Getting To Know Each Other

16 0 0
                                    

February 2015, it was our Dentistry week, hindi kami magka-team so hindi kami gaanong naguusap sa school pero pag uwian ay magkatext lang kami.

In Dentistry Night, the president of the college of dentistry assigned us to be in-charge in the powerpoint presentation. May dala kasi akong netbook kaya na assign ako, nagsisisi nga ako na magdala ako, and siya lumapit lang siya kaya na-assign din siya. Dun ko nalaman na ang galing niya sa computer. Mapapa "wow" ka talaga. So ayun sa buong program magkasama kaming dalawa sa harap. Wala naman akong date that time dahil single naman ako, pero paglapit ko sa mga friends ko, may iba na silang iniisip "ikaw hah, ka-date mo si mr. president of r2c. Iba na yan." It came out pa na may ka date ako. Hay ano ba yan. After that event, dun ko nakita yung pagiging gentleman niya, tinulungan niya ako with my things, because I removed my heels. Ikaw ba naman, nakaheels tapos nasa 5th floor ka, at ang tanging babaan lang ay hagdan, naka long gown pa, edi ang sarap magpaa nun. And pagbaba namin, si daddy ang sumalubong buti nandun bestfriend ko, walang iisiping malisya.

After nang Dentistry week, ay Medical University Week naman. This time lagi na kami magkasama, so nagkakakilala na kami nang mabuti. One time, nabanggit ko sa kanya na takot akong maglakad mag isa sa hallway lalo na paggabi, so nagpresinta siya na hihahatid niya ako hanggang sakayan nang jeep sa tuwing uuwi ako nang gabi, kung hindi ko siya kasama, itext ko lang daw siya para maihatid niya ako. I really appreciate his gentleman attitude that time. First time may gumawa nun sakin.

Nung Mr. And Ms. Medical University. Nasabi ko sa kanya na crush ko si mr. Pharma and he told me "bestfriend ko yun dati." I was so shocked na naging bestfriend niya yun. Nung una hindi ako naniniwala, kaso nung nag-usap sila, I was like: "magkakilala nga sila." And napa-tulala pa talaga ako nun.

This February din nagsimulang tawagan niya ako sa phone every night...

One Year of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon