Chapter Five

2.9K 88 6
                                    

a/n : Kindly read the important note at the end of this chapter. Thank you. Enjoy reading.


---------------------------------------------------------



"Revelation''

Cheska's Pov

Here I am inside my bathroom. Holding the pregnancy test, waiting for the result. Inilapag ko iyon saglit para maghugas ng kamay.

I am not afraid if I am pregnant or not. Ano ang ikakatakot ko, e, may boyfriend naman ako. Matatakot ako kapag nabuntis ako ng kung sino lang. E, hindi e. Ginawa namin ito ni Klyde. Kaya expect ko na ito.

I'm already 22 years old. May sarili naman akong Cake Shop. Kaya ko nang buhayin ang magiging baby ko. At nandiyan naman si Klyde. He's one year older than me. Sucessful naman ang pagpapatakbo niya ng maliit na kompanya ng pamilya nila. Siya ang nagpapatakbo no'n. Magmula pa nang maging Congressman si Tito Liam.

Kinuha ko ang pregnancy kit at nakita ko ang dalawang pulang guhit. Binasa ko ulit ang directions and instructions ng pregnancy test na iyon. Nakalagay roon na kapag isang guhit lamang ay negative. Kapag dalawang guhit naman ay positive. Positibong buntis ako.

Agad akong napahawak sa hindi pa naumbok na tiyan ko. Hinaplos-haplos ko iyon at kinausap.

"Hey, baby, are you in there, right? Just hang in there and we're going to tell the good news to your Daddy. He is waiting for us outside," sabi ko bago lumabas ng banyo.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nabungaran ko agad si Klyde sa tapat ng pinto. Nasa loob ng bulsa niya ang dalawa niyang kamay. Nakasandal sa pader at nakayuko habang mahinang tinatapik-tapik niya ang paa niya sa sahig.

Sa mga titig niya ay kumalabog nang mabilis ang dibdib ko. Parang may iba sa mga mata niya. Lungkot at galit. Hindi ko makuha ang timpla ng mata niya. Kanina pa rin siya tahimik. Magmula nang bumili kami sa pharmacy ay hindi na siya nagsalita pa. Kung hindi siya iiling, ipipikit niya ang mata niya saka huhugot ng malalim na paghinga.

Nasa likod ang mga kamay ko at kunwaring itinatago sa kaniya ang PT na hawak ko. Ngumiti ako ng bahagya at kinagat ang ibabang labi ko.

Pumikit ako at dahan-dahan kong iniabot sa kaniya ang PT. Pero laking gulat ko nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita kong naglalakad na palayo si Klyde.

Hinabol ko naman siya at humawak sa braso niya.

"May problema ba? Kanina ko pa kasi napapansin na aligaga ka."

"Wala, masiyado lang mainit. Kaya pati utak ko naapektuhan," sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Natatakot ka ba sa resulta?" taka kong tanong.

Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya at pag-iging ng bagang niya. Pumikit siya at nakita ko pa ang pagkuyom ng kamay niya. Hinawakan ko iyon, kasabay no'n ang paglagay ko ng PT sa kamay niya.

Nanginig ang mga kamay niya habang hawak iyon. Humugot siya ng malalim na paghinga bago dahan-dahang tinignan ang PT.

"Damn! This is bullshit! Fuck!" Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Natulala pa ako nang ibato niya sa pader ang PT. Nasira iyon, agad ko naman dinampot.

Naluluha na ang mga mata ko. Bakit bigla siyang nagalit? Hindi ba siya masaya dahil nabuo ang minsan naming ginawa. Oo, minsan lang. Dahil magmula nang gabing isuko ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi na ulit pa nangyari iyon.

Undesirable Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon