Chapter 5: The Confrontation

29 2 0
                                    

Spade's POV:

Sinundan ko si Criszelle nung mga oras na yun. Alam kong kailangan niya ako. Hindi ko rin inexpect na magagawa yun ni Elice. May tiwala kami sa kanya pero nawala iyon dahil sa nangyari. Sabi niya, di niya kayang traydurin si Criszelle. Kinain niya lang lahat ng sinabi niya. I damn hate her!!!!

Wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya. Gusto kong maramdaman niya na andito lang ako para sa kanya. Nasasaktan ako. Bakit kailangan pagdaanan ni Criszelle ang lahat ng ito? Ako na lang ang saktan nila, wag lang siya. Kung niligawan ko lang sana siya bago pa mangyari yang pustahan na yan, edi sana hindi niya dinanas ang lahat ng ito.

"I hate you, Harvey! I hate you! And that Elice! She's such a bitch!"- nagwawala si Criszelle sa sobrang galit.
"Calm down. Maipapaliwanag ni Elice ito. Pag-usapan natin to bukas."- pinilit ko siyang kumalma pero walang epekto. "Maipapaliwanag pa ba nila kung ano ang nakita ko? Huling-huli na sila. Ang lalandi nila!!!"- pagsigaw niya.

Kinamumuhian na niya si Elice.

"Pag-usapan niyo ito. Nakakapanghinayang ang friendship niyo. I know mahalaga ito sa inyo."- gusto kong ipagtanggol si Elice.
Alam kong may paliwanag siya sa lahat ng ito.
"Mahalaga? Nilandi niya nga ang boyfriend ko! Hindi niya man lang inisip ang feelings ko! Malandi siya!"- hindi io na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Palagi siyang salungat sa mga sinasabi ko.
"You need to go home. Malamang, hinihintay ka na ni Tita Annie."- I'm referring to her mom, Anastasia Olivarez. Naging close kami ni Tita nung sinundo ko siya sa bahay nila before kami pumunta ng Baguio.

Then, she just nod. Ang tahimik niya ngayon. She doesn't want to smile. She's crying all along. I hate myself seeing her suffering.

Pagkarating namin, nakaabang sa pintuan si Tita, waring hinihintay siya. She ran to her mom and hugged her tightly while crying.

"Anong nangyari?"- tanong ni Tita pero di umimik si Criszelle. Sakin siya bumaling para tanungin ako.

"Kay Criszelle niyo na lang po itanong tita. I'll go ahead na po." paalam ko.
"Salamat, iho."- at nakita kong pinasok na ni Tita si Criszelle.

Pagkapaalam ko, isang tao ang pumasok sa isip ko, si Harvey! Agad akong sumugod sa condo niya. Hindi siya mapakali pero nang makita niya ako.....

"Dude, magpapaliwa----"- sinuntok ko siya sa mukha nang malakas at bumagsak siya sa sahig.
"SABI KO, WAG MO SIYANG SASAKTAN PERO ANONG GINAWA MO HA! NAGDURUSA SI CRISZELLE! SINAKTAN MO ANG PINAKAMAMAHAL KO, HARVEY! INIINGATAN KO SIYA PERO SINAKTAN MO LANG! BUONG BUHAY KO NAGING SUNOD-SUNURAN AKO SAYO, HARVEY. HINDI KITA TINATANGGIHAN DAHIL AYOKONG MADISAPPOINT KA. PARA NA KITANG KAPATID. YUNG DARE? NAPASUBO LANG AKO DUN AT ANG TAONG MAHAL KO PA ANG NAGING TARGET MO! KAYA THIS TIME, HINDI NA AKO PAPAYAG. WALA KANG PUSO, HARVEY! NANAHIMIK SIYA, HINAYAAN MO MAHULOG TAS GAGAGUHIN MO LANG!"- may tumutulo ng luha sa mata ko pero puno pa din ng gakit at hinanakit.
"Dude, si Elice talaga ang mahal ko. Ginawa ko lang yun para mapalapit kay Elice."- paliwanag ni Harvey.

A Dare Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon