Chapter 1: The Moves

79 3 0
                                    

Criszelle's POV:

Nandito ako sa classroom at nagbabasa ng mga notes. Masyado kasi akong study-hard e. Aral lang nang aral. Kasi, I want to be a professional teacher someday kaya Secondary Education ang kinuha ko, major in Mathematics. Full scholar ako sa aming campus kasi ayaw ko maging pabigat kay Mama at ang gusto ko, makatapos agad ng pag-aaral upang makatulong sa kanya. Dalawa na lang kasi kaming magkatuwang sa buhay. By the way, I'm Maine Criszelle Olivarez, ang perfect girl ng campus dahil sa taglay na kagandahan, kabaitan at katalinuhan (hindi naman sa pagmamayabang).

Back to reality. Naistorbo ang aking pagbabasa nang may biglang humawak sa kamay ko. Siya si Nathan, ang masugid at makulit kong manliligaw.

"What are you doing?"- pagtataray ko.
"I miss you."- umakbay si Nathan sakin with a smirk.
"Miss me?"- siniko ko siya sa dibdib para maalis ang nakaakbay niyang kamay.
"Ouch! You're too harsh on me!"- bigla siya nag-pout.
"Stop this nonsense, Nathan!"- madiin kong sabi.
"So, basted na naman ako?"- seryoso siyang nakatingin sakin.

Bigla namang lumapit sa kanya ang bestfriend kong si Elice.

"Pinsan, tama na kasi. Ayaw ni Criszelle ng lovelife, di ba, bes?"- ani Elice.
"Tama ka dyan, bes!"- at bigla kami naghigh-five.

Bigla na lang nagwalkout si Nathan at pareho ba lang kami natawa. Super kulit kasi.

"Hmmmm... Bes?"- sambit ni Elice.
"Bakit?"- sagot ko naman sa kanya.
"Tanong ko lang. Bakit di ka nagboboyfriend? Tomboy ka ba?"- pabulong niyang sabi. "Hala! Hindi ah! Grabe ka, bes! Ayoko lang ng distraction sa pag-aaral. Di ako tomboy no!"- pasigaw kong sagot sa maintrigang tanong ni Elice. "Good! At di ako papayag na mangyari yun sa bes kong perfect girl. World War IV to pag nagkataon."- paninindigan ni Elice.
"OA mo, bes pero you're the best."- at nag-hug kami.

Maya maya, napansin ko ang dalawang lalaking nakatingin sa amin.

"Nakikinig kayo sa usapan namin?"- sabi ko kay Harvey. "Bakit? Masama ba?"- Harvey winked at me.
"Tss. TSISMOSO!"- sigaw kong sabi sa kanya. Tsismoso naman kasi talaga e.
"Bes, tama na. Ang gwapo e!"-kinikilig na sabi ni Elice.
"Iyan, gwapo? In his dreams!"- inirapan ko si Harvey.
"Hindi pala gwapo ha?"- tumayo si Harvey papalapit sakin.
"Anong gagawin mo ha!"- matapang kong sabi sa kanya.

Palapit ng palapit siya sakin kaya naman ako ay napaatras hangang sa naramdaman kong wala na akong kawala, nakakulong na ako sa mga bisig niya at inilapit pang lalo ang kanyang mukha.

"Ito ba hindi gwapo, ha?"- akmang hahalikan niya ako nang biglang......

PAAAKKKKKK! "Bastos!"- at bigla akong nag-walkout.

Harvey's POV:

"Shocks! For the first time, nasampal ako ng babae!"- hawak-hawak ko ang nasampal na pisngi ni Criszelle.
"Bro, wala pala ang charms mo kay Criszelle. Laos ka na, bro!"- sabi sakin ni Steve, ang pinakamakulit kong barkada. "Sabi ko naman sayo, dude. Give it up. "- tinap ni Spade ang balikat ko. He's my best buddy. "But you know guys, I like that girl."- pangiti-ngiti kong sabi. "Are you serious?"- pabulong na sabi sakin ni Spade.
"Sshhh.... That's just a deal of us."- bulong ko sa kanya.

A Dare Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon