9th Chapter

4 0 0
                                    

Chapter 9

Inis kong kinalabog ang pinto ng kotse ni Josette dahil kanina pa sya hindi bumababa don.

"Putangina naman, Jos! Ambagal mo oy!" Sigaw ko dito.

Lumabas naman na ito at inilagay sa bulsa ang phone nito.

"Calm your ass, Rix. May kausap lang ako." Natatawang sabi nito.

Inirapan ko lang sya tsaka ako tumalikod.

Papasok kami ngayon sa Lechiq kung saan may ni'organize na despedida party si Claudia at Josette para kay Knuckles.

Yes. Knuckles will move to Philadelphia to work. Tita Karen's brother owns an Architecture firm there. Naudlot rin ang proclamation nito sa kompanya nila at mukang kay Knoxx na nga ibibigay ang posisyon ng CEO once he graduated. Though, I don't know if Knuckles really want to go there for work. Baka gusto na nya ng amerikana? Ibang putahe kumbaga. For a change. You know, playboys and their penis.

Why don't I try to date americans? Or europeans? Nah... that won't be close to possible.

"Hey!" Bati ni Josette sa mga pinsan namin.

Napalingon naman ang mga ito at agad kaming pinaupo at inabutan ng drinks. Napataas ang kilay ko ng makitang may iilang babaeng hindi ko kilala ang nasa table namin.

"Who are you?" Diretsong tanong ko sa babaeng katabi ni kapatid ko.

She's beautiful. Maamo ang mukha nito at pamilyar. Mukang modelo.

"She's Artemis, Ate. Isa sya sa image models ng kompanya natin." Sagot nito.

"Hindi mo sya kilala?" Tanong sakin ni Silver.

"Obviously, Silver." I rolled my eyes.

"Then you're stupid." He casually said.

"What!?" Nanlaki ang mata ko. Gagong to! Di na ako ginalang, binastos pa ako! "Hayop ka. Mas matanda ako sayo aa!"

Tumawa lang naman ito pati ang kapatid ko. Assholes!

"Chill, Erikka."

Napalingon naman ito sa nagsalita at nakitang si Kara ito. Kasama si Knoxx, syempre. Inseparable kaya to. Pati ang ilan nitong kaibigan. Bineso ako nito at ang mga pinsan ko. To my surprise, pati si Artemis. Mukang close nga sila nito. Sabagay. Knoxx and Breize are bestbuds.

Napangisi pa ako ng tuksuhin si Jos at ang kaibigan nitong si Ylaine. Bigla ko namang naalala ulit si Marco. He's also Ylaine's ex. Pero wala na sa akin yun. Ano ba naman ang pinagkaiba namin ngayon? Pareho naman na kaming ex.

Maya maya pa'y dumating na ilang kaibigan ng mga lalaki sa table namin. Ang iba'y mga taga SMU pero mas marami ang mga barkada ni Knuckles sa Arellano.

"Bakit mangingibang bansa ka pa? Marami namang magagandang firms dito. You know, I can help you with it. My uncle owns an Archi firm in Makati."

Ngumiti pa ng matamis ang babaeng katabi ni Knuckles habang sinasabi iyon. Napataas tuloy ang kilay ko dito. Kasalukuyan pa nyang hinihimas ang braso ni Knucks. She's obviously flirting with my cousin. Goodluck nalang kung patulan ka nyan!

"Oh c'mon, Miss! We all know that Knuckles doesn't need your help. He's a Summa cum laude and Top 3 in board exam for fvck's sake! He can even build his own firm for himself, stupid." I rolled my eyes at her and my cousins laugh.

The girl just smiled awkwardly. Ingrata babaeng to. Sarap tuktukan ng takong sa ulo para magising.

"Rix." Saway ni Knuckles sakin bago bumaling dun sa babae. "No thanks, Raia. I already said yes to my uncle's firm in Philadelphia." He said trying not to be rude.

Aa pasensya ka! Buong buhay ko na akong nagiging mabait. Ubos na ubos na ako. Said na said na ang kabaitan ko sa katawan hanggang sa bone marrow ko!

"Ano, Rix? Sakalin ko na?" Pabirong bulong ni Kara na ikinatawa naming mga kababaihan.

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang comfort sa tabi ng mga kaibigan at pinsan ko. Nitong mga nakaraang buwan ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Mas nagiging normal na dalaga na ako. Natututo na akong makipag socialize, sumasama na ako sa mga parties and gatherings ng mga malalapit na tao sakin, at nakakausad na din ako.

Minsan nga ay iniisip kong wag nalang gumanti kila Marco at hayaan nalang sila. Maybe I deserve better than them. But do I deserve the betrayal? I guess, no.

Maya maya'y kanya kanya nang pulasan ang mga tao sa table namin. So I decided to look around, too. Namiss ko din ang mga college friends ko.

"Erikka! How are you?" Masiglang tanong sakin ng isang kakilala ko nung college na si Alliana.

"Oh I'm good Alli. Who are you with?"

Niyaya nya akong maupo katabi nya sa Bar counter.

"I'm with Feya... I... heard what happened between you and Marco. My deepest condolences, Rix." Pabirong sabi pa nito kaya natawa ako. "But seriously, I have this guilt with me. Sana ay nawarningan kita tungkol kay Serraphire... You know, Dean and I... never really had a clean break up... Serra stole him from me. Eto namang gago mong kaibigan, nagpaagaw!"

"Really? I-I... don't know..."

Nagulat ako sa sinabi nya. Yes. Alli and Dean are great couple back then. They were Highschool sweethearts. Tapos nabalitaan ko nalang kay Marco na break na daw ito at si Dean at Serra na. Hindi naman na din ako nang usisa dahil mukang malinis naman ang break up nito. Alliana's not bitter with Dean and so as him with her. They are cool with each other. In fact, naging magkaibigan pa nga sila. Pero hindi na nagkanobyo ulit si Alli. Akala ko talaga ay maayos ang naging wakas ng relasyon nila. Ngunit nagkamali pala ako.

Wala akong kaalam alam na may kaibigan pala akong ahas na handang manuklaw ng kahit sino. Maging ako na naging mabait at matulungin sa kanya ay nagawa nyang taluhin. I treated her more than a bestfriend pero ginago nya ako.

"Pero wala naman na sakin yun. As much as I want Dean back, I know I cant. Its overdue. Mabuti pa nga kung kayo ang magkakatuluyan ee." Pabirong turan nito na ikinatawa ko lang.

Dean and me? Oh c'mon! Not a good idea.

"Sino mabuting katuluyan ni Erikka?"

Napalingon kami ni Alli sa baritonong boses na nanggaling sa likuran namin.

Halos malaglag sya sa upuan nya ng makita kung sino ang nandon.

"Oh? Gulat na gulat Alliana?" Tanong ni Dean kay Alli na ikinatawa ko.

"Tarantado ka! Bat ba ang hilig mong mang gulat?" Alli hissed.

"Baliw ka na? Di kita ginulat. Feelingera."

And he damn rolled his eyes!

"Muling ibalik." Bulong sakin ni Daneon na nasa likod ko din pala.

Ngumisi ako sa sinabi nya. Uso ba yun? Second chance? Nah... Come back is not real.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UndisputedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon