6th Chapter

8 1 0
                                    

Chapter 6

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakatulog. Naramdaman kong malagkit ang pisngi ko. Nakatulugan ko ang pag'iyak.

Bumangon ako at nagpunta ng banyo. Humarap ako sa salamin. Mugtong mata. Magulong buhok. At namumulang muka. Hindi ko inaasahang dadating ako sa puntong ito. I'm wrecked and nearly wasted.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko ng muli kong maalala ang eksena kahapon. Kung pano nila sinisigaw ang pangalan ng isa't isa. Kung pano sila ngumiti na parang tama ang lahat. At kung pano sila magtinginan na para bang nagmamahalan talaga sila.

Sumagi na isip ko ang lahat. Ang mga pag'iwas ni Marco sakin. Ang pagiging nerbyosa ni Serra kapag kaharap ako. Pero nag'bulag bulagan ako sa mga nakikita ko. Nag'bingi bingihan ako sa mga naririnig ko.

Meron pala talagang ganitong klase ng pag'ibig, yung nakakasama. Yung hindi na tama. Yung tipong sa sobrang lalim, hindi ka na makaahon. Hanggang sa matabunan ka na.

Ilang beses kong sinampal ang muka ko, nananalig na sana ay isa lamang itong panaginip. Ngunit ilang beses kong naramdaman ang sakit ay walang nangyari. Hanggang sa mapagtanto kong hindi pala ito panaginip. Ito ang realidad.

Naligo ako naglinis ng katawan ngunit hindi ako nag'abalang lumabas ng kwarto ko. Wala akong planong magpakita sa kanila ng ganto ang sitwasyon.

Mabuti nalang at linggo ngayon, walang pasok. Maaaring matulog lamang ako buong araw at magmukmok.

Umupo ako sa maliit na upuan at humarap sa salamin. Hinawakan ko ang bawat detalye ng muka ko. Iniisip ko kung anong kulang sakin. Ano nga ba talaga ang naging problema?

Inisip ko ang features ni Serra at ng dalawang ex girlfriend nya na si Ylaine at Shanon. What are common? Magaganda, matatalino, mapuputi, game sa lahat at mga palaayos.

Game sa lahat. Yun ang hindi ako. KJ nga daw ako diba? At palaayos. Lalo naman yan. Bilang na bilang kung kelan ako napilitang mag'make up. JS prom at Grad ball ng Highschool at Dalawang acquaintance party ng First year college. Hindi na kasi ako pumunta sa mga sumunod pang acquaintance parties.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko naman ay kumpleto na ako kahit walang kolorete sa muka. Hindi rin ako nagsusuot ng mga mamahaling damit. Shirt, jeans, flats. Yan ang outfit ko araw araw.

Hindi ako ganun ka'lapitin ng mga manliligaw kagaya ng mga kaibigan at pinsan ko. Dahil ba yun sa pagiging simple ko? Kung ganun ay parang ayaw ko na yatang maging simple.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Ni hindi kumain o nakipag'usap manlang. Wala rin naman sila Mom and Dad. Si Breize ay hindi rin siguro umuwi. Naka'off din ang phone ko. Hindi pa ako handang makipag'usap sa kahit kanino.

Nagba'browse ako ngayon ng mga fashion trends. Nka'standby din ako sa site ng Chanel, Jimmy Choo at Zalora.

Oo. Tama. Bibili ako ng make'ups, pumps and dresses. Minsan lang naman ako mag'uubos ng pera ee. At sigurado naman akong matutuwa si Mommy sa gagawin ko. Matagal nya na ako gustong mag'bloom.

Para to sa sarili ko. Well, partly para kay Marco. Nasaktan ako ee. Pero sa ngayon naman ay hanggang pagbabago palang ng appearance ang nasa utak ko. Hindi ko parin alam ang kasunod.

Hindi naman kme naghiwalay ni Marco. At hindi pa naman sumagi sa isip kong makipag'hiwalay sa kanya. Kinaya ko naman nung una ko syang nahuling kahalikan si Shanon sa library. Medyo mas mabigat nga lang to. Pero alam kong baka bukas o sa susunod na araw ay magso'sorry na sakin si Marco at sasabihin nyang ako ang mahal nya. Sasabihin nyang nadala lang sya sa pang'aakit ni Serraphire sa kanya. Sasabihin nyang tumikim lang sya ng iba.

UndisputedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon