"Engagement Ring"
Cheska's POV
Hindi ko alam pero mas lalong naging sweet si Klyde sa akin. Isang linggo na ang nakalipas mula nung may mangyari sa amin. Simula noon, araw-araw niya akong pinapadalhan ng flowers, hindi lang isang beses kundi tatlong beses sa isang araw. Halos mapuno na nga ng flowers ang buong Cake Shop ko.
Yes, I have my own shop. Ito ang tanging naiwan sa akin ng tunay kong mga magulang na hindi ko nakita o nakilala man lang. Lumaki ako sa isang bahay ampunan sa lugar ng San Isidro.
Inampon ako ng pamilyang Remudes. Pitong taon na ako noon kaya alam ko na ang nangyayari sa paligid ko. Nagpapasalamat ako at sila ang umampon sa akin. Ipinaramdam nila sa akin na bahagi talaga ako ng pamilya. Si ate Ashlyn lang ang may problema sa akin. Si ate Ashlyn ang tunay na anak nila Mommy Cecil at Daddy Ian.
Biglang tumunog ang cellphone ko habang hinihintay kong maluto ang chocolate cake na nakasalang sa malaking oven. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Klyde ang tumatawag.
"Hello!" bungad ko nang sagutin ko ang cellphone ko.
"Are you ready for tonight babe?" tanong niya.
"Yes babe. Ano ba kasing mayroon mamaya at hindi ako pwedeng tumanggi? Tatapusin ko lang itong bini-bake ko tapos uuwi ako para magbihis. Si Ziana na ang kasabay ko papunta diyan."
"Hihintayin kita babe. Huwag ng maraming tanong. Magagalit si Mommy kapag hindi ka nagpunta rito," sabi pa niya.
"Oo na. See you later, babe. I love you! Bye." Hindi ko na hinintay pa siyang makasagot dahil narinig kong tumunog ang oven. Alam ko na naman ang sagot niya sa sinabi ko.
-----
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong naligo at nagbihis. Isang fitted na black dress ang suot ko. Kita ang sexy back ko at medyo lantad rin ang dibdib ko. Pero hindi naman masiyadong revealing. Baka kasi mapagalitan ako ni Klyde.
Narinig kong tumunog ang doorbell ng apartment ko. Alam kong si Ziana na iyon. Kinuha ko ang pouch ko at agad na bumaba. Binuksan ko ang pinto at na-starstruck na naman ako sa ganda ng bestfriend ko. Nakasuot siya ng isang floral dress na above the knee ang haba. Sphagetti strap ang style ng dress. Kaya kitang-kita ang maputi at makinis niyang balat.
Kabaliktaran naman ako ni Ziana. Morena kasi ako. Ang lamang ko lang ay mas matangkad ako sa kaniya.
"Wow, best. You're so gorgeous. Panigurado malalaglag na naman ang panga ni Kylde sa iyo," namamangha niyang sabi.
"Naku ha, wala akong pera ngayon, best. Salamat lang ang maibibigay ko sa papuri mo." Hinampas ko naman siya ng bahagya.
"Tara na baka naiinip na sa paghihintay ang boyfriend mo." Sabay kaming sumakay sa kulay itim niyang kotse.
Medyo marami nang tao sa bahay nila Klyde. Wala talaga akong ideya kung anong mayroon ngayon. Biglaan kasi ang party.
"Ziana, alam mo ba kung anong mayroon ngayon? Nagtataka lang kasi ako biglaan ang party ni Tita Sarah." Tanong ko sa bestfriend ko. Si Tita Sarah ang mommy ni Klyde.
"Aba malay ko! Niyaya mo lang din naman ako 'diba? Ito ata yung sinasabi ni Nate na surprise party. Malalaman din natin mamaya kung anong mayroon." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Ang totoo niyan wala talagang balak si Ziana na sumama sa akin. Pinilit ko lang siya at ng mga barkada. Medyo kill joy kasi 'yan kapag may kinalaman kay Klyde. Lalo na kay Tita Sarah, napag-alaman kasi niya na ang mommy ni Klyde ay masama ang ugali no'ng high school days. Mahilig mang-bully, isa na ang mommy ni Ziana sa na-bully nito noon, si Tita Aubrey. Sabi naman ni Tita Sarah nagbago na siya, immature pa kasi siya ng mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
Undesirable Mistake [COMPLETED]
General Fiction****** Masaya ang buhay pag-ibig ni Cheska. Mayroon siyang maunawain at mapagmahal na nobyo, si Klyde. Apat na taon na niya itong karelasyon. Sa sobrang pagmamahal ni Cheska sa kaniyang nobyo ay ibinigay niya at isinuko nang buo ang kaniyang sarili...