Ang Babae sa salamin

1K 4 7
                                    

Chapter 1

Kulog at kidlat ang pawang madidinig sa paligid.Apat na magkakaibigan babae ang pawang humahangos,sige lamang sila sa pagtakbo di alintana ang putik na tumitilamsik at mga sanga na humaharang sa kanilang daan..

"Ayun may nakikita ako sa banda dun"sabi ni Avira.

"Bilisan natin nababasa na ang damit ko at puro putik na ang mga paa ko!" reklamo ni Ybyanna.

"Kung hindi mo kami niyaya di sana di ka nabasa!" Galit na si Frainha..

"Wag na kayong magtalo nakikita ko na ang sinasabi ni Avira mukhang may bahay dun subukan nating makisilong."Sabi ni Kirrian

Habang papalapit sila sa kinaroroonan ng bahay napagtanto na magkaibigan na hindi yun basta bahay kundi isang mansyon na napapaligiran ng bakod na guho.Sa bawat gilid ay may mga tuyong sanga at dahon na nagpupumilit mabuhay.At sa gitna ng hardin naroroon ang isang maliit na sapa kung saan mayroong kakaibang hugis.Tuyo na ito at sa paligid ay may mga halaman at bulakalak na bagamat tuyo na ay hindi naman inaagnas.Meron din itong maliit na tulay na yari sa marmol at salamin.Bagamat ang lahat sa kapaligiran ay nasira ang tulay ay nanatiling kaakit akit.At ang Mansyon ay nagkakaroon ng replika sa tulay tuwing kumikidlat ang langit.

Sa gilid ng mansyon andun ang isang hagdan nanakapaikot ngunit ang bahaging yon ay gumuho na rin.Ang pintuan ay yari din sa salamin at marmol kung titignan mabuti at sa dalwang hamba nito ay may kakaibang nakaukit.Nasa pagmamasid ng pagkamangha ang bawat isa na tila nakalimutan ang pakay ng biglang kumulog ng malakas.

Marahil sa sobrang gulat at pagkabigla ay nagtutuloy sila sa loob ng Mansyon.Ngunit di pa rin nila naramdaman ang pagiging ligtas sapagkat sa loob ng mansyon ang mga dekorasyon ay tila higanteng halimaw sa kanilang paningin sa bawat kidlat.Yun ang naging sanhi ng pagtakbo at ng pagkakahiwahiwlay nila.

Si Avira na bagamat takot ay nanatiling kalmado.Siya ang naiwan sa napakalawak na bulwagan na yun ng biglang - "A-aaviraaaa.... Aaviraaa. " Narinig niya na may tumatawag sa kanyang pangalan.Dahil pag-aalala inisip ni Avira na yun ay isa sa kanyang mga kaibigan.

"Nasan ka? Frainhna, Ybyanna, Kirrian. "

"A-aviraaa, Avira tulungan mo ko!' Ika ng tinig na parang naghihirap

Sa paghahanap sa inaakalang kaibigan sinundan ni Avira ang tinig.Dinala siya nito sa isang bahagi ng bahay kung saan makipot na pasilyo.Sa dulo nun ay naroroon ang liwanag at tiyak ni Avira na dun galing ang pag-iyak ng tinig.Habang papalapit siya sa liwanag na yung napansin ni Avira na ang buong pasilyo ay pinapalibutan ng salamin. At sa salamin may nakikita siyang hugis ngunit di niya mapagtanto.

"Avira tulungan mo ako.Parang awa mo na."Pagsusumamo ng tinig.

Nang makalapit si Avira sa liwanag na akala niya ay silid.ay biglang lumiwanag ang buong kapaligiran.Liwanag na napakasakit sa mata ni Avira.Dahil sa hapdi na naramdaman napasugod si Avira ngunit bigla ring napaatras sapagkat may malamig at matigas na bagay siyang tinamaan....

"Avira." Yun ang narinig nya at ng mag-mulat ng mata dun niya nakita na ang bagay na matigas at malamig ay isang salamin at naroon ang isang ubod ganda na babae at sa kanya ay nakangiti.

"Sino ka?" Tanong ni Avira bago tuluyang nag dilim ang kamalayan ni Avira.

Chapter 2

"Huh!"

Hingal na hingal si Avira ng magising isang panaginip lang ang lahat.Nandito pa rin siya sa kanyang silid.Napatingin siya sa katawan.Hindi na siya bata.Isa na siyang dalaga.

Ngunit sa kabila ng lahat tila kay linaw ng naganap sa kanyang panaginip.Dama niya pa rin niya ang pagod mula sa pagtakbo.Iniligid niya ang paningin sa buong silid upang makatiyak na talagang di siya nanaginip.

Ang Babae sa salaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon