‘Gusto mo ba talagang pumasok diyan anak?’
Tanong sa akin ni mama habang tinuturo ang isang tarpaulin sa labas ng ‘future high school’ ko na nagpapahiwatig na open na raw ang application sa mga nais pumasok sa special science class at ang mga forms raw ay maaari ng makuha sa Department Head ng Science and Technology department. May halong pag-aalala sa mukha ni mama ng panahong tinanong niya sa akin iyon.
‘Oo naman po, sigurado na akong pumasok sa SSC.’
Sagot ko sa isang napakapanatag na tono ng boses upang mapanatag na rin si mama.
Dito parati pumupunta ang aming usapan kapag ang topiko ay ang aking paaralan sa high school. Pabalik-balik na kami rito sa aming mga pinag-uusapan ngunit parang hindi pa rin nagagasgas ang ganitong usapan sa pagitan namin ni mama. Alam ko kung bakit nangangamba si mama sa aking desisyong kumuha ng qualifying examinations sa SSC, ito ay dahil ako ay galing lamang sa isang maliit na Barrio school na matatagpuan sa aming barangay. Hindi naman sa pagmamayabang, eh, ako ay nagtapos bilang valedictorian ng aming batch, ang batch 2010. Kahit na ako ay top sa aming klase noong elementary at tumanggap ng pinakamataas na parangal noong graduation, nag-aalala pa rin si mama dahil ako ay galing lamang sa isang maliit na barrio school at dahil rito baka raw ako ay matulad sa dalawa kong pinsan na sa parehong paaralan din nag graduate na pumasok sa special science class at nagkaproblema dahil sila ay na ‘out of place’ sa kanilang mga kaklase. Siguro sila ay na intimidate dahil ang mga estudyanteng galing sa central schools ay mayayaman at magagaling sa halos lahat ng subject.
Oo, hindi ganoon kaganda at kaginhawa ang aming buhay kaya nangamba si mama na baka ganoon din ang mangyari sa akin, na baka masami rin lang ang kalalabasan ng aking desisyon. Ngunit hindi lamang sa pagdedesisyon nagtatapos ang lahat ng aming aalalahanin, marami pang serye ng exams at interviews ang naghihintay sa akin bago makapasok sa program. Ginagawa nila ito sa kadahilanang nais ng administration at teachers ng school na masiguradong mabuti na ang mga papasok sa SSC ay hindi mga basta-bastang students kundi ang may mga excemptional talents and intellect ang gusto nilang maka enroll upang magamit nila at kanilang lubos na mahasa at gumaling pa para sa mga competitions. Parang dadaan kami sa butas ng karayom at magmumukhang mga balyenang dapat dumaan sa butas ng maliliit na net. Kaya masasabi ko na hindi talaga madali ang maging isang special science student. At ang pagiging isang student ng SSC ay isa rin daw mabigat na pasanin dahil ikaw ay may mga tungkulin na kailangang gampanan ng buong puso at isip. Isang dahilan pa kung bakit mas humihirap taon-taon ang exams and interviews dahil every year mas marami ang nakukuhang awards at distinctions ng special science class, mapa division level, regional, national at kung pinapalad talaga ay umaabot pa ang school namin sa international competitions. Lahat ng ito ay dahil sa SPECIAL SCIENCE CLASS.
BINABASA MO ANG
Buhay Special Science
Teen FictionPaano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay nabibilang sa klaseng hinangaan at kinaiinggitan ng napakarami, ano nga ba ang pakiramdam na maturingang 'pinaka' sa lahat ng bagay: mabuti man o masama. Ano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay napabilang sa k...