A2UH 5 - Scam or Not?

122 6 0
                                    


Applying 2 Ur Heart

by: Rhy Hernandez

***

It's been a three days mula nang mag-apply ako at maghanap ng trabaho. Three days na rin akong nandito sa Manila but still, wala parin akong nakukuhang trabaho. Ayokong maubos ang perang inutang ko sa wala. Tama nga sila, mahirap maghanap ng trabaho.

"Hayy nako Ate ipagpalipas mo na 'yang pagrereview mo ng mga Q&A sa interview portion." Ani ni Nicki na kasalukuyang nagpupunas ng mukha sa tuwalya. Kakatapos lang nitong maligo.

"Pina-practice ko lang naman ang tamang pagsagot." Tugon ko sa kanya pero nanatili lang ako sa notebook na pinahiram sa akin ni Solenn. Pinahiram 'yun sa'kin ni Solenn dahil may subject sila na Personality Development dati. Mayroon din naman ako no'n nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo pero wala namang itinuro sa'min na mga tamang sagot sa kung anong posibleng itanong ng interviwer. Katulad na lang ng "What is your strength and weaknesses?" Okay bang magbanggit talaga ng weaknesses? E 'yung "How long will you stay in our company?" Paano kung ayaw nila ng sagot na "As soon as possible", anong isasagot? Last na... Paano kapag tinanong kung "Who are you 5 years from now? What are your plans?" Sasabihin mo bang aalis ka sakanila at magtatayo ng negosyo o kaya mag-a-broad? Paano kung gusto nila 'yung loyal at magtatagal sa kanila forever kahit wala naman no'n? Actually madami pa 'yung binabasa ko.

Sa sobrang focuse ko sa pagbabasa, hindi na ko nakapag-react sa sinabi ni Nicki. Tama naman siya, may bukas pa. Pero ayoko kasing masayang ang bawat minutong nilalagi ko sa Maynila lalo na kung wala pa kong work. Kailangan talaga may mahanap na ko bukas.

"Ate Anshe... Baka naman kaya ka hindi natatanggap ay dahil wala kang confidence na magsalita? Baka natatameme ka kapag tinatanong ka na?"

Umiling-iling ako. I always do my best whenever I'm in front of the interviewer.

"O baka naman panget ang attire mo? Hindi well-groomed?" muli niyang tanong.

Umiling parin ako. Kahit naman siguro hindi mamahalin ang damit na suot ko, alam ko parin tumingin kung disente o panget ba ang suot ko.

Binato niya ko ng unan dahil sa ginagawa kong pag-iling. "Sumagot ka kaya Ate Anshe! Para akong sirang plaka dito na walang kinakausap!"

"HAHAHAHA! Sorry naman..." sambit ko. "Busy lang talaga ako... Siguro hindi ko pa kasi naibibigay 'yung mga correct answers na dapat isagot sa interview. Malaking tulong 'yung binigay ni Solenn. Nakalagay pa rito 'yung mga Do's and Don't's kapag nasa isang interview."

Bigla na lang tumambad sa pintuan si Solenn na hapong-hapo bitbit ang dala niyang bag. Sumalampak siya sa kama niya kung saan ako nakaupo kaya medyo umusog ako para bigyan siya ng malaking space.

"Haysss... I'm tired!" saad ni Solenn.

"Kanino? Sa pagmamahal mo sa taong di ka naman mahal? Kay—"

"SHUT UP!" Nputol naman ang pangangantiyaw ni Nicki nang sumigaw si Solenn. Dumapa ito at niyakap ang kanyang unan. Tawa naman ng tawa si Nicki at ako naman ay kung todo iling sa pag-aasaran nila.

Mya-maya ay bumaling sa'kin ng tingin si Solenn. "Ano Ate Anshe, okay ba 'yung pinahiram ko sa'yo?"

Tumango-tango naman ako at nagpasalamat. "Thanks ha? Big help! Apply ulit ako bukas."

Hawak-hawak ang unan ay bigla siyang umupo at humarap sa akin. "Nakaka-ilang resume ka na ba?"

"Twelve na mula 'nung nag-apply ako."

Applying 2 Ur HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon