TEN YEARS AGO
MATI
Ayaw niyang pumunta sa mga parties, dahil ayaw niya sa maingay at madaming tao. Kaya lang ito ang kasalukuyang nangyayari sa kanyang birthday party lalo na't nagdiriwang siya ngayon sa kanyang debut. Halos napuno nga ang kanilang living room dahil sa rami ng mga bisita ng kanyang daddy. Naririndi na kasi siya sa mga ito. Ang iba kasi kung tumawa ay sobrang lakas, at ang iba naman ay nakipaglandian lang na para bang mga teenager. Hindi kasi maganda tingan para sa mga oldies na katulad nila.
May mga ilang kaibigan rin naman siyang dumalo, but they didn't even begin to make a dent in the crowd. Hindi rin kasi siya katulad ng mga sisters niya na sina Frances at Sab na sociable at mahilig sa night out. Eh siya gusto lang niyang magmukmok sa bahay lang. Ilang ulit na nga siyang kinumbinsi ng mga kapatid na lumabas kasama nila paminsan-minsan sa gabi, pero siya naman itong umaayaw.
"Hello Mati!" sabi ni Bill, clutching a can of beer at kumaway-kaway ito sa kanya. "Happy Birthday!" bati pa nito. Si Bill ay kaibigan 'daw' ni Sab na nakakabata niyang kapatid. Gwapo ito, pero hindi niya tipo.
Pero ano nga ba ang katangiang hinahanap niya sa isang lalaki? Hmm..ang gusto niya sa isang lalaki ay...ewan. She couldn't name it. Pero siguro hindi muna niya iisipin yon. Gusto muna niyang magsaya sa kanyang kabataan. But at the same time, gusto rin naman niyang maramdaman na may isang lalaking nagmamahal sa kanya. She wanted to know also how it felt to love someone so much that she would risk everything to be by his side.
"Hi Mati, happy birthday!" bati ni Stella at nakipagbeso ito sa kanya. Si Stella ay kliyente nila sa mga fashion accessories. "Nakita kong may mga kapareha ang mga kapatid mo. Ikaw, where's your boyfriend, Mati?"
"Wala pang naligaw eh."
"Naku! sa ganda mong yan. Trust me, magkakaboyfie ka din ngayong eighteen ka na."
Kung magkakaboyfie man ako, papayag kaya si dad? tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan niya ang mga bisita nilang business tycoon na may mga kaparehang sumasayaw sa dance floor.
Siguro masyado lang siyang naive kaya naiilang siyang tingnan ang mga pares na nagsasayaw. Hindi kasi siya gaya ng mga kapatid niya na practical at liberated.
She edged her way toward the door. The music was loud, and so was the laughter. People were having themselves a grand time.
Pero paki ba niya. She didn't want to be here in the first place, she thought as she climbed the stairs towards her magical room. The place where she left the boring, everyday world behind.
Nang makarating na siya sa kanyang silid, agad naman niyang ini-lock ang pintuan, at dali-dali siyang umakyat sa attic na nasa ibabaw lang ng kanyang silid habang dala-dala niya ang isang flashlight.
Sa kanyang pagpasok sa attic ay binuksan kaagad niya ang ilaw. Her breath caught in her throat when she noticed the basket sitting on the window ledge. Lumakas naman ang tibok ng kanyang puso nang pagtingin niya sa basket ay isang boquet ng magagandang bulaklak ang naroroon. At galing pa ito mismo sa kanyang ama. Para sa kanya kumpleto na ang birthday niya.
-----
TRUST
Sinabi sa kanya ni Luis Aragon na doon muna siya mamalagi sa guest house hangga't hindi pa natatapos ang party, pero matigas ang ulo niya kaya nga niya sinuway ito.
Sa nakalipas na anim na buwan, halos gumuho ang mundo niya nang sabay maaksidente ang kanyang mga magulang. At si Luis Aragon lamang ang taong tumulong at nagbigay sa kanya ng pag-asa upang magpapatuloy siya sa pagpapakabuhay.
Bilib rin siya kay Luis Aragon, dahil napalaki nito ng maayos ang tatlong magagandang anak na babae. At para sa kanya, para na rin niyang ama si Luis Aragon simula ng kupkopin siya nito ng palihim. Marami nga itong itinuro at ipinayo sa kanya. Sabi pa nito, "Marami ka pang bagay na dapat matutunan, Trust. Pero balang araw matutunan mo rin ang lahat ng iyon, anak."
But, Damn it ! he was eager to know. If Luis Aragon didn't get things rolling soon, he would take matters into his own hands. Kahit ano pang ipagawa sa kanya ni Luis Aragon ay kakayanin naman niya. Ngayon pa na wala na siyang pamilya na inaalala. All he needed was for Luis Aragon to give him the go signal, and the sky was the limit.
The sound of music and laughter floated up the staircase from the living room. The first floor of Luis Aragon's house was off-limits while the party is going on. Kung mahuli man siya sa matanda na sumuway siya nito, siguro ipapadala na siya nito sa Syria.
Umakyat na naman siya sa ikalawang palapag sa bahay nina Luis Aragon kung saan naroroon ang kwarto ng kanyang mga anak. Luis daughters' rooms were in the west wing, with lots of flowery wallpaper. Pinasok naman niya ang mga kwarto doon at isa-isa niyang sinuri. Two of the rooms even had the same frilly white curtains billowing across the window. At ang pangatlong kwarto doon ay naiiba talaga sa dalawa, ni wala nga itong kurtina. The windows were bare, kaya agad niyang nilapitan ang bintana kung anong tanawin ang kanyang makikita. But it wasn't the view outside that caught his eye. Ang nakakuha sa atensyon niya ay ang mga polished stones na nilagay sa bintana. He stood there for a moment dahil namangha siya sa iba't ibang klaseng disenyo ng bato. Hanggang sa nakaamoy nalang siya ng isang pabango na parang halimuyak ng bulaklak. Papalabas na sana siya sa kwartong iyon nang mamataan niya ang isang hagdang pataas. When he look at it, naisip niyang may isa pang kwarto sa itaas dahil maliwanag ito. Siguro maid's quarter lang.
Still, something tugged at his curiosity, and he found himself drawn toward the light.
Dahan-dahan naman siyang umakyat sa hagdan nang makita niyang nakaumang lamang ang pinto. Right there, nakita niya ang isang maganda at batam-batang dilag na nakaupo sa long table at sinamyo-samyo nito ang isang boquet ng bulaklak. She wore a princess cut white dress that hugged her breasts and fit snugly at her waist. The young girl had a delicate heart-shaped face and fair skin.
Parang bumugso naman ang kanyang damdamin ng pagmasdan niya ito. He'd heard about love at first sight, but he knew he was too cynical for something as miraculous as that. But then, parang may nagtulak sa kanya na kausapin ang babae kahit pa ikabigla nito ang pagsulpot niya.
"Hi, ikaw ba si Sab?"
Nabigla nga ito sa biglang pagsulpot niya dahil nga sa nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi naman ako maganda para mapagkamalan mo na si Sab."
Napatawa lamang siya. "Ikaw lang naman ang nakita kung maganda dito eh..So, kung hindi ka si Sab, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Mati," anang malambing na boses nito. "The one everybody forgets."
*****
BINABASA MO ANG
One Special Night (Completed)
Fiction généraleRATED SPG Naranasan ni Matilda Aragon ang isang gabi na puno ng passion sa mga kamay ng mapanganib na lalaki na si Trust Benedicto. But their white-hot passion turned to ash nang mawala ito pagkatapos ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Lum...