Prologue

2.4K 31 4
                                    

Cassandra's POV

Napakatahimik ng lugar, malamig ang ang hangin at naririnig ko lang ang mga huni ng ibon sa likod ko habang kaharap ang falls na malamig na dumadampi sakin ang hangin galing doon. Ito. . . ito ang lugar kung saan nahahanap ko ang katahimikan pag pakiramdam ko ay guguho na ang mundo ko. Nakatanaw ako sa malayo, sa dating tambayan ko. Pinagmamasdan ko ang napaka-berdeng kulay ng kalikasan at napansin kong may isang bagong bahay na ipinatayo malapit sa falls.

Siguro dahil bahagyang natatakpan ng mga puno ang bahay at dulot na rin ng malalim na pag-iisip kaya hindi ko napansin may nakatayo palang bahay dito. Isang bahay na transparent na parang mansion sa garbo. Dahil sa kuryusidad 'di ko mapigilan ang sarili kong lapitan ang bahay.

Nasa harap ako ng bahay na walang gate na nakapalibot dito at bukas pa ang pinto na waring iniimbitahan akong pumasok ngunit bago ako humakbang papasok narinig ko ang biglang pag tugtog ng isang gitara at sinabayan ito ng isang napaka gandang boses ng isang lalake.

''Did you hear me,

I'm calling out your name

Cause I'm barely hanging on

Baby, you need to come back home'

Back to me'

Dama ko sa bawat pag bigkas ng mga salita ang lungkot ng lalake. Lungkot na 'di ko mawari kong saan nanggagaling. Dulot ng kuriosidad, nag tangka akong pumasok ngunit sa paghakbang ko tumunog ang alarm na naka kabit pala sa pinto.

"Shit!" untag ko at dali-dali akong kumaripas ng takbo palayo sa bahay na yon.

"Hey, Lady!" Tawag sakin ng lalake ngunit hindi ko na nilingon at patuloy parin akong nag tatakbo palayo at nag tuloy tuloy na akong lumabas sa gubat.

"Gosh. Ano bang ginawa ko. Sana di niya nakita ang mukha ko." Pabalik balik na hakbang ang ginawa ko pag dating ko sa bahay na tinutuluyan ko dito sa probinsiya. Kinakabahan at natataranta ako. "I need to be back in manila as soon as possible." Patuloy na pagkausap ko sa sarili. "Yes, tama. Uuwi na ako bukas na bukas." Pinapakalma ko ang sarili ko na para bang may ginawa akong krimen.

Ako si Cassandra , may kaya ang pamilya ko pero kami yung example ng isang magulo at malungkot na pamilya. I came to a family where love is not important, were everything should live by rules.

Dalawa lang kaming magkapatid, si Ate Anne na isang successful na Chef sa ibang bansa. Paborito ng pamilya at hinahangaan ng mga nakakakilala. Minsan umaabot ako sa puntong naiinggit sa kanya dahil mahal na mahal siya ng mga magulang namin, alagang-alaga siya at kinagigiliwan ng buong pamilya. Hindi tulad ko na pasaway at sabi nga nila black sheep of the family kaya malayo ang loob ko sa mga magulang namin.

-------

Marco's POV

Nakatayo parin ako sa pinto. Hindi ko na hinabol ang babaeng pumasok sa bahay, gladly i put an alarm on every part of this house at may mga CCTV rin na nakakalat.

"Bakit kaya nag tangkang pumassok?" Naiwan na mga tanong sa isip ko. 'Magnanakaw?' Hmm.. wala pa akong nababalitaan sa lugar na may mag nanakaw. Del Fierro family never failed to rule this place and i'm proud to be one of them.

Marco Del Fierro, ang nag-iisang anak ng isang kilala at mayamang pamilya sa lugar ng San Simon. Ang pamilya Del Fierro lang naman ang nag mamay-ari ng ikta-iktaryang lupain sa San Simon at pag mamay-ari rin nila ang Del Fierro Shipping lines na namamahala ng mga sikat na cruise sa iba't-ibang panig ng mundo, his name scream with wealth, a filthy rich billionaire. And other side of his father's family ay kilala sa larangan ng politiko at negosyo while his mother's side ay puro miyembro ng mga elite.

He came from a great family. A loving father and mother but despite of his almost perfect family, he's heart is broken. Broken by a woman he couldn't even forget... his first love.

And no one ever know that his untamed heart has been tamed a long time ago.

-NOTE:
To my readers, wala po akong oras na ayusin ang mga maling spelling dito kaya please do understand. Thank you.

Untamed WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon