Kirsten's POV
Kinabukasan ay nagpatulong ako kay Haya na makahanap ng apartment at nagboluntaryo na rin si Marco na tulungan ako. Nagtrabaho ako sa isang fastfood habang nag-aaral. Tiniis ko dahil ilan buwan na lang ay magtatapos na rin naman ako.
Nagpumilit pa si Marco na tulungan ako sa gastusin pero nahihiya akong ipasok sa relasyon namin ang pera lalo na't hindi naman totoo ang relasyon namin. Madalas niya akong sunduin sa school at kaya sa trabaho pagkatapos ng klase rin niya. Napakabait niya sa'kin kaya hindi ko masisi ang sarili kong hindi mahulog sa kanya.
Tapos na ang shift ko sa trabaho at ramdam kong pagod na ako. saktong paglabas ko ng store ay nag park sa harap ko ang kotse ni Marco at binaba nito ang tented windshield niya.
"Hop in." Malapad na ngiti niya sakin.
Ngumiti rin ako kahit bakas sa mukha ko ang pagod. Pumasok ako sa kotse niya. "Sabi naman sayo hindi mo na ako kailangan sunduin. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt ko.
"Anong klaseng boyfriend ako kung hindi ko man lang masiguradong safe ang girlfriend ko" sabi niya habang nag mamaneho.
"Sabagay." Nag kibit balikat na lang ako.
'Sabagay, parte parte pala ito ng pagpapanggap natin.' Sabi ng utak ko.
He glances at me then back to the road. "Are you okay? Have you eaten?"
Umiling ako "hindi pa. Ikaw?"
"Sleep over in my place. Wala ka naman tayong pasok bukas at isa pa wala kang kasama sa apartment mo." Sabi niya at niliko ang kotse sa isang restaurant. "Stay here. Saglit lang ako."
Tumango lang ako at nagmadali na siyang lumabas ng kotse para pumasok sa restaurant. Di katagalan ay lumabas siyang may dala-dala. Umupo siya sa driver's seat at nilapag ang binili niya sa back seat.
"Nag-abala ka pa. Pwede naman ako mag luto." sabi ko sa kanya nang matukoy kong nagtake-out siya para sa'min.
"You're tired. Hindi mo na kayang magluto." Sabi niya at pinaandar ang kotse.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasa condo na niya kami. I prepared the food for us. Nakaupo lang siya sa harap ng mesa habang pinapanood niya akong gumagayak sa kusina niya. Pagtapos ko ayusin ang lahat ay umupo ako sa tabi niya habang nakatingin parin siya sa'kin.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Nakakawala ng ulirat pag ganito siya tumitig. Nakakatense knowing we're just the two of us.
"I just wanna ask you if you can come with me tomorrow night? Malapit na ang graduation at may party na gaganapin." Seryosong sabi niya sakin. "Maraming pupunta at kasama doon ang mga kaibigan ko na alumni ng school."
Hindi na ako sumagot dahil sa totoo lang, ayokong pumunta sa alumni at advance graduation party. Wala akong oras at isa pa gastos rin yan. Naglalagay ako ng pagkain sa plato niya at nag tabi ng isang basong tubig sa tabi nito.
Nasanay na kami pinag sisilbihan ko siya. Dati pinipigilan niya ako dahil baka masanay daw siya pero dahil makulit ako at gusto ko naman ang ginagawa ko hinayaan na niya ako pagsilhihan siya. Minsan nga ako na rin nag lilinis sa penthouse niya, naglalaba ng damit niya at nag-aayos ng mga gamit. Ginagawa ko ito pagwala akong pasok para kahit paano makabayad sa lahat ng tulong niya sa'kin.
"Anyways, i already bought you a dress. My mom chose that one." Nag simula na siyang kumain.
"Tinanong mo pa ako pero nakabili ka na pala ng damit ko at inabala mo pa mommy mo." Nag simula na rin ako kumain.
BINABASA MO ANG
Untamed Womanizer
RomanceMarco Del Fierro II he's a popular, a varsity player, and a jetsetter. Palibhasa galing sa mayaman at kilalang pamilya. Pag-aari nila ang sikat na Del Fierro shipping lines na nag mamay-ari ng mga sikat na cruise sa iba't-ibang panig ng mundo at may...