Posted in Dreame
June 21, 2019Yuki
"YUKI! Handa na ang almusal. Pinapatawag na kayo sa baba." Sigaw ni Ate Loida mula sa labas ng kwarto ko.
"Sige po ate. Susunod na ako."
"Sige Yuki." Wika pa nito bago ko narinig ang mga yabag nitong paalis.
Kagigising ko lang at sakto ang pagtawag sa akin ni Ate Loida. Bumangon na ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba.
Pagdating sa dining area, nadatnan ko silang nasa mesa na.
"Good morning!" Bati ko sa kanila.
Pagkatapos kumain, bumalik ulit ako ng kwarto para maligo. Aalis ako ngayon. Pupunta akong mall para bumili ng mga materials na gagamitin para sa project ko.
Nang matapos mag-ayos, pumunta ako sa office ni mommy. Magpapaalam ako sa kanya at hihingi ng perang panggastos.
Wala pa kasi akong credit card dahil na rin ayaw akong bigyan ni mommy. Saka na lang daw kapag nasa tamang edad na ako.
Pagbukas ko nang pinto ng opisina niya ay agad kong narinig ang pag-uusap ng dalawang tao. Si Mommy at Kuya Rio.
Nag-iexpect ako na magrereact katulad ng palaging reaksyon ko whenever I see the latter. This time, I just got nervous and its not the same as before. Marahil nagiging komportable na ako sa kanya at nakatulong pa iyong pagturo niya sa akin kahapon sa pagsagot ng assignment ko.
I greeted them. They greeted me too. Umupo agad ako sa upuan sa harap si Kuya Rio. Pumuno sa akin ang mabangong amoy niya. Napatitig ako sa kanya.
Ang gwapo talaga kahit kailan. Bumagay sa kanya ang kulay abong damit at maong pants. lumalabas ang pagiging manly niya. Kahit ano naman sigurong ipasuot sa kanya ay gwapo pa rin siya. Kahit nga siguro basahan, lalabas pa rin ang angking kagwapuhan.
"So, what are you doing here Yuki?" Napabaling ako ng tingin kay mommy nang magsalita siya mula sa pagpapantasya ko kay kuya Rio.
Pagpapantasya talaga?
"Ah! Yes mom. Ahm... magpapaalam lang po sana ako na pupunta ng mall ngayon. I have to buy some materials for my project. Atsaka hihingi na rin po ako ng pambili." Hayag ko. "Pakidagdagan na lang din 'Mmy dahil may bibilhin pa po akong iba," hirit ko pa.
"How much do you need?" She said while getting her wallet on the drawer.
"I think mga 1,000 lang ang project ko. Ikaw na po ang bahala doon sa isa. Sana lakihan mo mom."
Napatawa lang si mommy sa sinabi ko. Si Kuya Rio naman ay nakangiting nakikinig lang sa amin.
"Here..." Sabi ni mommy sabay abot sa akin ng pera. "Tama na ba iyan?"
"Really mom? 5000? Ang laki naman nito?" Gulat na sabi ko. Nag-iba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya agad kong binawi ang sagot ko. "Y-Yeah, kasya na'to mom. Tamang-tama lang ito. Huwag niyo na pong bawiin."
Napailing na lang si mommy dahil sa inakto ko.
"Thanks ulit 'Mmy." sabi ko sa pinakamalapad na ngiti.
"You're always welcome son."
"Aalis na ako mommy." Pagpapaalam ko at tumayo na.
"Kuya." Tumango lang si kuya Rio.
"O Rio, 'di ba may sasabihin ka?" Rinig kong sabi ni mommy kay kuya nang makatalikod na ako.
"Magpapaalam lang po sana ako na uuwi sa amin Ma'am. Kukunin ko kasi iyong mga dokumento ko bilang requirements para sa enrollment." Napahinto ako sa paglalakad papunta sa pinto nang marinig ko ang sinabi ni kuya Rio.
BINABASA MO ANG
Off Limits (Boyxboy) (Editing)
Teen Fiction[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao. Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging...