Chapter Two

170 7 2
                                    

Dahil lubos na uma-alingasaw sa kabuuan ng paaralang aking nais pasukan na ang Special Science Class daw ay mas nakakatanggap ng higit na atensyong pang-akademiko kaysa sa mga ‘regular students’ naisipan ko na subukan ko kayang kumuha ng pagsusulit; noong una, hindi ko sana masyado seseryosohin ang pagkuha ng exam, ngunit may apoy na biglang sumiklab sa aking dibdib na nag-uudyok sa akin na ako ay dapat maging seryoso at buo sa aking desisyon na pumasok sa SSC. Ayon na nga kumuha ako ng examinations kasama ng dalawa ko pang kaklaseng sina Jerry at Yas. Kasama naming tatlo ang aming mga nanay na sumuporta at nagbigay sa amin na lakas ng loob upang kumuha ng pagsusulit. Medyo hindi  maganda ang pakiramdam ko noong araw na iyon na para bang may bumabagabag sa aking loob na huwag na lamang tumuloy, ngunit itinatim ko na lang sa aking isip na ito ay purong kaba lamang at walang halong ibang masamang pangitain.

‘Students, I assume that all of you are already decided to go into the Special Science Class right? Aren’t you? You’re seeing me smiling right now, why? Because your hell, or say WORST HELL starts today!’

Sigaw at medyo nakakatakot na pag-uusisa ng isang babaeng nakabalot sa berdeng damit at pantalong magara na wari’y kung siya ay iyong tititiga’y ikaw ay ma-iintimidate sa kanyang tindig at confidence sa kanyang sarili. Siya ay talagang mas nagmukhang napakatalino sa kanyang suot na eye glasses na kung sa malayo ay iyong maiisip na kahawig na ng inyong bintana ang kapal ng lente na kanyang sinusuot. Ang mga puting hibla ng buhok na makikita sa kanyang ulo ay parang nagpapakita at nagpapahiwatig ng kanyang mga karanasan, kagalingan at mga tagumpay sa buhay, na sa iyong imahinasyon ay iyong maiisip na siya ay talagang nahubog na ng napakahabang panahon na kanyang tinahak. Hindi siya masyadong matangkad, singkit ang mata, maputi na parang Chinese, at tila nasa 45+ na ang edad.  Aking inisip na siguro ang babaeng ito ay isang guro, at hindi ako nagkamali dahil naaninag ko ang kanyang name plate na nakakabit sa bahagi ng kanyang damit malapit sa kanyang dibdib na maaaring mabasa sa hindi masyadong kalayuan na ang kanyang pangalan ay ‘Gng. Dolores Zegovia’. At hindi pa siya nakuntento sa kanyang mga unang pahiwatig ng kanyang pagkatuwa na kami ay papasok sa isang mala-impyernong buhay, dinagdagan nya pa ito ng mga mas nakakatakot na pahayag.

‘Handa na ba talaga kayong pasukin ang daang kakaunti lamang ang tumatahak? Yun bang ‘The Road Less Taken’? Haha. Humanda na kayo sa lahat ng mga tinik na inyong aapakan, at take note people, hindi niyo lang simpleng aapakan ang mga tinik sa special science class, ito ay inyong isusubo at kakainin, at pag nagtagumpay kayo sa mga pagsubok na ito, mararamdaman ninyo ang tunay na kahulugang ng TAGUMPAY.’

Marami ang bahagyang nabagabag sa mga pinagsasabi ng babaeng maganda (mantakin mo, pakakainin kami ng tinik? Siya kaya kumain na ng tinik?) ngunit medyo bruha ang tabas ng pananalita, matalino nga ngunit parang sobra naman ata ang kanyang pagpapa-alala sa amin na hindi simple ang tinatahak naming daan; sa bagay hindi naman talaga simple kundi kumplikado.

‘Oh, anyways, where are we?’

Sa wakas tinapos nya na rin ang kanyang valedictory speech at bumalik na sa dapat at nararapat niyang trabaho, ito ay kami ay iorganize at i-grupo sa limang tumpok upang kami ay maipamahagi sa iba’t-ibang testing rooms.

‘Ikaw!’

Tinuro niya ang isang lalaking may salamin din at mukhang matalino ngunit hindi nakikinig sa mga pinagsasabi ng guro at medyo napalakas ata ang kwentuhan sa kanyang katabi kaya siya ay napansin ni Gng. Zegovia.

‘Ako?’

Tanong ng lalaking nakasalamin. Halatang parang maiihi na ang batang ito sa kanyang pantalon dahil kanyang nararamdaman ang paparating na masamang karanasan babayo sa kanyang pagkatao sa lima, apat, tatlo, dalawa at isang segundo...

‘Oo! Ikaw! Since hindi ka nakikinig sa aking pinagsasabi rito at parang ikaw ay nawili na sa pakikipag-usap diyan sa hunghang mong katabi, maaari mo bang ibahagi sa lahat kung ano ang ating dapat gawin, dahil sa aking pagtingin, alam mo na lahat. So now, ikaw na rin ang magsalita rito sa gitna!’

Buhay Special ScienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon