Dumaan ang ilang linggong natira sa bakasyon ay dumating na ang enrollment day, sinamahan ako ni mama sa school at tinulungan akong tapusin lahat ng requirements.
Kailangan ang tatlong copies ng bawat isa:
*Report Card
*Certificate of Good Moral Character
*Birth Certificate
Nadala ko naman lahat ng requirements, at finally nakapag enroll. Marami akong nakitang mga higher years na halatang medyo mas matanda sa akin ng ilang taon, at halatang mga dalaga at binata na sa kanilang pag porma at pagsasalita. Mga mukhang nakaka-intimidate silang lahat na para bang pandidirihan ka nila kapag nalaman nila ang iyong flaws.
Ayon na nga ako ay enrolled na, sa WAKAS nagsimula na ang simula ng panibagong buhay ko at winakasan ko na rin ang aking mga ala-ala noong elementarya.
It’s a WHOLE NEW WORLD nga.
Bagong school.
Bagong teachers.
Bagong set ng mga kaibigan.
Bagong set ng kaaway at haters.
At Bagong mga tao na kung hindi ka tutulungan ikaw ay pahihirapan at tatapakan.
Lahat ay bago at hindi ko alam kung ano ang hindi bago, tiniyak ko lang sa sarili ko na kahit anuman ang mangyari magiging ako parin ako, at hindi magbabago patungo sa kasamaan ngunit sa kabutihan.
BINABASA MO ANG
Buhay Special Science
Teen FictionPaano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay nabibilang sa klaseng hinangaan at kinaiinggitan ng napakarami, ano nga ba ang pakiramdam na maturingang 'pinaka' sa lahat ng bagay: mabuti man o masama. Ano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay napabilang sa k...