Chapter 5

722 8 1
                                    

Kirsten's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas ng pag papanggap namin, nakilala ko na rin mga pinsan, tita at tito niya. Lahat sila mabait sakin at hindi mga mata pobre, sabi nga ng mga taong nakakakilala sa mga Del Fierro dito sa San Simon ay mababait daw ang pamilya nila, saksi na don ang pamilya ko. At ngayon araw na ito bumalik ang mga magulang niya galing sa US, makikilala ko na ang mga magulang niya. Nakakaba kahit kunwarian lang ito.

Ginagap ni Marco ang kamay ko at sinserong ngumiti sakin "Are you okay, baby?" Nasanay na siya na gumamit ng endearment sakin kahit wala kami sa harap ng mga tao. Sanay na rin siya ganito ang pakikitungo sakin at ganon rin naman ako.

Nandito kami ngayon sa kotse niya at nasa harap kami ng mala palasyong bahay nila. Gusto akong ipakilala ni Marco sa mga magulang dahil na rin sa pagpupumilit daw ang mommy nitong makilala ako. Napabuntong hininga na lang ako at tumango ng alanganin sa kanya.

"Just relax. Mababait ang mga magulang ko and they'll surely like you." Tinanggal niya ang seatbelt ko.

"Bakit ko pa kasi sila kailangan makilala, e, kunwarian lang naman ito." Tumingin ako sa kanya.

"Baby, we don't have a choice and it was my mom's request when she heard the news. Nandito na tayo at kailangan na natin panindigan ito." Sabi niya sa malambing na boses. Sabina, e, pag ganitong may kailangan ang damuhong ito dinadaan niya ako sa lambing ng boses niya.

"Wow, a, kung makapag salita ka para naman akong buntis." Natawa na lang siya sa sinabi ko at mas lalong kinakabahan ako sa lokong ito.

"Kung buntis ka hindi kita iaakyat sa bahay, simbahan na tayo agad." Hinawakan niya ulit ang kamay ko na nakatingin parin sakin.

Hinampas ko siya, "Wag kang magbiro ng ganyan, Mr. Del Fierro, alam mong impossible yan. This is a fake relationship and everything is a fake" Ang damdamin ko lang ang hindi na ata fake dito. Gusto ko sana isunod pero hindi pa tamang panahon para dito at wala rin naman patutunguhan kung sasabihin ko sa kanya.

"Binibiro lang kita, Ms. Navarro. " Tatawa-tawa niyang sabi. "C'mon, relax."

Napadako ang mata ko sa may pinto ng bahay nang iluwa non ang mga magulang ni Marco na naghihintay samin. Wala nang atrasan ito. Lumabas si Marco sa kotse nito at umikot sa gilid ko para ipagbukas ako ng pinto. Lumabas ako at ngumiti sa mga magulang niya na agad rin naman silang ngumiti sakin.

"Hija, I'm happy that you came." Lumapit sakin ang mommy niya at niyakap ako. "Ipinagdadamot ka samin ng anak ko. I am very pleasure to meet you, Sweetie. You're beautiful in that Dress." Ani ng mommy niya sakin na ngiting-ngiti sa kabuuan ko. Mabuti na lang at kikay itong si Haya na nahiraman ko ng Dress. Simple lang naman ang Dress na suot ko, hindi elegante pero sakto na para sa araw na ito.

Nababakas sa mga magulang nito ang isang mayaman na pamilya. Ang Mommy nitong elegante at sopistikadang igayak ang sarili, isa pa ang ganda niya at ang gwapo ng Dad nito kahit medyo gray na buhok dulot na rin ng nagkaka-edad. Perfect combination ang magagandang nilalang na ito para makagawa ng isa rin napaka-gwapong nilalang pero ubod ng pagkababaero at napadako ako sa mukha ni Marco

"My pleasure is mine, Ma'am"  Balik ko sa kanya na medyo nahihiya at  tinanggap ko  ang pakikipag kamay ng daddy nito na hinalikan niya ako sa pisngi.

"Call us tita and tito, Hija." Anya ng Daddy ni Marco na naka ngiti rin sakin na galak na galak silang makilala ako.

"Sige po, Tito." Tango ko sa kanila at naramdaman ko ang braso ni Marco na nasa baywang ko.

Untamed WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon