Chapter 6: The Broken-Hearted

30 1 0
                                    

Harvey's POV:

Simula nang magtapat ako kay Elice, nagbago na ang takbo ng aming buhay. Akala ko ay mabibigyan ng pagkakataon ang nararamdaman namin sa isa't isa, pero lalo lang siya umiiwas. Sa ngayon, sinusuyo ni Elice si Criszelle dahil gusto niyang maibalik ang pagkakaibigan nila, na sinira ko. Samantala, umalis na si Spade sa barkada at sinasamahan niya si Criszelle sa lahat ng oras. Si Criszelle? Dahil sa akin, nawalan ng kulay ang kanyang buhay.

Kumalat ang issue sa Fame Academy ang tungkol sa nangyari. Nagi-guilty ako. Pinag-uusapan siya ng buong campus dahil sakin. Gusto ko mang protektahan si Criszelle regarding that issue ay hindi ko magawa dahil pinagbawalan ako ni Spade na sinusunod ko para di ko na madagdagan ang pagkagalit niya sakin. Nakakaawa si Criszelle and I realize how bad I am!!! At ako? I'm not the campus hearthrob anymore. Sira na ang image ko sa campus. Wala na akong maipapakitang yabang. Si Steve at Lance? Kinaaawaan na lang nila ako ngayon dahil frustrated sila, dahil sa eskandalong nagawa ko.

Some give us new nicknames.

The perfect girl is now the player's toy of campus.

The campus hearthrob is now the campus' dare player.

The silent bae is now the toy's shoulder of campus.

And the nerdy gal is now the campus' bitchfriend. (a bitch best friend)

Magkasabay na laging pumapasok si Spade at Criszelle. Ngayon ko nakikita ang pagmamahal na ibinibigay niya kay Criszelle. Kung hindi lang ako umeksena, sana masaya siya ngayon. Sinayang ko lang ang pagmamahal niya. Dapat hindi ko na lang siya nilapitan. Ang g*go mo, Harvey!!! Maya heto, kaparusahan ko ang pag-iwas sakin ni Elice. I know I deserve it. Hindi ko na lang siya kukulitin. Tama sakin ang mabantayan lang siya. Hindi na ko umaasa na magiging kami. Hayyy... This time, all I want to do is to apologize. I learned my lesson. But how? Galit lahat sila sa akin.

Tinry ko lapitan si Criszelle. Palagi siyang nakayuko. Tamang-tama, wala si Spade.

"Criszelle, pwede ba tayo mag-usap please?"- sana pagbigyan niya ako. Gusto ko lang talaga magsorry. With sincerity.

Lumuhod ako sa kanya para masulyapan siya. Ayaw niya talaga lumingon.

Then, girls came. Yung mga naghahabol sakin dati? Sila na yung mapagmataaa! Baliktad na ang mundo ngayon.

"Look, girls! The hearthrob kneels down to the perfect girl?"- sabi ni Nathalie, the leader of these girls, the queen bee.

"The hearthrob and the perfect girl? Not anymore."- pangisi-ngising sabi ni Stacey, the sassy.

"Baka naman walang mapaglaruan ang dare player kaya naghahanap ng foolish toy."- parinig ni Chloe, the classy.

Then, Spade arrive.

"Don't you dare touch her! Pahamak ka talaga! Kaya naeeskandalo si Criszelle e!"- Spade pull me away from Criszelle.

Puro pahamak naman talaga ang dala ko. Gusto ko lang humingi ng kapatawaran. Nakokonsensya ako. Araw-araw, wala akong peace of mind.

"Oh! Here's the toy's shoulder. Iiyak na ba si Criszelle kaya ka nandito?"- umiral ang matabil na bibig ni Nathalie.

Tumabi naman si Spade kay Criszelle at sinisiguro kung okay lang ba ito. But still, nakayuko pa rin ito. Hindi na namin pinatulan kung anuman ang sinasabi ng mga babaeng iyon. Hindi kasi kami lumalaban sa mga babae. Yun ang pagkakapareho namin ni Spade.

"Will you shut your f*cking mouth! Nananahimik si bes. Please stop judging her!"- pagsagot ni Elice.

"Wow! Nakisali ang bitchfriend. A BITCH BESTFRIEND!"- sabat ni Stacey at in-emphasize niya talaga young word na yun.

A Dare Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon