A2UH 11 - The Lost I.D.

100 12 1
                                    

Applying 2 Ur Heart

by: Rhy Hernandez

***

Ibinalita ko agad kay Tiya Belen na sumahod na ako sa trabaho ko at ipapadala ko na lang iyon sa kanila bukas. Natutuwa daw siya para sa akin ngunit sinabi lang ni Tiya Belen na 'wag daw akong mag-alala dahil ayos naman daw sila doon. Baka daw kulangin ako ng gastusin dito sa Maynila pero syempre hindi naman ako pumayag. Alam kong kinakailangan nila ng pera para sa gastusin doon lalo na sa gamot ng aking kapatid. Nakakahiya naman kay Tiya Belen kung hindi rin ako magbibigay sa kanila. Mula nang mawala si inay ay si Tiya Belen na ang tumayong magulang namin, Kung wala siya, malamang ay sa kangkungan kami pupulutin. Isa pa, siya ang tumulong sa'kin upang makaluwas ako ng Maynila. Kaya okay lang sa'kin na kapusin ako ng gastos dito, maibigay ko lang ang pangangailangan nila lalong-lalo na ang mga kapatid ko.

Gabi na at kakauwi ko lang from work. Agad kong isinandal ang likod ko sa pader pagkaupo ko sa kama ni Solenn.

"Uyyy sahod mo na ate ahh!?" saad ni Solenn sa'kin. "Pa-cheesburger ka naman!"

"Oo nga!" gatong naman ni Nicki.

Aba ang mga walangya! Balak pa yata akong lagasan ng pera. Magtitipid nga ako e dahil mahaba-haba pa ang araw na lilipas bago ako sumahod ulit. Kailangan kong mag-budget ng pera.

"CHEESEBURGER! CHEESEBURGER! CHEESEBURGER!" kantyaw nila sa'kin.

"Osiya... Sige na nga!"

"YEHEYYYY!" tilian ang dalawang kasama ko sa kwarto. Agad nilang isinara ang mga hawak nilang libro at nagsi-tayuan na upang magbihis.

"Ohh saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Magbibihis! Alangan namang lumabas kami nang nakaganito diba?" wika ni Solenn.

Parehas silang naka-pajama. Si Solenn ay naka-spaghetti strap lang at si Nicki naman ay naka-t-shirt na pang-bahay. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa inasal nang dalawa.

"Bakit ka natawa?" asik ni Nicki. "Ate ha!? Jino-joke time mo kami ni Solenn 'no!?"

"Ha!? Of course not!"

Hinagis sa'kin ni Solenn ang hawak niyang tuwalya. "Ehh bakit ka natawa diyan? Baliw ka na ba?"

Muli na naman akong tumawa. Nakatingin lang sila parehas sa'kin habang pailing-iling. Nang mahimasmasan na ako ay saka ako nagsalita. "Bakit kailangan niyo pa kasing magbihis? Saan ba tayo pupunta?"

"I thought you will treat us?" umandar na ang pagiging Englishera ni Solenn.

"Yes I will. Pero diyan lang naman tayo sa kanto ahh!?" tugon ko.

Lumapit sa'kin si Solenn nang nakapamewang. "Don't tell me—"

"Yahhh! Diyan lang tayo sa kanto bibili ng cheeseburger para mura, kaya tara na!"

"ANG CHEAP AHH!?" saad ni Nicki. Minsan pala may pagka-maarte ang isang'to. Nahawa na yata kay Solenn.

"Bawal akong gumastos ng bongga, ano ba kayo! Parang di niyo naman alam." Saad ko.

Binuksan ko na ang pinto. Nang mapansin kong hindi sila kumilos ay ibinaling kong muli ang tingen ko sa kanila. "Ano? Ayaw pa!? Bahala kayo 'pag nagbago pa isip ko..."

"Seriously? Sa kanto lang tayo kakain? Hindi ba pwedeng sa Mcdo or Jollibee man lang?" hirit ni Nicki. Hinawakan niya pa ang braso ko. "Sige na ate..."

Ngumisi naman ako sa kanila. "Ang tagal niyong magsipag-kilos eh. Anong oras na ohh... Maaga pa ko bukas."

"Just tell us first kung saan ba talaga tayo pupunta?" paniniguro ni Solenn.

Applying 2 Ur HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon