''Wierd"
Cheska's POV
"Anak, mag-iingat ka rito,a. Kapag may date na ang kasal sabihin mo agad sa amin. Nang makauwi kaagad kami ng papa mo rito. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dito, alam mo na maraming nakabinbin na trabaho kaming naiwan sa kompanya," sabi ni mama.
"I will miss you, Ma. Ingat po kayo ni Papa. Pa, 'yung maintenance niyo po sa high blood 'wag niyo po kalimutan inomin. Huwag din po kayo magpakasubsob masiyado sa work Magtatampo si Mama niyan sa inyo," paalala ko pa sakanila. Yumakap pa ako nang mahigpit sa kanilang dalawa.
"Anak mag-iingat ang Papa para sa'yo. I can't wait to walk with you in altar. Kaunting oras na lang at ibibigay ko na ang kamay mo sa lalaking makakasama mo habang buhay. Parang kailan lang kinukulit mo akong bumili ng cotton candy para sa'yo. Kapag hindi ka napagbigyan iiyak ka hanggang sa mapapayag mo ako." Tumawa pa ng bahagya si Papa.
"Pa, magda-drama pa ba tayo rito? Sige na po Ma, Pa, baka maiwan pa kayo ng eroplano." Paalam ko sa kanila.
"Ang ate Ashlyn mo sabihin mo sa akin kapag may kalokohan na naman siyang ginawa,a. Sige na at nag-last-call na 'yung flight namin. Ingat kayo rito. I love you, anak. Bye." Kumaway sila pareho sabay naglakad palayo. Lamabas na rin ako ng airport at nagtungo sa sasakyan ko. Pero bago pa man ako makasakay roon ay may humablot ng braso ko.
"Sipsip ka rin masiyado, e, no? Hindi porket nakabingwit ka ng mayaman ganyan ka na umasta. Ipapaalala ko lang sa'yo Cheska, marami ka pang utang na dapat bayaran sa akin. Mag-ingat ka, dahil 'yang alimango na nabingwit mo, baka maging bato pa," sabi ni Ate Ashlyn.
Natakot ako bigla sa mga sinabi niya. Noon, lagi siyang nagagalit sa akin dahil lahat ng atensyon ni Mama at Papa ay laging nakatuon sa akin. Sa tuwing inaaway ako ni ate sa panig ko mas kampi sila mama at papa. Tama lang naman ang ginagawa nila dahil hindi naman tama ang ginagawa ni ate. Hindi ko naman inaagaw ang magulang niya sa kaniya.
Dinidisiplina lang siya ni Mama at Papa. Dahil hindi naman talaga tama ang ginagawa niya sa akin. Mahal ko siya kahit lagi niya akong inaaway. Lahat nga nang binibili ni mama at papa sa akin noon, binibigay ko sa kaniya huwag lang siya magtampo at magselos. Pero minamasama niya pa 'yung ginagawa ko.
"Ate, ano naman ba ang problema? Okey naman tayo 'diba? Hindi na nga ako sumama sa America para masolo mo sila mama at papa. Kahit na sobrang hirap sa akin, dahil mahal ko rin sila. Pero nagsakripisyo ako para sa'yo ate. Bakit galit ka pa rin sa akin?"
"So isusumbat mo sa akin 'yan? I don't care if you're hurt. I don't care if you did it for me. Aba, dapat lang na hindi ka na sumama. Sampid ka lang naman sa pamilyang ito. Akala mo ba masaya ako dahil ako ang kasama nila mama at papa? Isang malaking NO! Alam mo kung bakit? Kasi ikaw pa rin ang bukang bibig nila. Bawat galaw ko ikaw ang ikinukompara nila. Na kesyo buti pa ikaw alam ang salitang respeto. Kesyo magaling ka sa ganito ganyan. Sa tingin mo matutuwa ako sa mga bagay na iyon,ha?" Bumuga pa siya ng hangin at ikinumpas ang kamay sa ere at inilagay ito sa kaniyang baywang.
"Tapos ngayon engaged ka sa isang mayaman at gwapong lalaki. Sobrang swerte mo naman. Hindi ako makakapayag na maging masaya ka. Samantalang ako, miserable. Ayokong habang buhay na laging nasa likod mo o ng mga anino mo. Tandaan mo, Cheska, hindi ka magiging masaya!" Tumulo ang luha sa mga mata ni Ate. Pinunasan niya iyon at naglakad na palayo.
Gusto ko siyang habulin at yakapin. Kaso baka lalong madagdagan ang sama ng loob niya. Naaawa ako sa kaniya, nabalot na siya ng sama ng loob at inggit. Lagi kong ipagdarasal na sana buksan niya ang puso't isip niya sa mga bagay-bagay. Sana makita niyang hindi ko inaagaw kung anong sa kaniya.
-----
Pagdating ko sa apartment ko agad akong nagtungo sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig. Pero bigla akong natakam sa orange-mango juice. Kaso naalala ko ubos na pala ang stock ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/55266584-288-k553531.jpg)
BINABASA MO ANG
Undesirable Mistake [COMPLETED]
Ficção Geral****** Masaya ang buhay pag-ibig ni Cheska. Mayroon siyang maunawain at mapagmahal na nobyo, si Klyde. Apat na taon na niya itong karelasyon. Sa sobrang pagmamahal ni Cheska sa kaniyang nobyo ay ibinigay niya at isinuko nang buo ang kaniyang sarili...