KFDA: Three
Napahinga nang malalim ang dalaga nang makarating sa sariling office.
Oh, god!
Kinilig ba siya kanina? As in?
Hindi naman siguro nahalata ng binata na kinilig siya kanina?
Hah, lalaki na naman ang ulo nun panigurado kapag nalaman nitong kinilig siya.
He's Jettson, after all.
Iniling niya ang ulo. Jettson is starting to invade her mind dahil sa pagbabalik nito.
She blushed upon remembering their last encounter. He really made a mark on her.
Ugh.
Pinangaralan niya ang sarili na huwag ma-overwhelm.
Nagbalik lang yung tao. Malay niya ba kung nagbago na ito?
Matagal-tagal din silang hindi nagkita, ano kahit na may iniwang mga salita ito sa kaniya.
Malay niya. Hindi niya alam kung pangako ba iyon o ano dahil hindi naman niya mabasa si Jettson.
Baka nga siya lang itong umaasa sa salita ng lalaki.
Hah~ this is kind of stressing her out. Isa pa iyong itsura niya kanina. Pinangako niya sa sarili na dapat talagang maganda siya kapag nagkaharap na sila ng binata.
Well, inaamin naman niyang crush niya ang lalaki noong high school pa sila.
Noong una, naiinis siya sa lalaki dahil sa pabigla-biglang pagsulpot nito. Pero nang lumaon, nanlambot ang puso niya dahil na rin siguro hindi talab sa lalaki ang mga maskara niyang sinusuot. He can really see through her.
AT SINO BANG MAKAKAPAG-EXPECT NA MAGKAKAGUSTO SIYA SA ISANG ORDINARYONG LALAKI?
Hindi siya iyong tipong makalaglag panty na mga hot model. Iyong isang tingin lang sa iyo, nahuhumaling ka na.
Pero sigurado siyang may abs iyon!
Yes, she checked him out.
At saka, klaro kaya sa suot nitong fitted shirt.
Hmp.
Tinungo na lamang niya ang table upang i-check ang mga papeles.
Naupo siya sa swivel chair at napahingang malalim pagkakita ng mga papeles na nakatambak sa mesa niya. Mukhang kailangan na niyang asikasuhin kahit ilan lang sa mga ito.
She's managing their modeling agency. Doon na rin sila kumukuha ng mga modelo sa tuwing naglalabas ng new wears ang kumpanya.
Thanks Emi for that. Ito kasi ang nanghikayat na pumasok sa fashion industry ang kumapanya. Ah, hindi kuya niya ang hinikayat nito kundi ang board of members. Iyong kapatid niya, sunod lang doon sa hipag niya. Tsk.
Well, Emila is one hella legendary!
Ah, speaking of fashion, ito nga pala ang season kung saan nagsisilabasan ang mga bagong designs at kabi-kabila ang mga fashion show.
Ah ah~ loads of work!
Sinimulan na lamang niyang galawin ang mga papeles sa kaniyang mesa para naman mabawas-bawasan kahit papano ang mga ito.
Napatingin na lamang ang dalaga sa orasan nang mapansing liwanag na lamang na nagmumula sa mga ilaw ang nagliliwanag sa opisina. Pinalagyan niya kasi ng glass wall ang opisina para naman makita niya ang skyscaper.
She heaved a breath saka inayos ang mga gamit at ang sarili.
Gustohin man niyang matapos agad ang gagawin ay hindi naman siya immune sa mga sakit na maaaring maging resulta kapag nag-overwork siya.

BINABASA MO ANG
MALDITA series #7: Keiza Fontero
RomanceMALDITA Series #7: Keiza Fontero's Decessive Admirer Keiza Fontero. Kilalang kapatid ng sikat na business tycoon na si Cloud Fontero. Kaya naman marami itong fans aside from the other reason---despite the popularity, nananatili pa ring mabait at hum...