Chapter 2 : Admiration

18.7K 465 7
                                    

MATI


The stranger leaned against the doorjamb, grinned at her, kaya naman halos mapugto ang hininga niya sa klase ng mga titig nito. Isa pa, hindi niya maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Alam niyang hindi niya dapat ito suklian ng titig, but she can't help it. He was the most beautiful man she'd ever seen. He had a swimmer's body: broad chest and shoulders, narrow waist, and long muscular legs.

Pero hindi lang naman ang mukha niya ang nakakuha sa kanyang atensyon. Nakakuha rin ng atensiyon niya ang kanyang well-defined mouth, strong jaw, and hazel eyes that met hers with a challenge she couldn't resist. Hindi naman yata fair na parang perpekto ang lalaking ito.

Oh no! Baka siya na, sabi niya sa sarili. Ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.

-----


TRUST


Something was happening to him. Bakit parang biglang lumakas ang tibok ng puso niya?

He didn't want to feel this way. He'd spent the past twenty-three years protecting his heart by denying its existence, pero sa isang tingin lang ng babaeng ito, tila nararamdaman na niya ngayon ang pagpintig ng kanyang puso.

He hated her for it. He hated her for that innocence look. But, damn her, he couldn't turn away. Para bang nilagyan ng glue stick ang mga paa niya upang manatili lamang sa kinatayuan niya.

"Sino ka?" tanong nito. "Anong ginagawa mo dito sa third floor?" napansin niya ang matalas na boses nito. Sabagay, hindi naman niya ito masisi. Bahay nila ito, at isa lamang siyang estranghero.

Sabi sa kanya ni Luis Aragon na kapag may magtatanong sa pangalan niya, ibang pangalan ang ibibigay niya, pero maliban siguro sa babaeng ito. "Ako si Trust Benedicto."

"Trust Benedicto," ulit nito. "Never heard of you."

"Me, I've heard of you," aniya pa. "Kayong magkapatid kasi ang palaging bukam-bibig ng inyong dad."

Namula ito sa sinabi niya, pero hindi pa rin nawawala ang talas sa boses nito. "Anong ginagawa mo dito? We don't allow strangers above the first floor."

Nang hindi siya makasagot, matalim naman ang titig na ipinukol sa kanya ng dalaga. "Hindi ko na uulitin pa ang tanong ko." banta nito, reaching for the intercom button on the wall next to her.

"Wag!" hakbang niya. "Kilala ako ng ama mo."

"Oh, talaga?" she said with a laugh. "Kung kilala ka ni dad, bakit butas-butas yang maong pants mo kung imbitado ka sa party? Diba dapat pormal ang isuot mo?"

"Hindi naman ako imbitado sa party." pag amin niya.

Tumaas ang kilay ng dalaga sa sagot niya. "Kaya naisipan mong mag gatecrasher nalang?"

Dapat siyang mag-ingat sa mga bibitiwang salita niya, lalo na't sa mga anak ni Luis Aragon. May hindi kasi nalalaman ang mga ito tungkol sa kanilang dad.

"Nagtatrabaho ako sa ama mo."

"Doing what?"

He knows that Mati was a single-minded like her dad. "Tinulongan ko kasi siya sa kanyang project."

"Anong project?"

"Ang dami mo namang tanong."

"Yes," anito, "at kailangan ko ngayon ang sagot mo."

"Ganito ka ba kung makasuri sa mga empleyado ng dad mo?"

"Kung may pagkakataon lang naman." her eyes twinkled. "So, anong ginagawa mo para sa ama ko?"

"Nag wa-wiring ako sa guest house ninyo para sa sounds." yan lang talaga ang naisipan niyang sagot.

"Ang guest house? Sa pagkakaalam ko, hindi na yon pinapapuntahan ni dad simula ng mamatay si mommy."

Napansin niyang biglang nanahimik saglit si Mati dahil hindi agad nasundan ng tanong ang sinabi nito.

"Bakit naman iyon palalagyan ng sound system ni Daddy kung wala namang gumagamit sa guest house?"

"Siguro parentahan niya. Eh hindi naman ako nagtatanong sa ama mo. Basta makatanggap lang ako ng bayad sa mga ipinagawa niya."

She considered him for a few moments, then nodded. He almost felt guilty. Nagtaka lang siya kung papano nakaya ni Luis Aragon all these years, ang mamuhay sa dalawang mundo.

"Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?"

"Tiningnan ko lang naman ang hikaw mo." sabi niya, which was partly true. "Bagay na bagay kasi sayo."

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ng dalaga, and he felt as if someone had just handed him a million pesos.

"You like them?" she asked, sounding terribly pleased.

"Yeah." tugon niya, taking a good look at the earings, and then at her small perfect ears. "Gusto ko siya pag masilawan ng ilaw."

Hinubad ng dalaga ang dalawa nitong hikaw, tas inabot ito sa kanya. The warmth of the yellow metal suprised him. Three heavy bands of burnished gold had been braided together, then twisted to form a knot the size of a baby's fist.

Matapos niyang mahawakan ang hikaw nito ay binalik niya kaagad ito sa dalaga. "Put them on."

Namumula na naman ang pisngi nito.

"Sige na, isuot mo na ulit ang mga yan." he urged. "Parang ginawa talaga ang mga yan para sayo."

"They were," anito. "kasi ako ang gumawa nito."

"Ganon?"

Napapailing naman ang dalaga. "I mean, ako ang nag disenyo nito para sa sarili ko."

"Oh! napaka talented mo pala." puri niya.

"Hindi naman. Kinahiligan ko lang."

Suddenly the rest of the room came into sharp focus. Precious metals gleamed in the light. Design sketches were thumbtacked to every available surface.

"Naku! Hindi ka lang pala talented, ang galing mo pa." sabi niya ng may paghanga.

***** 




One Special Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon