Kirsten's POV
This is the day, a first day of our fake relationship with oh-so-popular slash oh-so-playboy Mr. Del Fierro. Medyo weird sa pakiramdam dahil sa bawat dadaanan ko ay tinitingnan ako ng mga tao sa campus. Well, ikaw ba naman ang mapadikit sa isang Del Fierro.
"Kirsten!" tawag sakin ng kaibigan kong kakalabas lang sa klase niya.
"Hi!" I said it in a boyish act.
"Kumusta? Bigla na lang kayong nawala ni Marco. Ayiie.. kailangan natin mag usap tungkol dyan." Ngiti sakin ng kaibigan kong alam kong may kahulugan.
"Oo, sa ngiti mo'ng yan kailangan nga natin." Ngiti ko rin sa kanya at nag lalakad na kami papunta sa dating tambayan naming dalawa.
Isang oras pa naman bago mag simula ang klase ko, sadya lang na nagpaaga na ako para lang matakasan ang umagang sermon na naman sakin dahil sa pag uwi ko ng late kagabi.
Bago kami dumating sa tambayan namin ay natanaw ko nang naka-upo doon si Marco na mukhang may hinihintay at kasama pa niya ang mga barkada niya na halos lahat ay galing rin sa mga mayayaman na pamilya.
Napahinto ako "Nandyan siya ibig sabihin lang niyan wala tayong privacy ngayon kaya maki-ayon ka na lang sa mga mangyayari." Lingon ko sa kaibigan ko at tumuloy na kami ni Haya dahil alam kong ako ang hinihintay nito.
"Hey, baby." Sabi ni Marco pagkakita niya sakin and he planted a kiss on my cheek and sneaks his arm around my waist.
Ngumiti lang lang ako at tumango sa mga barkada niya na kumaway samin upang umalis na. "Oh, bakit ka nandito? Private place namin ito ng kaibigan ko." pag tataboy ko sa kanya.
"Masama bang makita ang girlfriend ko at makilala ang bestfriend niya? I'm Marco, by the way." Abot ng kamay sa kaibigan kong si Haya at inabot rin ng kaibigan ko na kinikilig pa.
"just call me Haya." Tipid na sagot na kabigan ko dahil mukhang maiihi na ito sa kilig kay Marco at nanlalaki pa mata nito sa pag halik ni Marco sakin.
Siniko ko siya sa tagiliran "wag ka na mag panggap, alam niya ang totoo na fake lang ito."
Tumingin sakin si Marco na naka kunot ng noo at namulsa na lang na nakatitig sakin. "Seriously?."
"Seryoso ako, wala akong balak na itago sa bestfriend ko ang tungkol sa'tin." Seryosong pag sasabi ko sa kanya na naka pamaywang pa sa harap nito. "Kabisado ko naman ang kaibigan ko kaya alam kong safe ang sekreto natin."
"Hmm.. alright. Your words, your accountabilities." He just shrugged.
"Oo naman, trust me." Paninigurado ko sa kanya. "pero pwede bang maiwan mo muna kami, may girl's talk lang kami." Pag tataboy ko ulit sa kanya.
"Okay. Just don't spend too much time than her, you know I'm a bit possessive here and we need to convince everybody about this deal."
I just rolled my eyes on him "goodness, ang bossy at possessive mo. Malinaw po, your highness."
He took a deep breath and walks away.
Mabuti na lang malayo ang tambayan namin sa mga maraming tao, dito sa lugar na ito ay nakakapag-aral kami ng kaibigan ko. Under the tree at dito namin parating nakikitang naka park sa malapit ang kotse ni Marco. He's my secret crush na kahit ang kaibigan kong matalik ay hindi alam ang tungkol don. Sinasadya ko na lang na wag i-pursue ang damdamin ko sa kanya dahil sa daming babaeng nahuhumaling sa lalakeng ito paano pa kaya ako sisingit sa kanila, hmp! Sa kanila na. Isa pa itong kaibigan ko na crush rin ang damuho.
Ngayon ay nakatingin sakin si Haya na nanghihingi ng kasagutan sa mga nangyayari.
"Tama ang narinig mo at tama rin ang naiisip mo ngayon." Pag tango ko sa kanya. "pakisara ang bibig mo baka pasukan na yan ng bangaw, e." natatawa kong sabi sa kanya nang biglang bumuka ang bibig niya sa mga rebelasyon na sinabi ko.
"OMG!" tinakpan niya ang bibig niya at tumili. Nagpaypay siya sa mukha at pinakalma ang sarili bago nagsalita. "Oh my gosh. He's hot and you two are in a relationship."
"fake relationship." Pag tatama ko sa kanya.
"kahit na, mapapalapit ka sa kanya." Ngiting-ngiting sabi nito. "ayiee.. baka maging totohanan na yan, a." panunukso niya sakin sabay upo sa bench.
"Duh. As if naman na type namin ang isa't-isa." Ngumiwi na lang ako at tumabi sa kanya. "mahirap pangarapin ang ganyan at sa mga katulad niyang lalake paiiyakin ka lang." napatingin na lang ako sa malayo at naalala ko na naman ang buhay na meron ako, kung anong pamilyang kinalulugaran ko ngayon.
Nakatatak na lang sakin ang maging praktikal. Sa araw-araw ba naman na nakikitang kong hindi magkasundo ang mga magulang ko, ay tinatak ko na sa isip kong sakit lang sa puso ang mga lalake na yan.
"Hoy. nag-eemot ka na naman." Napatingin ako sa kaibigan ko sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagkibit balikat. "May problema?"
"Yung dati parin. Ang paulit-ulit na pagkukumpara nila sa'min ng ate ko, ang halos araw-araw na pag aaway ng mga magulang ko dahil sa pambabae ng tatay ko." napabunting hininga na lang ako.
Inakbayan ako ng kaibigan ko, "I'll always be here, beb."
Humawak ako sa braso niya na nasa balikat ko, "Salamat. Oo nga pala, 'wag mong masabi kanino man ang tungkol sa agreement namin ni Marco, okay?"
"Yeah, sure. Anything"
Napatingin ako sa relo ko at saktong oras na para sa klase namin. "Paano ba 'yan, pasok na tayo."
Magkatulad kami ng kurso ng kaibigan ko pero hindi sa lahat ng subject ay magkasama kami dahil magkaiba ang majors namin kaya may mga oras na minsan ay ako lang mag-isa sa tambayan namin.
Pumasok na kami sa unang subject na magkasama kami.
"Uy, teh. Nasaan na naman ang ubod ng gwapong mong boyfriend."
"Shh.. speaking of the devil, nandyan na siya." Takip ko sa bibig niya pagkapasok mismo ni Marco.
Mag ka-classmate kami ni Marco at parati na lang kaming suki ng tuksuan sa class room dahil sa mga bali-balita tungkol sa'min.
BINABASA MO ANG
Untamed Womanizer
RomanceMarco Del Fierro II he's a popular, a varsity player, and a jetsetter. Palibhasa galing sa mayaman at kilalang pamilya. Pag-aari nila ang sikat na Del Fierro shipping lines na nag mamay-ari ng mga sikat na cruise sa iba't-ibang panig ng mundo at may...