Night Before Tomorrow

5 2 0
                                    

Umuupa lamang ako sa boarding house. 1500 every month as bedspacer. Maayos naman at desente ang bahay. Tatlo kaming babae sa isang kuwarto. Malaki ang bahay na iyon, apat na palapag. Sa unang palapag ang sala at kusina, pangalawa naman ang kuwarto namin pati narin ang kuwarto ng may-ari ng bahay, sa pangatlong palapag ay mayroong apartment at sa pinakatuktok naman ang rooftop na kung saan naroon kami naglalaba at nagsasampay ng damit.

Mabait naman ang landlady ko, matanda na siya pero hindi naikubli ng edad ang ganda nito. Ang asawa naman nito ay ganoon din mayroong lahi ng kastila kaya mukhang foreigner. Isa lang ang anak ng mga ito, at ang ipinagtataka ko, iba ang itsura nito sa kanila at masyadong bata. Alam kong majsyadong pakialamera ang dating pero Kahit sino naman siguro magtataka, maitim ang bata malayong malayo sa kutis ng mag-asawa. Pango rin ang ilong nito na imposibleng nakuha nito sa magulang dahil parehong matangos ang ilong ng mga ito. Alam ko na, ampon! Ampon ito! Wika ko sa isip. Masamang magjudge pero hindi ko mapigilan. Naku! Wag na ngang makialam, it's none of my business.

Nang makauwi dumiretso na ako sa kuwarto. Hindi maalis ang isip ko sa mangyayari kinabukasan. Ano kayang isusuot ko? Kailangan kong magpaganda. Naalala ko si Ellen, isa sa mga classmates ko magaling siyang magdala ng damit. Naalala ko ang outfit niya noong nakaraang araw, itim iyon na off shoulder at bagay na bagay sa kaniya ang ganda ganda niyang tingnan. Nagkaroon ako ng ideya, ganoon nalang rin kaya ang isuot ko.. Ang problema wala naman akong ganoong damit. Magsashopping ako! May extra pa naman akong pera. Agad akong nagpalit ng damit at dumeretso sa mall malapit sa amin.

Alas syete na nang makarating ako sa mall, agad na dumiretso ako sa department store. Naghanap ako ng itim na top at puwedeng pang off shoulder. Nakakita ako ngunit napaka mahal naman niyon, crissa ang tatak ng damit at umaabot ng P800 ang presyo. Kinuha ko iyon para isukat. Nang maisukat ay nakita kong bagay na bagay iyon sa akin. Naemphasize ang kaputian ko. Ibinaba ko ang sleeve niyon sa balikat upang maging off shoulder. Kitang kita ang maputi kong balikat at leeg. Nakapagdesisyon na ako, ito na ang kukunin ko. Habang nakaharap sa salamin ay Napangiti ako, sisiguraduhin ko na maganda ako bukas at sisiguraduhin kong mapapansin ako ni mike.. Wika ko sa sarili at agad na lumabas sa fitting room at iniabot ang damit sa sales lady. Ayos lang iyan, titipirin ko nalang ang allowance ko.

Pag-uwi ng boarding house ay agad akong kinausap ng mga kasamahan ko sa kuwarto, si ate lot at ate jem parehas na mabait ang mga ito at supportive. Pakiramdam ko nga ang turing nila sa akin ay 'baby' sobrang bata ko kasi kumpara sa kanila.

'Anong binili mo joey?' Tanong sa akin ni ate lot.

'Damit' sagot ko.

'Patingin' wika nito at inaabot ang plastic na hawak ko, agad ko namang ibinigay iyon sa kanya.

'Napaka plain naman nito. Bakit itim? Wala man lang design?' Komento nito

'Oo nga, para saan ba yan joey? May pupuntahan ka bang lamay?' Tanong ni ate jem.

'Wala.. Feeling ko kasi bagay sa akin yan eh... Tingin niyo po ba?' Tanong ko sa kanila.

'Isukat mo nga.' Suhestiyon ni ate lot.

Isinuot ko ang biniling damit at ipinakita sa kanila.

'Ah.... Gusto niya pala iyong nakikita ang balikat niya, ang ganda naman kasi ng balikat niya ate lot..' Komento ni ate jem.

'Oo nga, bagay naman pala sa iyo eh, pumuti ka lalo. Simpleng simple ang dating.' Segunda ni ate lot.

'Bakit? Anong okasyon?' Tanong ulit nito.

'Acquaintance party po namin bukas' sagot ko.

'Siguro may pinapagandahan ka doon ano?' Tukso ni ate jem habang nakangiti.

Hindi nagtagal ay napilit nila akong ikuwento ang tungkol kay mike. Natuwa naman ang mga ito at binigyan pa ako ng advice.

'Kapag isinuot mo ang damit na iyan bukas, kailangan nakapuyod ang buhok mo para kitang kita ang balikat mo, Hindi ba jem?' Suhestiyon ni ate lot. Tumango naman si ate jem.

'Oo nga, at dapat mayroon kang lip balm o hindi naman kaya mag lipstick ka nalang ng pink, naku! Sigurado akong bagay sa iyo yun' wika ni ate jem.

'Dapat kapag nakikita mo si Gabby, huwag kang pahalata, kunware hindi mo siya napapansin.. Ituon mo ang atensiyon mo sa iba ipakita mo na wala kang pakialam sa kanya' sabi naman ni ate lot. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito, hindi ba dapat it's the other way around?

'Bakit ko ipapakita na wala akong pakialam? Hindi ba dapat kabaliktaran?' Tanong ko.

'Hindi... Dapat ipakita mo na dedma ka lang kahit binuko ka noong alex. Kailangan act cool.' Sagot ni ate jem.

'Ganoon po ba iyon?' Tanong ko naman kahit ako'y naguguluhan.

'Oo. At heto pa, kapag nakita mo siyang mag-isa pumunta ka sa hindi mataong lugar pero doon sa makikita parin niya, kailangan mag-isa ka rin para lapitan ka niya. Kapag nakapuwesto ka na, tingnan mo siya ng nang-iimbitang tingin at ngiti para lapitan ka niya.' Suhestiyon pa ni ate jem. Parang maganda nga ang naisip nito at baka sakaling kausapin ako ni Gabby at doon na magsisimula ang lahat! Napangiti ako ng lihim.

Nakikinikinita ko na ng maliwanag ang future.. kakausapin niya ako, magiging magkaibigan kami, magiging close at liligawan na niya ako! Hindi na ako pagtatawanan ni asel dahil umaasa raw ako sa wala. At hindi na rin ako pagtatawanan ng mga kaibigan ko noong highschool dahil sa wala pa raw akong love life samantalang sila ay nakailang palit na at kapag nakita nila ang kaguwapuhan ni Gabby naku! Siguradong nga-nga ang mga iyon. Kinikilig na ako ngayon pa lang, anong klaseng boyfriend kaya si Gabby? Ang sweet sweet niya siguro at thoughtful.

Marami rami rin kaming napagkuwentuhan nila ate jem at ate lot. Hindi matigil ang mga suhestiyon nila sa mga 'the moves' na gagawin ko kinabukasan. Makalipas ang ilang oras ng tawanan at kuwentuhan ay dinalaw narin kami ng antok. Bago humiga ay nagpasalamat muna ako sa panginoon bago idinasal ang aking kahilingan 'lord... Alam mo na kung ano ang gusto ko... Kahit isang ngiti lang mula kay Gabby kontento na ako' wika ko ng tahimik sa dasal. Natulog akong may mga ngiti sa labi, i am feeling hopeful for tomorrow! Excited na ako!

HER SIDE OF STORY #JustWriteIt #firsts #RomComTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon