3rd Chapter

14 2 0
                                    

Chapter 3

Napangisi ako ng makita kong nakanguso lang si Zinc sa tabi ni Iya habang sinusuyo nya naman ito. Ang cute talaga nila. Nandito kme sa Starbucks sa loob ng NAIA Terminal 3 para maglunch at magpalipas na din ng oras. Hinatid namin nila Claud, Serra at Zinc sila Iya.

"Seriously? Nakakaumay silang tignan." Komento ni Feya sa nakikita namin.

"Ang sweet nga ee." Kontra naman ni Leya. Feya and Leya are Iya's sister. Specifically, they're triplets. Caphurnia, Cassiopeia and Cattleya. Buti nga hindi nalilito si Zinc sa kanila ee.

"Psh. You're hopeless, Sis." Feya rolled her eyes.

"Yess. I'm hopeless. And you're so bitter." Sagot naman ni Leya.

Tatlo silang pupunta ng Paris. Si Iya at Leya dun magtatrabaho, Si Feya tatambay lang daw dun. Itong apat lang ang maingay, si Claud nakititig lang sa kanila kagaya ko at si Serra ay kanina pa nangangalikot ng phone nya. Katext siguro yung boyfriend nya.

'Calling the attention of the passengers of Flight274. Manila- Busan-Paris. Please proceed to the departure area.'

Nagpaalam na sila samin.

"Babe, hindi ba pwedeng wag kna umalis? Dito ka nalang magtrabaho." Sabi ni Zinc kay Iya. Actually paulit'ulit na yan ee.

"Babe, hindi talaga. Mas maraming opportunity dun ee." Sagot naman nito.

"Don't you know the quote 'Love your own'?" Zinc talaga, napaka'stubborn. Tinaasan lang sya ng kilay ni Iya. "O kaya, wag ka nalang mag'trabaho. You know, kaya kitang buhayin." Nakakatuwa naman sila.

"Oh c'mon Zinc. Napaka'yabang aa?" Sabat ni Feya.

"Inggiterang to. Manahimik ka nga. Moment nila yan!" Kontra ni Leya.

"Zinc tumigil ka na nga. Ang drama mo ee." At hinila na ni Claud si Zinc palayo kay Iya.

Nilagay ni Serra yung phone nya sa Back pocket ng pants nya bago nito bilinan sila Iya."Go now girls. Take care." At nakipagbeso na ang mga ito samin.

"I love you." At hinalikan ni Iya si Zinc sa labi.

"I love you too." Tsaka na tuluyang umalis ang tatlo.

"So san kayo?" Tanong ni Zinc samin ng makarating na kami sa parking lot.

"Send me home. Sumakit ulo ko sa kambal." Reklamo ni Claud.

"Magsa'submit ako ng Application form sa Soriano." Sagot ni Serra. Napatingin naman ako sa kanya.

"Okay. Samahan na kita." Sabi ko dito. Ilang araw na din kaming hindi nagkikita ni Marco ee.

"H-ha? A-ano kse... Okay lang. Kaya k-ko naman." Sabi nito sakin.

Biglang may tumatakbo papunta sa direkson namin at nabangga kme ni Serra. "Fvck!" Nalaglag tuloy yung mga dala namin.

"Hoy! Ingat naman!" Sigaw sa kanila ni Zinc.

Sabay kming yumuko ni Serra para pulutin ang mga gamit namin ng may makita akong maliit na envelope mula sa gamit nya. Kinuha ko ito, binasa ko ang nakasulat sa likod nito.

Smile before you read Serra, Sweetheart.
-Ma-

Hindi ko nabasa ng buo kse mabilis nyang kinuha sakin yun.

"Ano yan?" Tanong ko dito.

"A-ah wala. Tara na, diba sasama ka? Bukas nba to?" Tanong nito sakin. Siguro nagmamadali sya.

Binuksan ko na ang lock ng kotse ko at nauna na syang pumasok. Umikot na rin ako at nagpaalam kila Zinc.

Habang nagmamaneho ako ay napapansin kong hindi mapakali si Serra.

UndisputedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon