It was my first day at school. I was taking up Bachelor of science in nursing. Sobrang excited ako, not only will i gain new friends but ofcourse my number one goal is to excel in my studies. I was an average performer during highschool and now that i am in college i promised myself to do my best just to bring home the bacon.
May mga nameet na ako right before the class starts. During entrance examination, interview and all throughout ng processing of papers ay nakakilala na ako ng mga kaibigan, iyon nga lang today they're nowhere to be found hindi ko kasi alam ang schedule nila at wala din akong alam kung anong section sila.
Ibang iba ang pakiramdam kapag mag-isa ka lang, nakakastress! first time ko kasing mag-aral sa manila at dito ko napatunayan kung ano ang ibig sabihin ng back to zero, wala kasi akong kasama at kakilala. I don't know what to do halos lahat sila may mga friendship, i felt so out of place feeling ko pagtatawanan nila ako dahil ako lang ang alone. Isa kasi sa weakness ko ay ang pagkapraning at mahiyain Kung pwede lang matunaw natunaw na ako.
Laking probinsiya kasi ako kaya naman medyo nangangapa pa. Nakakalula ang mga nasa paligid ko Ang gaganda at ang gaguwapo. Ang kikinis ng mga kutis at ang puputi. Sa probinsiya kasi namin habulin ka na kung mapusyaw ang balat mo. Doon ako lang ang maputi nasa lahi namin. Sobrang init kasi roon kaya naman kayumanggi ang karamihan. Ngayon ko lang narealize na yung mga inaakala kong gandang tinitingala sa probinsiya namin ay wala sa kalingkingan ng mga tao dito sa manila.
Karamihan din sa kanila mayayaman kasi hinahatid ng kotse at full force ang family. Talaga namang todo support. Nakakainggit kasi ako walang kasama nasa probinsiya ang mga magulang ko. hindi naman masama ang loob ko sayang din kasi sa pamasahe hindi naman kami mayaman, at saka kaya ko naman mag-isa ipinangako ko iyon sa kanila, kakayanin ko kahit malayo. Ang isa pa doon sa probinsya namin mahihirap ang tao kaya walang makakaafford ng kotse hanggang bike lang ang mga tao doon.
I tried to approach someone and she's really pretty. Maputi at makinis ang balat. Katamtaman ang tangkad pati narin ang pangangatawan. Mahaba ang maitim at tuwid niyang buhok. Bukod sa pleasant personality nito ay She also seemed nice.
'Hi, may hinihintay ka ba?' Tanong ko.
Tumingin siya sa akin with a smile 'oo eh, hinihintay ko yung friend ko' the way she talked and pronounce every word ay sosyal ang dating.
'Ganoon ba? Okay lang ba kung sumama muna ako sa inyo? Wala kasi akong kakilala dito eh..' I asked her politely
Tumitig muna ito sa akin ng diretso at saka nagsalita 'uh.. Sige, sumama ka muna sa amin' she said smiling.
Nang hindi tumagal dumating rin ang hinihintay niya. Gaya nito maganda rin ang babae. Nagbeso silang dalawa. Parang nakakahiyang sumama sa dalawa, iniisip ko baka mapagkamalan lang akong shadow nila.
'Girl, sama daw muna siya sa atin wala raw kasi siyang kasama' wika nito sa kaibigang dumating. They looked at each other and smiled awkwardly i'm not really sure what it means pero hindi maganda ang dating parang sinasabi niyon na napipilitan lamang ang dalawa.
Tumango naman ang babae at saka nagsalita 'okay, Tara! Pasok na tayo..' Nauna silang maglakad ako ay nasa hulihan. Napa kagat labi nalang ako, hindi ko alam kung susunod pa ba ako sa kanila.
'Joey!' Narinig ko na may tumawag sa akin, napalingon ako at nakita ko si Rachelle nakilala ko siya noong interview. Nakahinga ako ng maluwag at nabuhayan ako ng loob hay! Thank you lord may kakilala narin ako i said to myself. Morena si rachelle, chubby, mahaba ang buhok pero hindi maitatanggi ang ganda nito. Napakabait din nito, kahit minsan lang kami nagkakilala at nagkasama i feel like she's going to be a good friend. Tinawag ko ang pansin ng dalawang nakilala ko at tumingin sila sa akin.
'Salamat ha.. Pero nandito na ang kaibigan ko sa kanya na lang ako sasama' Pagpapa-alam ko sa mga ito.
Nagtinginan ang dalawa na sandaling natawa at saka tumungin sa akin at tumango. Ano man ang ibig nilang iparating ay hindi ko nalang pinansin. Hindi rin naman kasi ako komportable kung sila ang kasama ko i felt out of place.
Pumasok na kami ni Rachelle sa loob ng school. Nagkuwentuhan kami at nagtawanan masaya na sana ako iyon nga lang ayon sa aming registration form ay magkaiba kami ng section. Section A ako siya naman ay sa Section D kaya naman bago mag alas otso ay hinanap na namin ang kanya kanyang classroom.
Nang makarating ako sa classroom naroon rin ang isa ko pang kaibigan na nakilala during entrance exam si Asel kaya naman hindi na ako masyadong nag-alala.
----------------------------------------------------
That feeling during your first day at school and you don't know anyone.. You don't have any friends? Paano kung mahiyain ka pa at praning? ay! InDay! Scary!Lemme know what you think about this chapter.
BINABASA MO ANG
HER SIDE OF STORY #JustWriteIt #firsts #RomCom
RomanceJoey has a crush on Gabby. The first time she laid her eyes on him it was like love at first sight. Pero kahit anong pagpapapansin at pagpapaganda ang gawin niya he doesn't seem to notice her, she's invisible to him. Nang magkaroon ng girlfriend si...