Chapter 7: The Restart

34 1 0
                                    

Criszelle's POV:

I woke up with a great smile. Today is my restart. Ito na ang simula ng aking pagbabalik, ang dating Maine Criszelle Olivarez.

After taking a bath, nag-ayos ako. I put some make up on my pretty face. Yung natural look lang pero lumilitaw pa rin ang aking kagandahan. That's the spirit, Criszelle. You're still the perfect girl.

Pagkababa ko sa kusina....

"Anak, ikaw na ba iyan?"- manghang mangha si Mama sa bigla kong pag-aayos.

Niyakap ko lang si Mama. Namiss ko siya bigla. Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap.

"Ma, sorry sa inasal ko these past few weeks. Nasaktan ako nun, Ma e. Hindi ko napansin na ang dami pa palang nagmamahal sa akin. Sarili ko lang ang iniisip ko. Pero don't worry, Ma. Heto na ako oh! Nagbalik na ang dating ako. I love you, Ma."- I kissed my Mama's cheek. Halata sa mga mukha namin ang pagkamiss sa isa't isa.

"Natutuwa akong marinig ang mga salitang iyon, anak. O siya, Kain na tayo. Ang ganda talaga ng anak ko."- panggigigil ni Mama sakin dahil di niya inexpect ang pagbabalik ko.

"Mana lang ako sayo, Mama."- at nagtawanan lang kami ni Mama. Para lang kaming magkapatid kung magbiruan at ito ang pinakanamiss ko sa lahat.

"Tok! Tok!"

Tatayo na sana ako pero inawat ako ni Mama.

"Ako na, anak. Kumain ka na lang dyan."- agad na tumayo si Mama para pagbuksan kung sino man ang dumating.

"Spade, ikaw pala iyan. Pasok!"- palaging good vibes si Mama pag si Spade ang kausap.

Anong merong hindi ko alam??? Hmmm.....

"Ang ganda mo, Criszelle. Sana tuloy-tuloy ka ng ganyan."- nakangiting sabi sakin ni Spade.

"Ang bolero ha! Wag ka mag-alala. Araw-araw na kong ganito. Di ba, Ma?"- baling ko Kay Mama. Tumango naman si Mama.

"Glad to hear that."- sabat ni Spade.

Agad akong tumingin sa aking relo. Oh my!!! 6:59 na!

"Ma, we have to go. Male late na kami. Bye."- agad kong kinuha ang bag.

Ito namang si Spade, TULALA!!!!

"Hoy!!! Malelate na tayo!"- dali-dali kong hinila ang kamay niya.

Pero nakatingin lang siya sa kamay kong nakahawak sa kanya habang si Mama, natatanaw kong nakangiti samin.

Ano ga problema ng mokong na ito? May sayad yata sa utak e. Hayyy... Sayang ang kagwapuhan nito. Tsk...

Spade's POV:

Nakakastarstruck ang kagandahan ni Criszelle. Ang sarap mahalin. Ang sarap ingatan. Natutuwa ako at bumalik na ang dating Criszelle. Nakikita ko na ulit ang malaanghel niyang ngiti pati na rin ang maaliwalas niyang mukha.

Wala akong naririnig sa mga oras na ito. Gusto ko lang talaga siyang pagmasdan. Ngunit bigla akong nawala sa ulirat ng maramdaman ko ang pagtapik niya sa aking mukha.

"Hoy, Spade! Okay ka lang? Kanina ka pa tulala dyan."- tanong sakin ni Criszelle.

"Ang ganda ganda mo kasi e."- nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha.

"Kanina ka pa sa bahay, Spade ha! Tigilan mo ko!"- sermon niya sakin.

Bakit ba? E maganda naman talaga ang mahal ko e.

"Totoo. Kaya nga mahal na mahal kita e."- bigla kong pabulong.

"Anong mahal mahal yan, Spade! Tigilan mo nga ako."- sabi niya sakin.

Sh*t! Narinig niya. What to do, Spade? Isiiiippp!!!!

"I mean, ang mahal kasi ng libro na gusto kong bilhin. Nakakainis nga e!"- palusot ko.

Sana effective.

"Kaya pala tulala e. Kung ano ano ang nasa isip."- napagalitan na naman ng lihim kong mahal. Hayyyy....

"Kung alam mo lang...."- sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Anong dapat kong malaman ha!"- taas-kilay na sabi sakin ni Criszelle.

Ang ganda niya talaga kahit nagsusungit.

"Wala ka na dun!"- bigla ko pinisil ang cute niyang ilong. Ayaw na ayaw niyang ginagawa ko iyon sa kanya.

Pero paraan naman iyon ng paglalambing ko sa kanya.

Naiinis na siya sakin.

"SPADE ALEXANDER GOMEZ?!!!! LAGOT KA SAKIN PAG NAABUTAN KITA!!! WAAAAHHHH!!!!"- bigla siya tumakbo para habulin ako.

Ang cute niya maasar. Para kaming mga bata. Sana araw araw na lang kaming ganito. Yung masaya at walang problema. Sana wag na niya maalala ang sakit mula sa kanyang nakaraan. Sana....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dare Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon