MALDITA series #7: Keiza Fontero's Decisive Admirer
Ipinahid ni Keiza ang mga luhang tumulo habang ipinapaliwanag ang mga nangyari bago sila napunta sa Principal's office. "Nagulat na lamang po ako nang bigla niyang hablutin ang braso pagkatapos ay buhok ko po. Sinagot ko lang naman ang tanong niya." Pahikbi-hikbi pa siya.
"Ganoon naman pala ang nangyari, Thalia. I think you already know what to do?" ani ng kanilang Principal.
Sa loob ay lihim na nagbunyi si Keiza.
"No way, she insulted me! Oh, my God! I can't believe this." Naiiritang aniya ni Thalia, ang malditang wala pa sa kaniyang talampakan. Hah! Now, what? Nagmamaldita eh, hindi naman ginagamit ang utak.
"Sinagot ko lang naman nang totoo. Hindi ko na kasalanan na nainis siya. Kung nagalit man siya ay ibig sabihin ay totoo nga iyon-"
"You, bitch!"
"Thalia!" nagwawarning nang saad ng Principal. Hindi na napigilang mapangiti ni Keiza gayon pa man ay naitago niya ito sa kaniyang, tinatawag na, acting. "Sa ipinapakita mo ay pinapatunayan mo lang ang mga akusa sa'yo." Ani nito.
Tinignan naman ni Keiza si Thalia na kulang na lamang ay sunugin siya nito nang buhay sa kaniyang mga titig. Kunyaring ipinahid niya ang tumulong luha kasabay ng nang-uuyam na ngiti para rito dahilan para sugurin siya ng sabunot sa harap mismo ng Principal.

BINABASA MO ANG
MALDITA series #7: Keiza Fontero
RomanceMALDITA Series #7: Keiza Fontero's Decessive Admirer Keiza Fontero. Kilalang kapatid ng sikat na business tycoon na si Cloud Fontero. Kaya naman marami itong fans aside from the other reason---despite the popularity, nananatili pa ring mabait at hum...