xvi

2.4K 168 150
                                    

Kyuri's POV

"WAAAAH EOMMA!" Paiyak na si Hoseok nung binuhat siya nina Taehyung at Jimin at binato sa pool.

Nandito kami sa Lucky T. Tinyo Resort, sabado naman at wala akong magawa sa buhay maliban sa magpakatanga sa taong hindi ako mapapansin. Joke lang, ehe.

Ako nga lang mag-isa dito sa may kubo. Si Hoseok, Taehyung at Jimin, naglalaro sa pool. Si Jungkook, nagsswimming. Natatakot nga ako baka pumasok lahat ng tubig sa ilong niya. Si Namjoon at Jin, nagbabasaan. Yan tuloy, wet na sila, hehe. Tapos si Yoongi at Ella, naglulumpungan, ay dejoke, nagkwekwentuhan sa tabi ng pool.

Ako? Kumakain ng Lemon Square Cheesecake.

"Hayth, mathaya thiguro kung magth-thwimming tayo diba? Bakit tayo nakakatunganga dito? Kabanath!"

"Tumahimik ka nga Sehun!"

"Kwento mo tha baba mo!"

"Kaninong baba? Sayo o akin?"

"Bwithet ka Krith!"

OMAYGAAAAD! IS THAT..SEHUN AND KRIS OMG!

Uy, mga peymus yan sa school, wag mong lalapitan, katakot kaya. Dalawa deadly weapons nila oh.

Agad akong lumapit papalapit sa pool pero hinarangan ako ng guard.

"Ma'am, bawal ho ang pagkain sa may pool, pakiubos muna yang cheesecake na hawak niyo."

"Ampucha, demanding pa si kuya, makautos naman. Say please muna." Pangbibiro ko naman.

Infires--I mean infernes si kuya, may itsura. Hihi, crush ko na siya. Dejoke. Siguro mas matanda to ng mga ilang taon sa akin, ganun.

"Ma'am." Sinamaan ko siya ng tingin at inubos yung cheesecake ko.

Naglakad na ako papuntang swimming pool at binabad yung paa ko sa tubig. Nakakailang nga tong suot ko, buti hindi ako pinag-two piece ni Ella. Gaga yun eh.

"Puti ng legs, brad."

"Malaki naman ilong."

"Flat chested pa."

"SEXY MAH MEEEEN!"

Hala ka, ako kaya pinaguusapan nila? Hehe, ganda ko talaga.

Pero seryoso, ako ata pinaguusapan ng mga to eh, kamukha nila yung bawang sa sachet ng Boy Bawang.

Noong nakita ako ni Jimin, lumangoy siya papunta sa akin.

Sarap nga dukutin nung mga mata ng mga babaeng hipon dito na nakatingin sa abs niya. Leche.

"Di ka lalangoy?"

Umiling ako. Eh, sa hindi ako marunong lumangoy.

Ano ba yan, kauri mo nga si Squidward tapos hindi ka marunong lumangoy? Shame on you!

Nagulat na lang ako nung lumapit yung bawang boys sa aming dalawa.

"Brad, girlfriend mo?" Sabi nung lalakeng bungal.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Jimin, bago siya umiling.

"Ah, hindi pala. Pwedeng pahiram muna?" Sabi naman nung isang kamukha ni Boots, yung bespren ni Dora.

"Magiging girlfriend ko na to, bakit ko pahihiramin?"

Hala shet, ganon ba ako kaganda? Hirap talaga maging maganda, nakakastress.

burger | jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon