Dates, holding hands and my reply

6 0 0
                                    

Ang sagot ko lang ay "good night, sweet dreams"

Well gusto ko rin sabihing Love you too pero masyado pang maaga (pahard to get to eh) at hindi pa ako sigurado sa feelings ko.

Syempre sa kilig ko, edi nawala ang antok nang lola niyo. Siya kasi yung tipo nang lalaki. Yung matangkad, maka-Diyos (wala akong pake king adventist siya at catholic ako) formal ang dating, madiskarte, may goal sa buhay at malinis ang dating (kaya siya mukhang mayaman).

One time october 2015, wala kaming prof. So we decided to have some lunch at mcdo kaming dalawa lang kung baga parang date na siya. Sa kanya lang talaga ako pumapayag makipagdate, kasi nga pasok siya sa standard ko.

Maraming beses narin kaming nalabas pero lagi kong kasama yung bestfriend ko, kung baga third wheel siya samin lagi. First time talaga to na kaming dalawa lang kakain. Pero one time kaming dalawa lang din pero siya lang yung kumain nun, sinamahan ko lang siya pero yun yung time na binilhan niya ako nang fav. kong food. Mashed potato. Then nung nagsm naman kami kasi bibiling thank you gift para sa dad niya, binilhan niya naman ako nang black forest na donut. Ang sweet niya diba, siya talaga yung nagfafeel sakin na special ako. Thank you Lord, hinayaan Mo siyang dumating sa life ko.

Syempre puro effort na yung nakikita ko sa kanya and sigurado na ako na gusto ko siya pumayag na akong makipagholding hands sa kanya pag anatomy lec namin, makapal yung book nmin dun kaya ginagamit namin yun pangtago and hindi mahirap kasi left handed ako at right handed siya, ako yung nasa left at siya sa right kaya kahit nagsusulat na kami, magka-holding hands parin. Matindi rin naman kami. 😅

At nung time na nag love you siya sakin sa group chat namin and that was our sembreak, nag pm ako sa kanya nang "love you too." Gulat siya nun, tinatanong niya pa ako yung seryoso ako. And sabi yes.

Hays pano kaya kung yug tanong niya will you be my girlfriend, capital Y-E-S talaga ang sagot ko. Edi mas gulat siya. Hahaha. Ohhh nagdeday dreaming ako, Im so in love with this guy...

One Year of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon