Capitulo Dos

1.6K 51 14
                                    

[AUTHOR'S NOTE]

HI GUYS! Thanks for reading this one! Sino gusto magpadedicate? comment lang also vote :)

--------------

MILENA'S POV

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha. Pumunta na ako sa next class ko... Ano ba yan! Bawat dinadaanan ko pinagtitinginan yung beauty ko! Chos! Pinagtitinginan nila ako kasi parang may makapal na blush on ako sa mukha ko.. Eh sa hindi ko matanggal yung dugo eh? Ginamit ko na nga yung bareta sa lababo. Kasalanan talaga ni Nicole yun eh!

"Kapal naman ng mukha.. nagmake up pa.. akala mo naman gumanda" Sabi ng kaklase kong si Ayeong. Kala mo naman kung sinong kagandahan =.=

Napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko si Janiel na naglalaro ng basketball sa court. Kasama niya pa yung tropa niyang sina Hayato at Karl.

Napatingin siya sa akin....

At nginitian niya ako!

OHEMGEE! Nahulog yung Panty Ko! Pakipulot na lang.

=

NICOLE'S POV

Mga readers ako nga pala si Nicole "Nicha" Rocha. Ako ang pinakamayaman, pinakasosyal at pinakamaganda sa paaralang ito. Walang nagtatangkang kalabin ako dahil mapangyarihan ang aking pamilya. Kami kaya ang may ari ng karinderya dyan sa tapat ng school!

Papunta ako ng court dahil sa pagkakaalam ko may try outs daw ng basketball. Alam niyo na... MANY HOT GUYS!

Taas noo akong rumampa papuntang court  dahil bago ang aking earrings na suot ngayon. dapat makita ng lahat to!

Papasok na sana ako ng court ng makita ko si Milena na nagdr-drool kay... Janiel?! Ang aking manliligaw? Ohh i see... makakapaghiganti na ako kay Milena sa paglagay niya ng nana at dugo ng pimples niya sa kamay ko.

JANIEL'S POV

Sobrang saya ko ngayong araw dahil after so many years nakapasok na rin ako sa Varsity ng school namin.. at saka sinagot na ako ni Nicole! 2 years na akong nanliligaw mabuti at sinagot niya na ako. Siguro regalo niya to dahil nakapasok na ako sa varsity.

Oh well papel, Magpapakilala muna ako... Ako nga pala si Janiel Mendez. Ang dakilang playboy ng school namin pero simula nang makilala ko si Nicole tumino ako... Wala tayong magagawa, that's pag ibig.

MILENA'S POV

"Alam niyo na ba na si Nicole at Janiel na daw?" sabi ni Katrina ang tsimosa kong kaklase

"Syempre naman no! kalat na kalat na kayas a school. Nakita ko pa silang naghalikan eh. Bagay talaga sila!" sabi ni Raika ang kaklase kong anak ng japayuki

Tumakbo ako palayo na parang si Cinderella. Pero nga lang sa akin walang prince charming na humahabol :( Sa Pagmamadali ko may nabunggo akong nilalang

"ARAY! ANO BA! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Nahulog pa tuloy yung bago kong libro na Hunger Games!" sigaw nung lalaking nabunggo ko. Walang iba kundi si Zeejay =.= Yung Nerd na masungit.

"Sorry naman diba? Aksidente lang yung nangyari! Wala kang karapatan akong pagalitan ng ganyan dahil di mo ko pinapalamon!" sabi ko. Marami akong nasabing kung ano ano dahil siguro sa emosyon na nararamdaman ko ngayon :(

"Oo na! Aksidente na! Umalis ka na lang sa harap ko! Kadiri yung pagmumukha mo! Grabe ka naman umiyak lumulobo pa yung sipon!" sigaw niya

Sininghot ko lahat ng sipon ko at tumakbo nanaman. Di na ako naka-attend ng next class ko. Okay lang naman matutulog lang naman ako sa klase eh.

Pumunta ako sa pinakamalapit na park at dun ako nagemote

"BAKIT ANG SAKIT SAKIT! HUHUHU!" pinagbabato ko ang lahat ng bata na mahawakan ko

Biglang may bumaba sa puno na katabi ng bench na inuupuan ko...

"Di lang ikaw ang nasasaktan..." sabi niya

"Bakit pareha ba tayo ng nararamdaman Nickolai?" Oo si Nickolai yung may ari ng computer shop dun sa amin.

"Hindi...."

"Ehh Pano mo nasabi na di lang ako yung nasasaktan?!"

"Yun.. Yung mga taong binabato mo ng bato.. Nasasaktan sila kaya itigil mo na yan"

Napatingin ako sa binabato ko.. Nabato ko pala yung manong na umiihi sa pader.. Nag peace sign na lang ako at tumakbo...

Bumalik ako sa school. mag si-six na kaya wala ng tao... Gumora ako sa rooftop... Tumayo ako sa may sulok ng rooftop at nagarm sideward ako.. Nangamoy tuloy -.-"

Bakit ba kasi di ako naging maganda katulad ni Nicole?! Bakit kelangan ko pa ng pimples?! Sabihin niyo sakin bakit kailangan akong malasin ng ganito!

Wala nanamang kwenta ang buhay ko.. susunod na lang ako sa mga magulang ko... Isusuko ko na lang ba ang pangarap kong maging malandi? Wala na akong choice... Magpapakamatay na lang ako...

Goodbye Philippines, Goodbye World, Goodbye Universe and.. Goodbye Janiel :(

Hello Heaven, Here I co-

"WAG MONG ITULOY YANG BINABALAK MO!" sigaw ng isang nilalang

+++++

5 VOTES TO CONTINUE...  

Mi Landita : Malanding Pangit [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon