Chapter 1

9.7K 278 27
                                    

Posted in Dreame (June 18, 2019 at 7:35 PM)

Chapter 2 will be posted on June 19, 2019 at 7:35 PM.

Yuki

Nagising ako mula sa ingay na likha ng alarm clock. Pagkadilat ko ng mata, agad kong naalala ang nangyari kahapon.   

Ang bagong driver.

Ang pagkatulala ko sa kanya.

Ang pagpapakilala niya.

At ang bigla kong pagtakbo dahil sa sobrang ilang at hiyang nararamdaman.

It's too early to be embarrassed. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap mamaya.

Napabuga ako ng hangin. Pinilit ko na lamang na iwaksi iyon sa aking isipin. Masyado pang maaga para ma-stress ako.

Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng kwarto ay siya ring paglabas ng kambal. Nang makita nila ako ay agad silang nagtatakbo  papunta sa akin. They greeted me. Their room is about one door from my room. Sila ang pinakamalapit sa kwarto nila mommy. We have plenty of rooms here dahil na rin sa marami kami. Parehong bilang naming magkakapatid ang lahat ng mga kwarto. Apat na kwarto sa magkabilaan at isa sa gitnang-dulo na kwarto nila mommy at daddy. Tig-iisa kami ng kwarto maliban sa kambal. Magkasama pa sila sa iisang silid. 

Sabay na kaming bumabang tatlo at tinungo ang dining area. Parehong nakaupo na roon sina mommy at daddy. We greeted them and kissed their cheeks.

"Good morning twins. Morning Princess." Dad greeted us also. The one he's referring princess was me.

Nakakatawa nga eh dahil ganoon talaga ang tawag niya sa akin kahit hindi ako babae. Tanggap kasi ni dad kung ano ako. Gender is not a problem to him. Minsan, pakiramdam ko, ang ganda-ganda ko.

Umupo na kaming tatlo at nakisabay na rin sa kanilang kumain. Hindi na namin hinintay si Yuri dahil pinakain na daw siya kanina ni mommy. Medyo nilalagnat pa daw kasi siya.

Pagkatapos kumain ay pumasok na kami ng school. And I'm happy na pumayag na si Yuri na hindi muna pumasok ngayon. Kailangan niyang magpahinga.

Pakiramdam ko lutang na lutang ako matapos ang buong araw ko sa school. Sobra naman kasi ang mga teachers namin porket magse- semestral break na, totorturin na nila kami ng sandamakmak na assignments at projects. Grabe! Walang patawad.

Pagdating ng bahay, dumeretso agad ako ng kusina tulad ng dati kong ginagawa. Hindi ko na naabutan ang mga kasambahay sa likod kanina kaya dito na lang ako kumain ng merienda sa kusina. Kaharap ko ngayon si ate Loida na kasalukuyang nag-aayos ng mga lulutuin para sa dinner mamaya. Habang abala sa ginagawa, nakikipaghuntahan ako sa kanya. Napatigil lang kami nang bumukas ang pinto sa likod at niluwa ang dalawang tao.

"Sa'n ko po ilalagay ang mga ito, Aling Marga?" Tanong ni Rio kay Nanay Marga habang may bitbit na mga supot.

Sumikdo ang dibdib ko.

"Diyan lang malapit sa lababo hijo." Wika ng huli na may bitbit namang basket. Sinunod ni Rio ang utos nito.

"Ito na ba ang lahat?" Tanong ni Ate Loida sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. Noon naman niya ako napansin.

"Kayo po pala sir Yuki. Magandang hapon po." Aniya at ngumiti na naging dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napatanga ako sa kanya. Napako ang mga mata ko sa gwapong mukha niya. Muli ko itong pinag-aralan.

Off Limits (Boyxboy) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon