Undesirable Mistake

9.6K 174 22
                                    

"Babe, anong gagawin natin? Mukhang bubuhos na ang ulan. Hindi pa rin natin nahahanap ang daan pabalik." Nangangambang sabi ni Cheska sa boyfriend na si Klyde. Sumama sila sa ginawang camping ng magbabarkada.

Hindi rin nila magagawang makontak ang mga kaibigan. Dahil iniwan nila pareho ang cellphone nila sa loob ng kanilang tent.

"Sorry babe, kung hindi lang sana kita niyayang pumitas ng bulaklak hindi sana tayo mawawala. Don't worry walang mangyayaring masama sa'yo. Kasama mo ako poprotektahan kita," sabi ni Klyde. Kahit papaano ay nawala ang kaba ni Cheska sa dibdib.

Padilim nang padilim ang kalangitan. Mayamaya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Walang nagawa ang dalawa kung hindi tumakbo nang tumakbo at suungin ang malakas na ulan.

"Pagod na ako sa kakatakbo, babe. Mukhang walang kahit anong bahay o masisilungan sa gubat na ito." Niyakap na lang ni Klyde ang medyo nanginginig na sa lamig na girlfriend.

Halos limang minuto na silang naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan. Ngunit bigo pa rin silang makahanap ng masisilungan.

"Babe, may usok sa banda roon. Tara baka may tao doon, humingi tayo ng tulong," sigaw ni Cheska at nagmadaling tumakbo. Natanaw niya ang maliit na kubo. Napapalibutan ito ng maraming puno.

Nagmadali silang kumatok ngunit walang tao. Nakabukas ng kaunti ang pinto. Pumasok si Cheska at Klyde sa loob at nalaman nilang wala ngang tao sa loob ng kubo. May isang maliit na higaan sa tapat ng maliit na bintana. May dalawang unan at isang kumot na nakapatong doon. Mayroon ding lutuan na may kaliitan. Doon nanggagaling ang usok na nakita nila kanina.

Nagmadali si Klyde na kumuha ng maliit na kahoy at sinimulan itong hipan hanggang sa makalikha ng apoy.

"Kailangan nating magtanggal nang damit. Baka magkasakit tayo kapag natuyo ito sa katawan natin," Suhestiyon ni Klyde.

"Lalabas ako para matanggal mo ang mga damit mo gamitin mo ang kumot pambalot sa katawan mo. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na." Tango na lang ang naisagot ni Cheska.

Abot tenga ang ngiti ni Cheska dahil sa ginawa ng boyfriend.

"Napaka-swerte ko sa boyfriend ko. Napaka-gentle man at maalagain," bulong nito sa sarili.

"Babe, tapos ka na?" sigaw ni Klyde.

"Oo, babe. Okay na. Pwede ka nang pumasok," sagot naman ni Cheska sabay pulupot ng kumot sa katawan niya na para bang tuwalya.

Napatitig si Klyde sa kaniyang girlfriend. Ngayon niya lang ito nakitang nakatapis. Bigla siyang nakaramdam ng init kahit na malakas pa rin ang buhos ng ulan. Umiwas siya ng tingin at kinuha ang mga damit ng girlfriend.

"Ikaw, hindi mo ba patutuyuin yang damit mo? Baka, magkasakit ka, babe." sabi ni Cheska na lalong nagpa-init sa katawan niya.

"Ayaw mo bang mabisto na wala kang Abs, babe?" tukso ni Cheska at tumawa pa ito.

"Ah ganoon? Gusto mong makita ang itinatago ko, a. Sige." Gumuhit ang ngiti nito sa labi at dahan-dahan inalis ang suot niyang itim na polo.

Napanganga si Cheska sa hubog ng katawan ng kaniyang boyfriend. Umiwas ito ng tingin at napalunok.

"Sabi ko nga six pack abs ka." Sabi ni Cheska habang nasa malayo ang tingin.

"Sinong walang Abs?" Nakakalokong ganti ni Klyde.

"Oo na, ikaw na ang macho, gwapito. Isampay mo na rin muna 'yang damit mo para matuyo. Bukas kapag huminto na ang ulan. Tuyo na rin siguro 'yan." Sabi ni Cheska.

Naghubad na rin ng pantalon si Klyde tanging boxer short at brief na lang ang suot nito.

"Babe, masiyadong malamig. Share tayo dito sa kumot." Aya ni Cheska.

Undesirable Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon