Kyuri's POV
"Kasi mas hihigpitan ko ang hawak ko at hindi ko hahayaang mabitiwan at mapakawalan ka pa."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Nakatulala lang ako sa kanya, pinunasan ko muna yung luha ko bago siya tignan ulit.
"Kyuri, liligawan kita."
Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Wow, Kyuri, kailan ka pa naging makata?
"Ipapakita ko sa'yo..hindi na ako magiging gago na hahayaan kang mawala."
"Hindi ko..hindi ko maintindihan. Jimin, bakit mo ginagawa to?"
"Kasi gusto kita."
Ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sasaya ba ako? Malulungkot? Kikiligin?
Masyadong malalim yung pagiisip ko na hindi ko pala namalayan na lumabas siya ng conference room. Masyadong..masyadong mabilis.
Yung mga pangyayari kasi.
****
"WEH!"
"Oo nga."
"DI NGA?!"
"PUNYETA PAULIT ULIT NAMAN EH!" Binatukan ko silang lahat bago bumalik sa upuan ko. Dahil si Hoseok ang manlilibre, sa bukid kami pumunta para magtanim at kumain ng damo.
Dejoke lang, nasa SM Foodcourt kami at kumakain ng potato fries at siomai. Kinwento ko sa kanila ang nangyari, maliban dun sa ano..yung..hinalikan..EH BASTA!
"Oh, eh namumura sha! Bakert ka namumura?"
"Deputa Ella, lunukin mo muna yang subo mo at wala kaming maintindihan." Pagpapaliwanag ni Jin.
"Di ko kayang lunukin..malaki eh. Hehe." Sabi ni Ella pagkatapos niyang lunukin.
"IKAW HA PORKET MAY YOONGI KA NA!"
"Aish! Sabi ko kako, bat ka namumula!" Tanong niya sa akin. Ako?
"Ikaw ha, may tinatago ka bang hindi mo sinasabi sa amin. Ikaw ha.." Siniko ako ni Hoseok.
"ARAY KO! Singtulis ng baba mo yang siko mo. Buti hindi ako nasaksak."
"Gagu!"
"Pabayaan niyo na yan. Masyado sigurong masaya." Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng may nagtext sa akin.
From: Junggago
Umuwi ka na, ngayon na.
Anong problema nito? Naubusan ba kami ng alikabok sa bahay na kailangan niyang singhutin?
To: Junggago
Bakit naman?
From: Junggago
May kailangan tayong pagusapan, kasama tong bisita mo.
Ano?
****
Aba't kambing naman oh, nakadalawang doorbell na ako at wala pa ding nagbubukas ng pinto.
"TEKA NAMAN! ATAT!" Narinig kong sigaw ng Human Vacuum pagkatapos kong magdoorbell ng paulit-ulit.
Pagkabukas niya ng gate, pumasok kaagad ako at umakyat.
"HOY KYURI!" Sigaw ni Jungkook ng mauna akong umakyat papuntang sala kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
burger | jimin
FanfictionKung saan mag-aaway si Kyuri at Jimin dahil mas malaman pa daw ang abs ni Jimin kaysa sa burger na yan." (This book is so old, I wrote this when I was like 13, so please don't read this if you don't want to cringe.) ♡ december 4, 2015 - may 14, 2016...