na siya.
"Andy naman eh. Huwag ka ngang takbo ng takbo. Napapagod na ang mama kakahabol sayo. Uy Rio, naparito ka?"
"Hi Jen." Bati ni Kuya Rio sa babae. Lumapit ito sa kanya at kinuha nito si Andy sa kandungan niya.
"Ang kulit mo talaga Andy. Pagod na pagod na si mama." Saad nito sa anak. Humagikhik lang ang bata. "Kulit." Umiling na lang ito at napatawa. Napatawa na rin si Kuya Rio at ginulo ang buhok ng bata.
"Parang si Rio lang noong maliit pa siya. Ganyan din kakulit." Noon naman nagsalita ang nanay ni Kuya Rio at lumapit ito sa babae. Kinuha ang batang si Andy mula sa huli. "Halika na kayo sa kusina at nang makakain na tayo. Yuki halika na." Aya nito sa akin at tinungo ang isang pintuan na sa tingin ko ay dining area nila.
Napatingin naman sa akin ang babae na nagngangalang Jen at nginitian ako kahit ang mukha niya'y nagtatanong.
"Nga pala Jen, si Sir Yuki. Amo ko. Sir Yuki, si Jen." Pagpapakilala sa amin ni Kuya Rio.
"Hi po. Nice meeting you." Bati ko sa babae at ningitian ito.
"Nice meeting you rin Sir." Bati rin nito sa akin. Lumapit dito si Kuya Rio at inakbayan ito.
"Punta na tayo ng kusina Sir, kain na po tayo." Ngumiti lang ako bilang tugon. Pinatiuna ko lang sila bago sumunod.
Ang sayang nararamdaman ko kanina habang nasa sasakyan ay mabilis na napalis nang malamang may pamilya na si Kuya Rio.
Bakit hindi ko man lang iyon naisip? Parang gusto ko ng umuwi at pumalahaw sa kwarto ko. Ang sakit.
Pumuno sa ilong ko ang mabangong aroma nang makarating sa kanilang hapagkainan. Kaya pala, dahil tinolang manok ang niluto ng nanay ni Kuya Rio. Kung hindi dahil sa nalaman ay pihadong nagpapapalakpak na ako ngayon sa tuwa dahil isa ito sa paborito kong ulam. Nawala ang pagkagutom ko at tila nawalan ng gana.
"Pasensya na Yuki, anak ha? Ito lang ang ulam namin ngayon. Kumakain ka ba nito?"
Ngumiti ako kay Aling Josefa nang magsalita ito, "okay lang po."
Inaya ako nitong umupo sa tabi ni Kuya Rio. Kaharap namin sila ni Jen habang kalung-kalong si Andy.
Pagkatapos magdasal ay nag-umpisa na kaming kumain. Aligaga si Kuya Rio sa kaseserve sa akin. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kilig pero mabilis ding nawawala dahil nasa harap lang namin ang asawa't anak niya.
BINABASA MO ANG
Off Limits (Boyxboy) (Editing)
Teen Fiction[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao. Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging...