Acquaintance Party (1)

5 2 0
                                    

At last, the day she's been preparing for has finally came. Humanda ka Gabby sisiguraduhin kong mapapansin mo ako. Wika ko sa isip.

6:00 na ng umaga at alas otso ang pasok ko. Agad na akong pumunta ng banyo at naligo, nang matapos ay agad ko ng isinuot ang damit na aking binili. Humarap ako sa salamin, i put on a baby powder then applied a lipgloss on my lips. Ayan... Perfect!

Nagulantang ang buo kong sistema ng madako ang aking paningin sa wall clock. alas otso na????? Hala!!!!!! Kinuha ko ang aking bag at nagmamadaling lumabas ng bahay. Bakit ganoon? Ang bilis naman ng oras! Ano ba yan, late na ako! Walking distance lang naman ang school sa boarding house pero pwede din naman akong sumakay ng jeep para mas mabilis. Iyon nga lang, rush hour at saka traffic baka mas lalo akong malate.

Mas pinili kong takbuhin nalang ang distansiya mula boarding house hanggang eskuwelahan. 5 minutes lang nasa school na ako, iyon nga lang.. Ang johnsons baby powder na inapply ko sa mukha pati narin ang lipgloss ay humulas na. Ang damit kong supposed to be ay off-shoulder mistulang t-shirt na at ang buhok kong tuwid na tuwid kanina ay kumulot na. Epic fail naman talaga!

Pagpasok ko ng compound, marami ng estudyante, Napansin ko lahat ng mga naroon ay mukhang fresh na fresh, halatang pinaghandaan ang araw na iyon. samantalang ako fresh na fresh din naman... Sa usok at pawis! Ikinibit balikat ko nalang iyon at dumiretso na sa lobby ngunit napansin ko agad si Gabby sa entrance pa lamang. Nakatagilid ito at nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Hala! I remembered what my ultimate goal for today, iyon ay ang mapansin ni Gabby.. At hindi imposibleng mangyari iyon dahil hindi pa nagsisimula ang party ay haggard na ako! pinili ko na lamang dumaan sa fire exit hanggang third floor
Pagbukas ko ng pinto ng classroom namin sa sobrang pagmamadali ay nadulas pa ako.

'Hala! Joey!' Narinig kong wika ng isa sa mga kaklase ko. Ano ba namang kamalasan ito! Sayang ang outfit! Parang ayoko nang tumayo mula sa sahig.

'Kalma kasi girl, wala tayong klase masyado kang nagmamadali' ayon kay asel. Iginala ko ang aking mata sa loob ng classroom, walang masyadong tao roon. Nakahinga ako ng maluwag, agad na akong umupo sa puwesto namin ni asel.

Alas diyes na ng umaga ay wala paring nangyayari sa araw namin, naroon lamang kami sa loob ng classroom nagkukwentuhan. Maya maya ay inaya ako ni asel na mag retouch sa CR.

'Nakita ko si Gabby kanina' panimula kong kuwento kay asel. Pareho kaming nakaharap sa salamin at nag-aayos ng sarili.

'Ako rin, nakita ko siya sa lobby'

'Ang pogi niya ano?! Bagay sa kanya ang pink' sabi ko habang nakangiti. Pink kasi ang suot nitong t-shirt kanina.

'Bading ata iyon eh!' Natatawang sabi nito.

'Porque naka pink bading na?'

'Bakit ba iyon ang crush mo?' Tanong nito habang nag-aapply ng eyeliner.

'Ang cute kaya niya...'

'Anong cute? Mukha kayang masungit!' Komento ni asel.

'Mysterious ang tawag doon. Tsaka malay mo naman serious type lang talaga siya. Don't judge the book by it's cover!'

'Sus... Kahit mag joined force pa kami ni lucifer para laitin iyang crush mo ay hindi kami mananalo, daig mo pa si wonderwoman kung ipagtanggol si Gabby'

Ngumiti nalang ako bilang sagot sa sinabi nito. Kinuha ko ang lipgloss sa bag at ini-apply iyon sa labi. Kumuha ako ng pampuyod at itinali ang aking buhok. Ngumiti ako sa repleksiyon sa salamin.. Hashtag! Balik Alindog!

HER SIDE OF STORY #JustWriteIt #firsts #RomComTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon