KFDA: Four

514 9 0
                                    

KFDA: Four

Malapad ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Keiza kinaumagahan habang tinutungo ang daan papunta sa sariling opisina. Para siyang VS angel na rumarampa sa hallway ng building. Paano ba namang hindi gaganda ang mood niya? Kinilig siya sa mga pangyayari kagabi—hindi dahil nagdinner date sila ng binata kagabi kundi dahil ang panunuyo nito sa kaniya.

Masaya siyang hindi nito binabali ang mga sinabi bago ito umalis ng bansa. Kung tutuusin nga ay dapat matagal na itong nasimula pero pinangako niya sa sarili na magsusumikap din siya para sa pagbabalik nito ay ang lovelife na lang ang iintindihin nilang dalawa. How was that?

Para sa kaniya kasi mas nakakakilig iyong mature na ang dalawang taong nagmamahalan kesa naman sa nagsimula sa pagkabata. Maraming problema ang ganun kasi mga immature pa. At least ngayon, kung may hahadlang man ay kaya nilang ideal iyon. may pinagtapos na sila sa buhay at nasa tamang edad na sila.

Ah, kahit na medyo may kulang sa araw niya ngayon dahil nag-usap silang sa photosoot na magkikita ay hindi nito nabawasan ang kasiyahang nararamdaman. Well, buong araw naman silang magkikita bukas.

Buong araw ay papales lamang ang kaharap ni Keiza. Masyado siyang inspired na pati ang pagkain ng lunch ay nakalimutan niya. Okay, that was overwhelming. Buti na lang at niremind siya ng secretary kaya naman nagpadeliver na lamang siya at ininvite ang sekretaryang sumabay na kumain sa kaniya.

“Sana ganito ka na lang palagi, Kei. Maganda ang mood para makalibre ako ng lunch.” Natawa naman ang dalaga sa sinabi ng sekretaryang si Jaque. Kei ang tawag sa kaniya kapag free time dahil naging magkaibigan naman sila. Ma’am na ang tawag nito sa kaniya sa oras ng trabaho. And that’s what she likes about her. Marunong itong ilugar ang sarili. Alam niya talagang magkakasundo sila kaya kinuha niya ito.

“Hmm? Let’s see. Depende.” Tanging nasagot niya sa sekretarya. Depende baka mas pakiligin siya ni Jettson at baka malibre niya ng lunch ang lahat ng empleyado sa department niya. She giggled. Napiling naman si Jaque sa inasta ng dalaga. Hindi maipagkakailang, namumukadkad nga ito.

Inasikasong muli ng dalaga ang trabaho hanggang sumapit ang gabi. Kahit walang Jettson na bumungad ang hindi pa rin naalis sa mga labi ng dalaga ang mga ngiti nito. Nang icheck ni Jaque ang opisina ay napailing sa hindi makapaniwalang nasaksihan sa table ng dalaga. Kahit na may naiiwan pang dapat pirmahan ay halos natapos naman na niya ang 80% nito at maaga pang nakauwi!

“Ang ganda ng mood natin ngayon, ah?” natatawang komento ni Rie sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

Nilibot naman ng dalaga ang paningin. Nakikita niyang naghahanda na ang lahat ng staff para sa kukunang advertisement. Dito rin kasi ang photoshoot pagkatapos makunan ang iilang sequence kaya hinanap niya ang pakay.

“Tingin ko alam ko na.” hindi makapaniwalang saad ng kaibigan. Nasagap na rin nito kung sino ang kinuhang photographer ng kapatid nito. Natawa na lamang ang huli sa sinabing iyon ni Rie.

Ilang sandali pa ay may dumating na itim na sasakyan at kinagalak ng dalaga nang makita kung sino ang bumaba. Wala lang namang iba kundi ang kanina pa niya hinahanap. Habang naglalakad ito papunta sa kanilang direksyon ay hindi na naman niya maiwasang kilatisin ang lalaki. Talagang nagmature ang lalaki na mas lalong kumuha ng kaniyang atensyon.

Kahit na nakuha ng lalaki ang atensyon ni Keiza ay hindi niya maiwasang hindi lingunin ang kaibigan na ngayon ay nakatingin din sa lalaki at nakangiti na lingid naman sa kaalaman niya ay siya itong pinagtatawanan ng kaibigan. “Hey, ang mga mata, Rie!”

Mas lalo lang natawa si Rie sa inakto ni Keiza. “Possessive, are we?”

Pinanlisikan naman niya ng mata ang kaibigan na mas lalo talagang natawa. “Relax ka nga. Huwag kang mag-alala, may Frial ako at mas hot ‘yon!” anito na ikinairap niya. Edi, siya na ang may hot lawyer. Kahit hindi mapantayan ni Jettson ang hotness ng lawyer ni Rie ay sa mga mata niiya, ito naman ang pinakagwapo at namumukod tangi sa lahat.

MALDITA series #7: Keiza FonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon