7th Chapter

8 0 0
                                    

Chapter 7

Buong araw na ako dito sa bahay at buong araw na rin ako pinapagalitan ni Nikkea at Chloe dahil kagagahan ko kagabi. Jusme! Akala mo mga Ate ko.

Hindi na ako umiiyak. Naubos na yata sa kaka'iyak ko nung mga nagdaang araw. At rinding rindi na ako sa kaka'dakdak nila. Buti nga't hindi nagsasalita si Claudia ee.

Narinig ko ang ingay ng mga kotse sa sa garahe namin.

Sa wakas ay dumating na din ang mga pinsan ko. Nagsabi sila na iinom daw kame dito ngayon. Gusto ko na din uminom no! Natutulili na yun tenga ko sa mga pangaral nila.

"What the fvck!? What happened!?" Napatingin ako sa pinto ng OA na sumigaw si Chloe.

Nakita kong may mga talsik ng dugo sa damit at may putok ang kaliwang parte labi ni Breize. Napatayo agad ako.

"Ano nanamang katarantaduhan yan Breize?" Tanong ko dito. Inirapan lang ako nito.

Humingi ako ng paliwanag sa mga pinsan ko ngunit deadma lang ang mga to.

Kinuha ko ang first aid kit at pinaupo sya ng maayos sa sofa.

"Aray naman, Ate!" Reklamo nya ng diinan ko ang bulak sa kaliwang parte ng labi nya.

"Oh ano? Uulit ka pa? Sa susunod kasi na makikipagbakbakan ka, siguraduhin mong kaya ng bungo mo! Sa buhay kase, dapat dun ka susugal sa alam mong mananalo ka para di ka nasasaktan! Learn from other people's mistake!" Diniin ko pa ang bulak sa sugat nya.

Muling napaaray si Breize sa ginawa ko.

"Are we still talking about Breize here? Humuhugot ka na ee." Nakangising saad ni Azi.

Tinawanan ako ng mga pinsan ko. Sapakin ko kaya tong si Azi? Tatahimik kaya? Umirap nalang ako.

"San ba nakipag'sabong to? Ba't napuruhan ng ganto?" Tanong ko sa pinaka'close ni Breize na si Knoxx.

"Naku Rix, kung napuruhan na ang tawag mo dyan, maaawa ka sa kalaban." Umiling iling pa ito.

"Santilian yan! Hindi pwedeng ma'argabyado ang Santilian ng hindi nakakaganti."

Natigilan ako. Josette's statement hit me. Tama. Santilian ako. Hindi pwedeng ganun nalang yun.

"What are you thinking, Rix?" Tanong ni Knuckles sakin.

Marahan naman akong ngumiti.

"You're creeping us out here, Erikka!" Sigaw ni Knike.

Niligpit ko nalang ang first aid kit at ibinalik ito sa Medicine cabinet.

Nilapitan ko si Manang Lilia at nagpatulong akong maghanda ng dinner.

Maganda ang mood ko ngayon. Sabagay, ikaw ba namang may ka'demonyohang naiisip, ee di ka kaya ma'excite?

Masyado akong naging tanga. Masyado akong nagpakababa. Masyado kong dinungisan ang pangalan ko. Ngayon, ako naman.

———

"You look so stunning and elegant in that gown, Ms. Santilian." Puri sakin ng isang kilalang designer na nagngangalang Marcus.

Ngayon lang ako nagsuot ng gantong klaseng damit. Hindi naman kasi ako uma'attend ng formal parties. At kung tatanungin nyo ang debut ko, hindi din. Hindi ako nagpa'party nun. Maging si Claudia. Nag'Asian tour kmeng dalawa ng mga panahong yun. Naka'formal dress lang naman akong nung debut ni Chloe at Nikkea.

Isang color green na mermaid cut gown ang suot ko ngayon. At saan ako pupunta? Sa party ng mga Soriano.

Nauna ng pumunta dun sila Mommy. Ako naman ay dinaanan pa ang gown ko dito sa shop ni Marcus. Dito narin ako nagbihis at nagpaayos dahil may salon naman sya.

UndisputedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon