A2UH Prologue

697 22 5
                                    

Applying 2 Ur Heart

by: Rhy Hernandez

***


"Ate."

Naalimpungatan ako sa tawag ng kapatid kong si Amboy. Pagtingin ko ng orasan, alas kwatro pa lang pala ng madaling araw. Hindi ko siya pinansin at muli akong pumikit.

"Ate..." muling tugon ni Amboy na may kasama pang pag-alog ng braso ko.

"Ang aga pa... Gisingin mo ko ulit after 15 minutes." Pagre-request ko sa kanya.

"Ate hindi pwede... Kailangan ko pumasok ng maaga dahil malayo pa ang lalakarin ko."

Wala naman akong nagawa kundi ang bumangon. Hindi na rin naman kasi ako makakatulog kahit anong pikit ang gawin ko. Kapag nagising na ako ay tuloy-tuoy na though inaantok pa kasi ako dahil pagod ako kahapon. Maghapon kasi akong naglaba ng damit ng mga kapatid ko. Ang sakit pa naman sa likod magkusot at magbanlaw.

In fairness naunang gumising si Amboy. Usually ako naman talaga ang nauuna. At 'yun na nga, kailangan kong gumising ng maaga kasi walang mag-aasikaso sa kapatid ko kundi ako lang. Ulila na kasi kaming magkakapatid. Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang mamatay si nanay at tatay dahil sa insidente. Kasama silang tinangay ng bagyong Yolanda. Pauwi kasi sila galing sa paghahanap-buhay sa palengke noong araw na iyon at pinilit nilang lusungin ang baha para lang sa amin. Maaga naman kaming nasagip ng mga rescue team kaya nalaman na lang naming patay na sila nanay at tatay nang dalhin ang bangkay.

Halos humagulgol kami sa iyak nang malaman naming magkakapatid ang nangyari kina nanay at tatay. Ni hindi rin namin alam kung paano kaming magsisimulang muli. Lalo na ako, bilang panganay, hindi ko alam kung paano papasanin ang responsibilidad ngunit pinangako kong gagawin ko ang lahat para sa mga kapatid ko. Walang natirang gamit sa amin kaya back to zero talaga kami. Mabuti na lang at may handang tumulong sa amin noong nagigipit kami. Sa ngayon ay binabantayan naman kami ni Tiya Belen na katabing bahay lang namin kaya kahit papaano ay hindi may umaalalay naman sa aming magkakapatid. Kaya lang ayoko namang iasa lahat kay Tiya Belen dahil may pamilya din itong binubuhay at dapat unahin.

Graduate na ako ng kolehiyo sa kursong BS Business Administration pero dahil nasa Ilo-ilo kami ay mahirap maghanap dito ng magandang trabaho. Maliit ang pasahod dahil provincial rate. Okay lang naman sana pero mas pinili ko na lang munang magtinda-tinda para matutukan ko ang aking mga kapatid. Kahit paano ay mababantayan ko sila. Tumutulong ako sa panghuhuli ng mga isda sa umaga tapos kapag bandang alas-diyes hanggang hapon ay saka ako maglalako. Kahit paano ay marami namang bumibili lalo na kapag ganitong nalalapit na ang summer.

Aayusin ko na sana ang mga unan at kumot pati na rin ang kutson na aming pinaghihigaan sa papagnang mapansin kong tulog parin si Anita, ang bunso naming kapatid. Grade 3 pa lang si Anita at si Amboy naman ay Grade 9. Malalayo ang pagitan ng mga edad namin.

"Anita... May pasok kayo, gumising ka na." kinalabit ko si Anita gamit ang aking paa ngunit hindi siya kumibo.

"Anita..." saad kong muli. "Pag umabsent ka, lagot ka sa'kin. Aba'y Lunes na Lunes."

Para makapag-prepare na ko ng agahan namin at ng babaunin nila, sinabihan ko na lang si Amboy na siya na ang gumising kay Anita. Sumang-ayon naman agad ito.

Nagluluto na ko ng itlog nang marinig ko ang tarantang paglapit sa akin si Amboy.

"Ate! Ate! Si Anita inaapoy ng lagnat!"

Agad akong napapunta sa kinaroroonan ni Anita. Sinapo ko ang ulo at ang leeg nito at tama nga si Amboy, sobrang init ni Anita. Nakita ko ring nagsimula na ang panginginig ng bunso naming kapatid kaya lalo akong nataranta. Dali-dali akong nagpatawag ng tricycle para dalhin si Anita sa malapit na ospital.

Applying 2 Ur HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon