xxxi

1.8K 129 177
                                    

Kyuri's POV

Kasalukuyan kaming nasa airport.

Oo, yung noo ni otor, hehe jk.

Yung feeling na gusto mong may pipigil ng pag-alis mo kasi yun yung mga nababasa mo sa Wattpad.

Pero sad life, hanggang wattpad lang naman yung mga ganun. Real life isn't a fairy tale.

Nagt-twitter lang ako ng biglang may tumawag sa akin.

Napangiti ako.

"Hello, Ella!"

[ kyuri ok ka lang? nakasakay na kayo ng eroplano? traffic ba? hehe ]

"Eroplano? Traffic? Gago ka? Hindi pa kami nakakasakay, bakit?"

[ ingat kayo ha! hehe miss ka na namin pati si jungkook! ]

Napatawa na lang ulit ako. Narinig ko kasi yung iba na sumisigaw sa telepono.

Tangina, naiimagine ko si Taehyung na winawagayway yung bra ko.

Tinawag na bigla yung flight namin, binaba ko na yung tawag at tumingin sa likod ko.

Ano ka ba, Kyuri. Wala ng maghahabol sa'yo. Wala na.

Kinuha ko na yung maleta ko at naglakad na kaming tatlo. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng may kumalabit sa akin sa likod.

Parang nag slow mo ang lahat ng pagtingin ko sa likod. Sa wakas, may pumigil sa akin na umalis. Sa wakas, magkakaroon ng happy ending itong storya na ito.

"Ma'am, naiwan niyo po yung sumbrero niyo." Sabi ng isang guard.

Putangina, umasa ako dun ah.

Padabog kong kinuha yung sumbrero ko at pinagpapalo yung guard. "Paasa ka, kuya. Kingina mo! Wag kang magpapakita sa akin! Stupido!" Inawat ako ni Jungkook at nagsorry siya dun sa guard. Kinalma ko muna yung sarili ko bago kami naglakad papunta sa eroplano.

Wala na ba talaga?

Kingina ka, Kyuri. Pinagtulakan mo na siya palayo, imposible namang babalikan ka niya. Hayop ka talaga.

Hanggang sa nakasakay na kami ng eroplano.

"Hello everyone, I'm J-Hope." Narinig kong sabi ng katabi ko. Luh, kamukha ni Hoseok. umiling na lang ako, namimiss ko na agad sila.

"English speakeu time. Okay, you know what I'm saying?"

"I'm good, I'm done." Namamalikmata lang siguro ako, kamukha kasi ni Jungkook. Napatingin ako sa katabi ko, si Jungkook na natutulog. Nakinig na lang ako sa music.

Matulog ka na lang Kyuri. Mahaba pa ang biyahe. Hehe, mahaba.

"How are you?"

"Uh..I'm fine, thank you..uh..so good!"

Hanggang dito ba naman, naririnig ko yung boses ni Jimin. Please lang, tigilan ninyo ako.

"So good! Oh..you look so heppy? Why heppy?"

Sa wakas, katahimikan. Makakaiglip na sana ako ng biglang may nagsalita.

"Oh..my heart is...my heart is omygod!"

Pagkadilat ko, bigla silang nawala.

Kingina, nag-iimagine imagine lang naman pala ako.

Di katagalan, biglang sinabi na lilipad na yung eroplano.

Eto na.

Paalam na, Philippines.

Ma-mimiss kita kahit polluted ka.

burger | jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon