‘Sinigurado po ng ating mga kapulisan na maayos ang pagbabalik eskwela ng ating mga estudyante na papasok ngayong araw Ikalawa ng Hunyo ngayong taon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng police visibility sa ating mga pampublikong paaralan.’
Narinig ko ng klaro ang boses ng isang batikan at sikat na reporter at news caster na si Ted Failon sa isang pang-umagang palabas sa telebisyon, hindi ko agad nakuha ang ibig ipahiwatig ng mga kataga ngunit dinig na dinig ko ang mga katagang:
PAGBABALIK ESKWELA
Nang biglang pumasok sa aking utak na unang araw ng pasok pala ngayon at napasobra yata ako sa pagtulog ang aking katawang lupa at nakaligtaan na ako ay mayroong bundok na aakyatin at dagat na lalanguyin ngayong araw mismo. Pinoproseso ng aking utak ang mga impormasyong ito nang biglang may narinig akong sigaw na nagmula sa labas ng pintuan ng aking kwarto:
'Don! Anak ngayon ang unang araw ng pasukan! Bumangon ka na dyan at maligo na mamaya mahuli ka sa flag ceremony!'
Talagang concerned si mama sa flag ceremony kasi daw baka maraming announcements na sa flag ceremony sasabihin na baka marami akong ma miss at hindi ako maka-cope up from 'what's new' sa school school namin.
'Opo ma! Heto na po ako, kakagising ko lang po.'
Sagot ko naman sa sigaw ni mama sa labas ng aking kwarto. Nakalimutan ko kasi na mag-alarm kagabi since super excited ako sa mga posibleng mangyari sa tinatawag nila na 'first day high'. Napuyat ako sa pag-iisip at pag-iisip at pag-iisip lamang, at nakatulog laman ng mga bandang alas onse na ng gabi. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ko na para bang gusto niyang hilahin ang oras sa 'fast forward stage' at nais niya na sa ganoong moment mismo ay mag-umaga na at papasok na ako sa paaralan. Ngunit pagdating ng araw na mismo na aking kina-excited-dan ay hindi ako nakapaghanda masyado at sa palagay ko ay medyo nabitin ang aking magandang tulog.
Naligo na ako sa aming banyong mas malaki pa ang isang tipikal na elevator at tila kung naliligo ka sa banyong iyon ikaw ay nagmumukhang presong hubad na nakakulong sa makitid at malamig na rehas. Una kong pina-andar ang gripo sa harap ko at ito ay bumuga ng tubig sa katapat na timba, tila hindi nakisama ngayon sa akin ang lakas ng tubig na lumalabas galing sa gripo at iyong aakalain na ihi lamang iyon ng bunsong kapatid mo; ang hina. Pero kahit ganoon kahina ang tubig ng araw na iyon ay aking nairaos naman ang aking paliligo, nagmukha nga lang akong hunghang sa kahihintay na mapuno ang timba. Pihikan kasi ako, hangga't hindi pa napupuno ang timba ay hindi ako magsisimulang maligo, ang werdo ko na nga. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aming mesang may nakahaing iba't-ibang ulam. Ngumiti ako at tinanong si mama kung anong masarap na ulam na naman ba ang kanyang inihain para sa aming magkapatid.
'Ma! Anong ulam na naman po ang inyong inihanda para sa amin? Siguradong masarap na naman po iyan ahh!'
Masayang tanong at pagpuri ko kay mama kahit na kitang-kita ko naman ang mga nakahain sa mesa at alam ko na mayroong limang itlog na naka 'sunny side up', apat na hotdog, at apat ring fried chicken, sinamahan pa ng dalawang basong gatas na nakahanda para sa akin at sa aking nakababatang kapatid na si Rey. At habang tinititigan ko ang mga nakahain sa mesa ay biglang may narinig ako na isang boses, pamilyar na boses,
'Don! Baka maubos mo na yang pagkain sa mesa ninyo sa kakatitig niyan!'
Si Iris, classmate ko noong elementary at kapitbahay din namin. Magkaibigan kami at kahit hindi masyadong close, since close ang families namin ay parati siyang nasa bahay. Minsan nga tinutukso na siya na sa bahay na uuwi dahil pag walang pasok ay nasa bahay siya the whole day para lang magpaturo at makipaglaro sa akin ng kahit anong pumasok sa isip niya. Madalas din kaming tuksuhin sa isa't-isa ngunit hindi ko na lang pinapansin sa kadahilanang pagkakaibigan lamang ang aking gustong mamagitan sa aming dalawang, kahit minsan nahahalata ko sa kanya na minsan kapag tinutukso kami ay namumula ang kanyang mga pisngi na tila siya ay nakikilig. Ngunit anupaman ang kanyang mithiin o mga motibasyon ay hindi ko na pinansin hanggang makatapos kami ng elementarya.
BINABASA MO ANG
Buhay Special Science
Teen FictionPaano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay nabibilang sa klaseng hinangaan at kinaiinggitan ng napakarami, ano nga ba ang pakiramdam na maturingang 'pinaka' sa lahat ng bagay: mabuti man o masama. Ano nga ba ang pakiramdam kung ikaw ay napabilang sa k...