Coldness

6 0 0
                                    

Kung iisipin talaga, para na talaga kaming magboyfriend, but we never admit na M.U. na kami kasi na tuwing sasabihin niya "kelan ba tayo magiging MU?" Magsasalita na ako nang "hindi pa ba tayo MU sa lagay na to?" eh babanat siya nang "joke lang." Pero ano na ba talaga kami? Label na lang talaga yung problema eh. Hahaha we are so perfect. :">

BUT WAIT!

Pagdating nang nov. 21,2015 he is starting to get cold. Hindi na siya nag-a i love you, hindi na siya nag cocompliment sakin. I dont know why? Ang naiisip ko lang ay hindi niya na ako mahal. Pero sa mga sumunod na araw nandun parin yung affection niya kaya dedma nalang. Pero nung Dec. 2, 2015 nafeel ko ulit yung coldness niya, eh nun time na yun gusto niyang umuwi nang maaga pero late narin siya nakauwi kasi bago kami makatiempo nang jeep ay halos isang oras din, punuan kasi. Sa sobrang hiya ko tinext ko siya habang nasa jeep ako "ui sorry talaga, dahil sakin imbis na nakauwi nang maaga, late ka narin naka uwi, thank you thank you talaga, I love you." First time kong magtext sa kanya nang may i love you kasi siya talaga yung unang nagtetext nang ganun (madalas talaga pinapairal ko pagiging babaeng filipina ko) and nabother ako kasi hindi siya nagtext and hindi rin siya tumawag that night. Feeling ko may mali.

Then kinabukasan pagbukas ko nang twitter and pagvisit ko sa timeline niya. I was shocked. Sabi sa tweet niya:

"Madali akong magsawa, pag ayoko na, ayoko na"

" why should I call her if I dont love her. Sayang lang sa pera."

"Nagpapakatanga lang ako eh"

And marami pa, yan lang tanda ko. Grabe umiyak talaga ako, kasi ang sakit sakit. Parang nagsisi ako sa ginawa ko kagabi. Hindi ko alam kung papasok ako nung time na yun, kasi alam kong mugto mata ko, at makikita ko siya. Pero ang sabi ko nalang sa sarili "kaya na pumapasok para tuparin ang pangarap mong maging dentista and hindi para sa lalaki." Kaya ayun pumasok ako hindi kami masyadong nag uusap, alam niyang umiyak ako kasi kinausap siya nang bestfriend ko.

And he said "hindi ko naman siya gustong saktan."

Nakapainsentive niya and natapos yung araw na yun na hindi niya ako kinausap. Dapat nga, inaayos niya to, dapat pinapaintindi niya sakin yung dahilan kung bakit, pero wala! Silence lang ang nakuha ko. Ayaw ko naman na ako ang mag approach. Iiyak lang ako sa harap niya.

The next day, totally hindi kami nagkibuan. Sa sobrang sakit nang naramdaman ko tumakbo ako sa football field at sumigaw at pumunta din ako sa university chapel para umiyak. Ang mas masakit pa, wala man lang akong kaibagan magcocomfort sakin. Kaya mas lalong bumigat yung feeling ko.

Nung gabi, naglakas na siya nang loob niyaya niya akong mag sm para mapag usapan ang lahat. Too bad na-stuck kami sa traffic for one hour at kami lang sa car so dun na kami nag usap.

R: sorry talaga, magulo lang talaga yung isip ko. Please wag kang umiyak dito sa kotse
M: ok.
R: alam mo naman diba kung bakit hindi kita nililigawan, dahil sa religion natin at lalo na ngayon may posisyon ako sa church namin, gusto kong makapagfocus and wala akong iba.
Me: ahh... (I was so speechless kasi pinipigilan kong umiyak, pero ang gusto kong sabihin sa kanya ay "what the hell, kung yan lang din ang reason sus, intinding intindi ko yan, kaya nga last week, hindi kita iniistorbo kasi nga busy ka, gusto ko na makapagfocus ka sa ginagawa ko, hindi pa ba sapat yun para makita mo na iniintindi kita kasi mahal kita." Gusto ko talagang sabihin yan pero hindi ko rin nasabi kasi alam kong iiyak ako, at ayoko nang bad memories sa kotse nang prof. ko).

In the time of the complete silence kasi busy siya makipaggitgitan sa mga kotse, and masasabi ko na kaskaserong driver din siya, basta impressive for me. (Well one of the boys ata ako). Basta yun naiisip ko kung itanong ko sa kanya kung mahal niya ba ako, pero ayaw talagang lumabas sa bibig ko. Parang nung nakita ko si Jeric Teng, sinisigaw ko name niya pero walang nalabas na boses. Boys makes me crazy. 😜

So nung super bagal na talaga nang daloy nang traffic, nag open siya nang topic and kung mag usap kami parang walang nangyari kanina. Ganun na ba talaga kami ka komportable sa isa't isa?

At after ilang minutes ay nakarating din kami sa sm but we choose to split, it's been a long day for me. Much better na yung nagsplit kami lalo na't 8 pm na. Nako pag may nakakita na nasa sm ako na may kasamang lalakki at 8 pm na, yari sa hari at reyna sa bahay.

Pag uwi ko sa bahay, tulala lang ako sa kwarto. Alam kong hindi iyon ang totoong reason. Kilala ko siya, ang babaw nang reason niya and hindi siya ganun, laging malalim ang reason niya. Feeling ko dahil sa religion or sa parents. Pero hindi parin ako sure. Possible din na may iba na siyang gusto. Kaso sabi kasi nang best friend ko sakin ang sabi sa kanya ni R ay: "siya parin naman ang gusto ko."

Pero hindi yun ang nafefeel ko. Kasi napansin ko sa panahon na hindi kami ok, may girl na wala siyang ibang ginawa kung hindi banggitin nang banggitin and kinocompare niya pa ako dun. I forgot to tell him that I hate being compared to someone. And nagseselos talaga ako. Alam kong hindi ko siya pagmamay ari kaya natatakot ako na mawala nang ganun ganun na lang. Mahal ko na siya oh, I hate the fact that I can't keep a guy. Sabi naman nila perfect package ako, maganda, mabait, matalino at maka-Diyos pero bakit ganun, iniiwan parin ako in the end, sa time na to alam kong iiwan niya din ako. Yung girl pa naman ka-church niya. Oh  edi kung yun religion ang issue dito edi wala na, talo ka ako. Goodbye na kay forever ko.

Pagdating nang sunday, Im still bothering with the true reason. While I am cleaning may bag, may paper akong nakita, itatapon ko nasa kaso namukhaan ko yung pangit na handwritten, sulat niya pala for me.

Ang sabi : "alam kong yung tinatype mo sa phone mo, i'm sorry but please intindihin mo rin nararamandaman ko. Kasalanan ko alam ko. PLEASE MOVE ON." Grabe simula dec. 3 gumising akong umiiyak kasi hindi niya na ako mahal hanggang dec. 6 yun tapos pagkabasa ko pa nung letter, nung nabasa ko yung move on at intindihin mo rin nararamandaman ko, grabe, naguilty ako to be point na feel ko na naging selfish ako pero maiintindihan ko naman siya kung sasabihin niya sakin yung totoo, kaya lang naman ako patama nang patama sa twitter kasi gusto kong nang  malaman yung totoo, kaso wala nag away lang kami sa group chat pa. Then tinawagan niya ako. Pag sagot ko nang call may background music na "HELLO by ADELE." nageemote rin daw siya. XD

...

One Year of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon